All About Love
By:@c_sweetladyAnong ba ibig sabihin ng love sa atin?
Ito 'yong ang daming katanungan sa buhay ng bawat tao?
Para bang question mark, 'yong hindi mo mahanap ang tama o mali daig mo pa parang final exam
Sa love naman kasi, wala naman tamang formula
Darating sa buhay natin mahuhulog ka na lang sa taong akala mo siya na da one mo matagal mo ng hinihintay
'Yong para bang siya na lang lagi centro ng buhay mo..
'Yong bang wala ka na lang iba bukang bibig, kundi pangalan niya
Kahit sa panaginip siya pa rin laman ng utak mo
Siguro nga mapaglaro tadhana
Pero sa kabila ng lahat ng pagsubok
Dito tayo na totoo magmahal, umibig, masaktan at higit sa lahat binigay natin buong puso sa isang tao akala mo siya na da one mo?
Di ba madalas ang unfair sa buhay ng tao?
Umiibig ka lang naman eh, pero hindi pa rin natin nakukuha nakalaan para sa atin
'Yong sino pa 'yong talaga seryoso, sila madalas nasasaktan?
Sabi nga nila, hindi mo raw makakamit ang tunay pagmamahal kung hindi mo mararanasan ang sakit dulot sa'yo
Hindi ka matuto sa pagkakamali sa nakaraan mo kung hindi mo maitatama sa kasalukuyan
Nasasaktan tayo kasi umiibig tayo, ganyan naman talaga eh!
Sa bawat sakit sa puso pighati, tumatalab sa buong pagkatao ng bawat tao
Sabi nga nila, parang isang laro lang 'yan
Larong pang bata katulad ng patintero habol ka ng habol sa taong hindi naman nakatadhana sa'yo
Gano'n nga siguro tayo eh! Madalas natin hinahabol ang taong ayaw naman sa atin, na siyang dahilan ng pagkasawi mo
Sa pag-ibig kasi, tayo lang naman gumagawa ng ating love story
Nasa sa atin naman 'yan, kung magpapaloko ka, sa huli ikaw lang naman luwaan
Wake up, move on 'yan ang madalas natin naririnig sa mga taong nasa paligid natin
Totoo naman eh, 'wag tayo bulag sa katotohanan, dahil sa huli sinasayang mo lang panahon na dapat maging masaya ka, hindi 'yon pinipilit mo pa rin balikan ang relasyon hindi naman mabubuo
Oo nga, sayang naman talaga di ba,1, 2, 3, 4, 5 taong pagsasama
Pero naisip mo ba?
Kung patuloy ka pa rin lalaban?
Sa tingin mo ba magiging masaya ka?
Kung alam mo wala naman talaga pag-asa?
Sa simula pa lang ikaw lang kumakapit sa inyo dalawa
Para kang tanga umaasa sa wala
'Yong oras na dapat ilaan mo sa iba, hindi 'yong sasayangin mo panahon sa isang tao hindi talaga para sa'yo
Alalahanin mo hindi tayo pabata ng bata
Baka isang araw, gumising na lang tayo
Nawawala na pala tayo kalendaryo kung baga napag-iiwanan na
Kumipad ka hanapin mo sarili mo, hindi lang sa isang tao lang
Sayang ang oras na dapat nakangiti ka sa gitna ng kadiliman
Mga bituin na sa paligid natin kumikislap
Siguro nga pinagtagpo lang, pero hindi naman tadhana
'Wag mo kasi isipin 'yong sakit binigyan sa'yo, sa kabila ng lahat magpasalamat na lang tayo
Dahil siya man ang sumira sa pagkatao mo, siya naman dahilan ng pagbangon mo
Tanggapin ang katotohanan hanggang diyan lang ang story ng buhay niyo
Parang libro lang 'yan, kung baga isang chapter lang nabuo niyo love story niyo dalawa
Gumawa ka ng sarili mo love story, para sa susunod ng pahina
Buong-buo mo ipagmamalaki
May isang tao nakalaan para sa'yo
Masasabi mo, ang aking da one, ang aking tadhana all about love
BINABASA MO ANG
Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto Publishing
PoetrySpoken Words Poetry ( Published Under Ukiyoto Publishing House Love Friendship Challenges Nature Tagumpay mo nagsimula sa pagsubok Pagsubok na lumaban sa ating buhay ...