#118-🙋Overthinker

29 5 0
                                    

Over thinker
c_sweetlady

Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito?

Masyado mong iniisip ang taong mahal mo.

Sa tuwing hindi mo siya kakausapin, ang daming tumatakbo sa utak mo. 

‘Yong feeling mo niloloko ka, pero hindi.

Ako lang ba ang nag-o-overthink sa ating dalawa?

O sadyang wala akong tiwala sa kan'ya?

Sa bawat araw na lumilipas, lagi mo siyang naaalala.

Ito ay kakaiba; ganoon na ba talaga ka-overthink ang magmahal ng sobra?

Kahit kailan hindi mo ako maintindihan

Sana naman maunawaan mo ang aking damdamin

Ganito lang ang aking nararamdaman

At tanging hangad ko lang ay mapansin


------++++++++


 apP Ang aking story    
Written by: c_sweetlady

Paano ko ito na-download dito? Sa totoo lang, wala sa akin ang nagsabi ng anuman tungkol sa mga app na ito. Dumaan lang siya sa Facebook ko. Ito iyong time na kakatapos ko lang mag edit ng story ko (My first crush and My First Love) na 2 months na walang absent para lang makapag update sa (Dreame) at syempre kumita kahit papaano. Sabi ko nahinga na ako; Wala na akong isipin na iba. 

Dito ako magsisimula. Naalala ko pa yun, around 2 p.m. noong May 10, 2024. Nag-scroll ako sa aking Facebook. Wala lang tamang tambay lang ako, at nag-ii-scroll at nag-ii-scroll ako sa oras na iyon. Pagkatapos noon, dumaan siya sa Facebook (app). Na-curious ako, kaya dinownload ko agad. 

After that, syempre, sign in. Pagbukas ko, dahil sa bago lang ako, kahit anong pinindot ko. Nagulat pa ako nang may lumabas na matching. Maya-maya, may nag chat. Dahil mabait ako, syempre nagreply ako. Hanggang sa nalaman ko ang edad nila, syempre umiwas ako ang babata nila. Haha, yun ang totoo. Hindi ako judgemental, ah! Actually, dalawang beses na akong may naka-chat. Palagi nila sinasabi. Taga saan ka? Ilang taon ka na? Nakakaumay rin laging ganoon ang tanong nila. Sabi ko pa nga delete ko na rin naman ito. Napagkamalan akong matanda! Totoo naman, kasi hindi ko pa rin maamin. Ang babata pa kasi sila 10 years or 5 years gab.

Pa out na ako noon. Nang may nag chat sa akin, Siya ang pangatlong makakachat ko sa app. Sa totoo lang, napakunot ang noo ko sa pangalan niya. Hoy! Peace!! Syempre, mabait talaga ako. Nagreply ko sa kanya. Hanggang sa nalaman ko kung taga saan siya. 

Sabi ko pa okay lang kasi nasa isang lugar kami. To be honest, dedmahin ko sana eh! Kasi 5 years, gab ko sa kaniya. Pero hindi ko alam kung bakit ako nagreply sa kaniya hanggang sa nakagahanan ko na ng loob.

Hanggang ngayon nakakachat ko pa rin siya. Masaya ako sa tuwing kausap ko siya. Sa kaniya lang ako nagtiwala na makipag-chat. I never ako nagtiwala sa iba; lalo na't hindi ko naman kilala. Pero ayon, ngumiti lang ako. Kahit kalokohan lang ang topic naming dalawa, alam kong hindi forever na siya ang ka-chat ko dahil alam kong may makikilala siyang iba. Lalo na't ang layo ko, kaya imposibleng maging kami.

Pero masaya akong nakilala ko siya sa app. Nakaramdam ako saya, at parang naiinlove na naman ako. Uy, salamat! Kung sino ka man, "L," salamat.

  May 10,
May 28,

Love, Friendship, Challenges And, Nature (Spoken Word Poetry) Ukiyoto PublishingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon