R a v e n
"'Di ako bakla. 'Di ako shokla. Babae po ako."
Sa isang 'di kalakihang bahay na may 'di kalakihang bintana na nasa gitna ng 'di kalakihang barangay, may makikita kang isang 'di kalakihang babae na mukhang lalaki at ako 'yon―si Raven. Raven Skyler ang kunwari'y heartthrob ng isang bongga at mamahaling paaralan, pero 'yung totoo? Isa lang naman akong hamak na babaeng madalas mapagkamalang lalaki dahil sa kagaguha-este-guwapuhan ko.
Masugid akong tagahanga ng isang sikat na cosplayer na nagngangalang 'Kanae'. I-search niyo bilis! Babae rin siya tulad ko at fan niya ako hindi dahil may romantic feelings ako para sa kanya, kung 'di dahil sa gusto kong maging tulad niya. Siya kasi 'yung tipo ng babaeng 'di makabasag pinggan, cute, maputi't makinis, malaki ang dibdib at puwet at tsaka higit sa lahat, magandang tignan sa kung ano mang isuot niya. Samantalang ako, snappy kumilos, medyo balbon, 'di kalakihan ang dibdib at hindi gaanong maputi. Dahil na rin siguro sa kakalaro ko ng sports sa ilalim ng araw kung kaya't nagkaganito ang balat ko. 'Tsaka puro mga panlalaking damit lang naman ang bumabagay sa'kin eh.
Talagang magkaiba kami ng aking idolo, parang kape at gatas, pero ginagawa ko siyang inspirasyon imbes na kainggitan. Oh wait, inggit nga naman talaga ako sa kanya, pero not to the point na kamuhian ko siya dahil sa insecurities ko. Bad kasi 'yung laitin ang iba dahil lang sa kinaiinggitan mo sila.
Palagi kong inaabangan ang mga posts niya sa Twitter at Instagram katulad ng ginagawa ko ngayon. "Kanaeeee!!! Ang ganda ganda mo talaga! I love you forevah!!!" Hiyaw ko pagkatapos lagyan ng heart 'yung bago niyang post sa Instagram. Stalker na kung stalker pero walang makakapigil sa'kin dahil hindi nakukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Pero mukhang imposibleng hindi ko siya makita sa loob ng isang araw dahil pagkagising na pagkagising ko pa lang, tumatambad na sa'kin ang mukha ni Kanae sa kisame. Akala niyo pader lang ang pwedeng dikitan ng posters? Pati kisame rin 'no!
High na high na sana ako sa pagfafan-girl kay Kanae nang bigla akong sigawan ng mama ko mula sa ibaba. "Hoy Raven! Kakain na! Ano bang ginagawa mo diyan at para kang kinakatay na baboy? Baba na!"
"Opo bababa na po!" Sagot ko. Takot kasi ako kay mama baka itong tablet ko ang ipakain niya sa'kin kaya isinantabi ko muna ito atsaka bumaba na para kumain.
"Bakit ba ang ingay-ingay mo sa itaas ha? Nakakahiya sa mga kapit-bahay." Bungad sa'kin ni mama.
"Ah, wala po 'yon. Yung idol ko lang po kasi nakita ko sa Instagram."
"Baka kung sino-sinong lalaki 'yung tinitilian mo ro'n ha?" Singit ni papa mula sa kanyang pwesto sa mesa.
"Anong lalaki? Hindi po 'no!" Tanggi ko. Babae kaya si Kanae.
Ako lang kasi ang nag-iisang anak ng mga magulang ko kung kaya't ayaw muna nila akong lumandi. Aral daw muna kasi.
"O sige na, umupo ka na at kumain na tayo." Sinunod ko ang sabi ni mama at umupo ako sa tabi niya.
Sinigang na bangus ang ulam at mukhang masarap naman ang pagkakaluto ni mama. Amoy pa lang nito natatakam na ako.
Oh by the way, bago ko makalimutan, ipapakilala ko muna sa inyo ang aking mga magulang. Ang pangalan ng mama ko ay Rachelle Lou Zamora Skyler, 42 years old― mahilig siya sa teleserye at malaki ang bunganga, pero sobrang maaruga at mapagmahal. Masipag siyang maghanap-buhay para makakain at makapag-aral ako ng maayos.
Ito namang si papa, ang pangalan niya ay Venedicto Reyes Skyler, 49 years old. Mapagmahal din siyang magulang at manang-mana ako sa kanya. Pareho kasi kaming mahilig sa sports at arts.
Siguro naman alam niyo na kung bakit naging Raven ang pangalan ko 'di ba? Kung may tanong kayo tungkol sa nationality ko, hindi po banyaga ang papa ko at sadyang sosyal lang talaga ang napulot nilang apilido. Proud pinoy po ako kahit na minsan hinihiling kong sana sa Japan ako ipinanganak. I'm already 16 years old, pero sabi nila mama isip bata pa rin daw ako. Palagi na lang daw akong nanonood ng anime at naglalaro ng computer games kahit na malaki na ako. Psh. May marami namang taong mas matanda pa kaysa sa'kin pero nanonood pa rin ng anime ah. Hindi naman siguro sukatan ng maturity ang panonood ng anime at paglalaro ng games kasi iba-iba naman ang diskarte natin pagdating sa pagha-handle ng isang sitwasyon.
Hindi kami mayaman, pero dahil na rin sa pagsisikap ng mga magulang ko kung kaya't medyo umangat ang estado namin sa buhay. Wala naman kasing imposible basta marunong ka lang magsikap at dumiskarte. Am I right or left? Kayo na ang bahalang humusga basta 'yun ang sabi sa'kin ni mama.
Ito balik tayo sa pagkain. Masarap ang pagkakatimpla ni mama sa sinigang. Tama lang ang asim kaya ganado akong kumain. Pawis na pawis pa nga ako habang humihigop ng mainit na sabaw. May pinag-uusapan sina mama at papa tungkol sa negosyo namin habang ako naman, panay sa pagsubo at paghigop.
"Anak, dahan-dahan lang baka malunod ka sa sabaw," biro ni mama.
Natawa ako sa sinabi ni mama at muntik na akong masamid dahil doon. "Mama naman!"
Natatawa silang dalawa ni papa na nakatitig sa'kin. "Sabi sa'yo magdahan-dahan eh."
Kinuha ko 'yung baso ng tubig na nasa tapat ko atsaka nilagok 'yung tubig bago ulit magsalita. "Kayo naman kasi ma, pinapatawa niyo ako habang kumakain. Tapos na po ako."
Aakmang tatayo na ako at babalik na ng kwarto nang pigilan ako ni mama. "Yung mga pinagkainan hugasan mo muna," utos niya sa'kin.
Napakamot ako sa ulo ko. Ano pa nga ba? Wala naman kaming katulong sa bahay kaya ako na.
Minadali ko ang paghuhugas at nang sa ganoon ay makabalik na ako sa kwarto. Nang matapos ako ay nagtungo na kaagad ako sa itaas para i-stalk ulit 'yung lodi ko.
Ilang years na rin simula nung pumasok ako sa fansclub ni Kanae. Sa pagkakatanda ko, mga 2 years ago ko siya nadiscover at naging fan niya ako kaagad noong makita ko 'yung cosplay pictures niya sa internet. Accurate kasi siyang magcosplay; mula wig hanggang costume at background kaya natipuhan ko agad lalo na nung nagcosplay siya bilang favorite anime character ko. Doon na talaga ako naging die-hard fan ni Kanae. Pero kahit ilang years ko na siyang sinusubay-bayan sa internet, never, as in NEVER ko pa talaga siyang nakita sa personal. Nasa Japan kasi siya kaya never ko talaga siyang makikilala in person unless lumipad ako roon or siya ang magpunta dito sa Pinas. Kahit saang lupalop pa 'yan basta't sakop ng Pilipinas pupuntahan ko para lang makita siya.
Napabuntong-hininga ako sa harap ng tablet ko. Hindi ba talaga nauubusan ng ganda 'tong si Kanae? Kahit araw-araw ko siyang tinitignan 'di pa rin nagsasawa ang mga mata ko sa kanya. Atsaka 'yung kutis niya bakit ang flawless?!
Hays...
Niyakap ko na lang ang tablet ko at tumingala sa kisame. Kailan kaya kita makikita Kanae?
To be Continued...
BINABASA MO ANG
Trap Zone
Teen Fiction'Trap'―ito 'yung term na kadalasang ginagamit para sa mga crossdressers. 'Trap' ang tawag sa mga lalaking nagmumukhang parang tunay na babae samantalang 'yung mga babaeng nagmumukhang lalaki naman ay tinatawag na 'reverse trap'. "Not everything is...