R a v e n
"Minsan ang mga taong tutulong sa'yo ay iyon pang mga hindi mo inaasahan.
At 'yung mga taong iyong iniiwasan ang siya pang iyong matutulungan. Ba't gano'n?"
Mahigit isang oras na akong nakaupo rito sa gilid ng hinihigaan ni Kuroha, pero hindi pa rin siya nagigising. Pagkarating ko rito tulog na siya kaya hinihintay ko na lang siyang magising para makausap. Sabi ng school nurse flu lang daw kaya sumakit 'yung ulo ni Kuroha.Itinapat ko ang kamay ko sa noo ni Kuroha para tignan kung bumaba na 'yung lagnat niya, pero hindi pa rin. Napainom naman daw siya ng gamot sabi nung nurse.
Kaya siguro nakatulog siya...
Napatingin akong mabuti sa natutulog na mukha ni Kuroha. Mukha siyang anghel at napakapayapa niyang tignan sa lagay na 'yan. Kung sana ako rin ay biniyayaan ng ganyang klaseng anyo eh,'di sana mga lalaki ang nagkakagusto sa'kin at hindi mga babae. At siguro... baka syota ko na sana 'yung crush ko noong junior high. Ah wait! Ayaw ko siyang maalala!
"Huwag... tama na...mama.."
Bigla akong nahugot pabalik sa realidad nang marinig ko ang pag-usal ni Kuroha. Mukhang binabangungot siya.
"Kuroha gising." Inalog ko ng konti 'yung mga balikat niya at agad naman siyang nagising.
"Raven..." Sambit niya nang makita ako.
Medyo nagulat ako nung tawagin niya ako for the first time sa pangalan ko. Para bang may something na 'di ko maipaliwanag.
"Oo ako 'to. Ayos ka lang? Binabangungot ka kanina," nag-aalala kong sabi.
Inalalayan ko naman siya sa pagbangon.
"Medyo ayos na. Tapos na ba 'yung klase?"
"Ah, oo. Ano ba 'yung napanaginipan mo? Narinig ko kasing tinatawag mo 'yung mama mo."
Napansin ko namang nanlaki ng bahagya ang mga mata ni Kuroha dahil sa mga sinabi ko, pero agad siyang yumuko para itago ang ekspresyon sa mukha niya.
"Huwag mo ng alamin. Wala 'yun."
Weird. Halata namang hindi lang wala 'yun, pero hindi ko na siya tinanong pa.
"Nga pala kaya mo na bang lumakad pauwi? Kung hindi mo pa kaya pwede ka pang manatili rito. O hindi kaya ay ihahatid ka na namin ni Hoshi. Sa'n ba bahay niyo?"
Inangat ni Kuroha ang ulo niya sa pagkakataong 'to atsaka siya sumagot. "Hindi na kailangan. May susundo sa'kin."
Tumango naman ako.
"Salamat nga pala sa paghatid sa'kin dito." Dagdag pa niya.
Napangiti ako sa narinig. "Walang ano man 'yun, Kuroha. Masaya akong makatulong."
Hindi na siya sumagot at sinuklian lang niya ako ng isang matamis na ngiti.
Napalingon ako nang marinig kong bumukas 'yung pinto ng infirmary at kasabay nito ang pagpasok ng nurse.
"May naghahanap sa'yo hija," bungad niya sa'min at itinuro ang isang matangkad na lalaking nakasalamin.
Naka-school uniform siya, pero hindi naman uniform ng Leornian ang suot niya.
"Nandito ka lang pala, Akane." Sabi nung lalaki. Payat siya at medyo dishiveled ang appearance.
Tumayo na si Kuroha at nagtungo sa tabi ng lalaki. "Salamat ulit, Raven."
"Ah, wala 'yun! Ingat sa pag-uwi, Kuroha," sagot ko habang nakangisi ng malapad.
"Tara na," sabi ni Kuroha ro'n sa lalaki. Lumabas naman sila agad ng infirmary.
BINABASA MO ANG
Trap Zone
Teen Fiction'Trap'―ito 'yung term na kadalasang ginagamit para sa mga crossdressers. 'Trap' ang tawag sa mga lalaking nagmumukhang parang tunay na babae samantalang 'yung mga babaeng nagmumukhang lalaki naman ay tinatawag na 'reverse trap'. "Not everything is...