Chapter 13: Friendly Date

58 39 14
                                    

R a v e n

"Operation: Make Kuroha Kanae's Fan A.K.A Operation MKKF― COMMENCE!!!"


(11:25 P.M.- Friday)

Malalim na ang gabi, pero hindi pa rin ako tulog. Busy kasi ako kaka-stalk kay Kanae. Pansin kong ilang days na siyang hindi nag-u-update sa Instagram niya ng cosplay pictures kaya medyo nakakalungkot. 'Yung last update niya last week pa eh, bago magsimula 'yung first day of class namin. 'Yung Twitter din niya wala rin. Facebook kaya? Asa. Wala naman yatang account si Kanae sa FB at kung meron man, mahihirapan akong hanapin 'to kasi sigurado akong hindi "Kanae" ang name nito. Probably real name niya which I don't know kasi napaka-private niya talaga pagdating sa personal info. 'Tsaka kapag bumibisita ako sa official fanpage niya... hindi ko feel. Alam ko naman kasing hindi si Kanae ang nagha-handle noon. Mas gusto ko kasing 'yung si Kanae mismo nagpo-post para naman at least makita niya ako sa notifs niya.

Io-off ko na sana 'yung cellphone ko nang bigla namang nagchat si Hoshi. Binuksan ko ito para makapagreply.

Hoshi: Bro

Ako: Yes bro?

Hoshi: Bakit gising ka pa? Excited ka masyado sa date niyo ni Kuroha bukas kaya 'di ka makatulog? HAHAHAHAHA!

Ako: Anong date?! Pumayag lang naman ako para mahikayat siyang maging fan ni Kanae♡♡♡ Tsaka bakit ba biglang napakasupportive mo sa kanya? Hindi ba ayaw mo rin sa kanya kasi inaway niya ako :0

Hoshi: Eh hindi ka na naman niya inaaway 'di ba? Forgive and forget ka na bro. Cute naman kayo eh♡

Ako: Bro tama na kasi kakanood ng yuri anime AHAHAHA! Hindi pa ako tomboy 'no. Tsaka ang weird talaga ni Kuroha eh. Napakabipolar!!! Ayaw na raw niya akong maging kaibigan ta's bigla nalang mag-yayaya. Abnoy talaga eh.

(Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang yuri ay 'yung tipo ng anime na nagfe-feature ng girl x girl romance. Ito 'yung opposite ng yaoi na nagfe-feature naman ng boy x boy. HOY! Huwag kayong dirty minded ha.)

Hoshi: Chill ka lang bro. Baka naman gusto niya lang mag-sorry kaya niyaya ka niya?

Ako: Nag-sorry na siya 'di ba? Pero bumalik na naman siya sa pagiging masungit pagkatapos.

Hoshi: Pero mabait na naman siya ngayon sayo 'di ba? Bigyan mo pa siya ng isang chance bro. Baka nahihirapan lang siyang mag-express kasi siya 'yung tsundere type!

(Tsundere― mga taong hindi marunong magpakatotoo sa kanilang nararamdaman sa harap ng ibang tao at maging sa kanilang mga sarili.)

Ako: Hayyy basta 'yung purpose ko sa pagpunta, eh para mapasali siya sa fanbase ni Kanae. Tsaka para naman may kasama rin akong mag-fangirl kay Kanae! Magiging tatlo na tayo! The more the merrier! *w*

Hoshi: Ah sige sabi mo eh. Good luck sa "friendly date" niyo bro HAHAHAHAHA! Matutulog na ako. Antok na ako eh. Good night bro♡

Ako: Okie. Tulog na rin ako. Good night din ♡♡♡

Ang totoo niyan, fan din si Hoshi ni Kanae, pero hindi 'yung die-hard fan talaga. Ibang level na kasi 'tong pagfa-fangirl ko. To the max na eh.

Pagkatapos noon ay in-off ko na 'yung cellphone ko at isinaksak ito sa charger para full charge na 'yung battery pagkagising ko. Inilapag ko ito sa side table at natulog na.

Sana lang talaga makombinsi ko si Kuroha na maging fan din ni Kanae. Pero kung 'di man ako magsucceed bukas, eh pwede namang sa ibang araw.

♡♥♡

(10:20 A.M.- Saturday)

Nagising ako ng dahil sa masakit na sinag ng araw na tumatagos mula sa labas ng bintana. Napilitan akong bumangon kahit na sobrang inaantok pa ako para lang maisara ng maayos 'yung mga kurtina.

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon