Chapter 2: Kagwapuhan

181 66 108
                                    

Illustration of
Raven Skyler
by: MonoRave06

Illustration of Raven Skyler by: MonoRave06

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

R a v e n

"Kung ang ibang mga babae hinahabol ng mga lalaki pwes, ako habulin ng mga babae."


Maganda ang gising ko ngayong umaga na 'to. Napanaginipan ko kasi si Kanae. Nakameet and greet ko daw siya sa isang cosplay event!

Hayyy~ sana magkatotoo ang panaginip kong 'yon.

Pero back to reality tayo. Wala akong oras mag-day dreaming kasi late na ako sa first day of class!

Kasalukuyan akong tumatakbo papuntang third floor kasi nando'n ang room namin. Nag-aaral ako sa Leornian High bilang Grade 11. Suot ko ngayon ang magarang uniform namin na color navy blue 'yung coat. Mayroon itong logo ng school sa bandang kaliwa sa may dibdib at 'yung bottom naman ay kapares na slacks atsaka wet-look shoes. Hindi ako komportable sa palda kaya 'yung uniform na panlalaki ang pinili ko.

"Uy si Raven!" Dinig kong sigaw ng isang mag-aaral sa mga classmates niya nang makalagpas ako sa room nila. Mga junior highschool yata.

"Hoy nasa'n?!"

"Ando'n! Sundan natin bilis!"

"Teka lang Raven! Hintayin mo kami!"

Sabi ko sa inyo 'kunwari' ako 'yung heartthrob dito 'di ba? Agad silang nagsilabasan sa mga classroom nila at bumuntot sa'kin na para bang mga zombie na gusto akong lapain!

"Ang gwapo mo talaga, Raven!" Puri ng mga babae sa likuran ko. Gaano kagwapo? Imaginine niyo 'yung mga nagugwapuhan niyong 'oppa'. Masasabi niyong magkalahi lang kami. Pero sa totoo lang, hindi ko pa rin alam magpahanggang ngayon kung papaano ako magre-react sa mga papuri nila. Dapat ba akong matuwa na nagagwapuhan sila sa'kin o 'di kaya'y dapat na akong umiyak dahil hindi babae ang tingin nila sa'kin? Hindi ko naman sinisekreto ang tunay kong kasarian, pero lalaki pa rin ako sa paningin nila. Sa bagay, sinong mag-aakalang babae ako eh, panlalaki ang haircut at kilos ko. Pati boses husky atsaka nakasuot ako ng panlalaki. Certified reverse trap nga naman.

Tuloy pa rin 'yung mga babae sa paghabol sa'kin hanggang sa makarating ako ng third floor. Late na nga ako, hinahabol pa nila ako!

Agad kong hinanap ang room 3-01 at dali-dali akong pumasok sa room na 'yun sabay sara sa pinto ng mabilis para 'di makapasok 'yung mga humahabol sa'kin. Safe! Napabuntong hininga ako. Dumausdos ako sa pinto habang hingal na hingal na parang scene sa horror movies. Lakas din ng tama ng mga 'yun.

"Ahem!" Napatingin ako sa paligid. Nandito na pala silang lahat at nakatingin sila sa'kin habang nakataas ang mga kilay. Maging ang guro namin ay nagtaas ng kilay sa'kin. "Raven Skyler am I correct?"

"O-opo ma'am! I'm sorry I'm late!" Agad akong umayos ng tayo at nagbow ng paulit-ulit bilang paumanhin. Naku! Lagot kang bata ka! Sira first impression nila sa'yo!

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon