Chapter 21: Escapade

56 27 2
                                    

R a v e n

"To see the world, things dangerous to come to, to see behind walls, draw closer, to find each other, and to feel. That is the purpose of life."

―James Thurber


"Raven wait up!"

Napalingon ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Seth," I say in an uninterested tone when I saw him. Ano na naman kayang kailangan nito?

"I was hoping you could show me around now?"

Ah sh*t! Nakalimutan kong tour guide pala ako nitong si Seth.

Ganda rin ng timing nito eh. Kung kailan pauwi na kami ni Hoshi 'tsaka naman siya magpapa-tour dito sa campus. Dapat si class prez ang nilalapitan niya sa mga ganitong bagay eh, pero naalala kong kami lang pala ni Hoshi ang old students ng Leornian sa section namin kaya mas marami kaming maibabahagi tungkol sa school.

Napabuntong-hininga ako. Hindi naman sa nag-iinarte ako, pero I really find Seth creepy. Understandable siguro kung babae siya at ganito umasta, pero given that he's a guy, I find it really weird na napaka-feeling close niya sa'kin. I wonder if he's got a thing for boyish girls?

"Hmm... Since tinulungan mo naman ako this morning.. sige."

"Thanks!" Masayang sabi niya. Cute naman pala siyang ngumiti.

"Bro wait lang ha? 'Di ba uuwi na tayo?" Bulong ni Hoshi sa'kin.

Patay! "Uhm.. bro okay lang ba na samahan muna natin si Seth? Maaga pa naman, pero kung gusto mong mauna nang umuwi, ayos lang din." But highly recommended kung sasama ka.

"O sige sasamahan ko na kayo," wika ni Hoshi.

"Thanks bro!" Masaya ako dahil hindi ako iiwan ni Hoshi kasama nitong flirt na si Seth, pero medyo apologetic ako kasi alam kong gustong-gusto niya nang umuwi at mag-relax. Ako rin naman eh, pero no choice kasi ako ang inatasan ni ma'am para mag-tour sa newcomer na 'to.

"Saan mo gustong mag-start?" Tanong ko kay Seth.

"Kahit saan basta kasama kita," sabay kindat.

Ang lakas bumanat ah.

'Yung reaksyon naman namin ni Hoshi halatang hindi kinilig. 'Di kasi namin type 'yung mga malalakas lumandi eh.

"Nandito naman lang din tayo sa first floor, eh 'di simulan na natin dito," suggest ni Hoshi.

Sumangayon naman kaming dalawa ni Seth at sinimulan na namin ni Hoshi ang pagpasyal sa kanya sa kabuuan ng Leornian.

Simula nung elementary pa lang kami ni Hoshi, sa paaralang ito na talaga kami nag-aaral kaya marami-rami rin kaming naikwento kay Seth tungkol sa Leornian. Inilibot namin siya sa infirmary, gym, indoor pool at sa kung saan-saan pa para maging pamilyar siya sa malaking eskwelahan na ito.

"Raven salamat ah," wika ni Seth habang papalabas na kaming tatlo ng campus.

Napatingin ako sa kanya. "Para sa'n?"

"For taking the time to show me around," sabay ngiti.

Umiwas ako ng tingin. Somehow that smile ticks me off. "Wala 'yon," mariin kong tugon.

"Ahem! Pa'no naman ako?" Sabat ni Hoshi.

"Hahaha! Thanks as well!"

Nang makarating na kaming tatlo sa labas ng school gate ay nagpaalam na si Seth sa'min ni Hoshi.

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon