R a v e n
"Ang magandang samahan, kadalasan nagsisimula sa bangayan."
Mataas na ang sikat ng araw nang ako'y magising. Paniguradong huli na naman ako sa klase ngayon.
"Raven! Bilisan mo! Mag-aalas otso na!"
"Opo ma!" Agad-agad akong bumaba pagkatapos magbihis sa aking uniform. "Alis na po ako!" Paalam ko kay mama bago lumabas ng pinto.
"Kumain ka pagsapit ng recess ha?!"
"Opo ma!" Dali-dali na akong sumakay ng jeep papuntang eskwelahan. Hindi na ako kumain ng agahan para mas mapabilis ang punta ko.
Bandang 8:30 na noong makarating ako sa school, pero nagmamadali pa rin akong tumungo papuntang classroom kahit alam kong late na talaga ako. "Naku! Patay na naman ang impression sa akin ni Ms. Trazona!" Sabi ko sa'king sarili.
Kagaya no'ng kahapon, hindi pa rin ako tinantanan ng mga fangirls ko at hinatid ulit nila ako papuntang third floor. Kakaibang dedikasyon talaga ang ipinapakita nila, pero sorry girls dahil pagmamay-ari na ni Kanae ang puso ko.
Agad-agad kong isinara ang pinto sa aking likuran no'ng makapasok na ako sa classroom.
"Ms. Skyler! Late ka na naman? I hope you don't keep this up," bati sa'kin ni Ms. Trazona. Mukhang dismayado si ma'am.
Lagot! Anong excuse mo Raven?!
"I'm very sorry ma'am! Traffic kasi!" Kahit hindi naman talaga. Nahuli ako ng gising dahil matagal akong nakatulog kagabi. Tsk! Kasalanan ni Kanae 'to eh! Stalk-able siya masyado.
"Okay maupo ka na at sisimulan na natin ang activity for this morning."
Para naman siyang walang pake sa excuse ko kaya umupo na lang ako sa dati kong upuan katabi ni Hoshi.
"Ano ba 'yung activity na sinasabi ni ma'am, Hoshi?" Pabulong kong tanong.
"Ah, by pair daw tapos getting to know each other daw kayo ng partner mo," paliwanag ni Hoshi.
"Oh, gets ko na!" Tumango-tango ako.
"Partner tayo bro!"
"Syempre!"
"Ms. Skyler and Ms. Zora, hindi kayo pwedeng magpartners," biglang singit ni ma'am.
"Bakit po?!" Tanong namin ni Hoshi ng sabay.
"Kasi alam kong magkakilala na kayo noon pa. Walang silbi 'tong activity na 'to kung kikilalanin niyo lang ang mga taong kilala niyo na. Kaya Ms. Skyler, kayo ni Ms. Kuroha ang magkapartner. At ikaw Ms. Zora, kayo naman ni Mr. Santos. Maliwanag ba?"
Sumimangot kaming dalawa ni Hoshi. Ayaw na ayaw naming pinaghihiwalay kami, pero mukhang tama si Ms. Trazona. 'Tsaka kilala pa naman siya sa pagiging terror teacher dito sa school, baka kung anong punishment ang ipataw niya sa'min kapag hindi kami sumunod.
"Sige na pumunta na kayo sa partners niyo. Nando'n si Ms. Kuroha, Ms. Skyler. At Ms. Zora, doon nakaupo si Mr. Santos," utos ni ma'am sabay turo sa direksyon ng kinauupuan ng mga nabanggit na estudyante.
BINABASA MO ANG
Trap Zone
Teen Fiction'Trap'―ito 'yung term na kadalasang ginagamit para sa mga crossdressers. 'Trap' ang tawag sa mga lalaking nagmumukhang parang tunay na babae samantalang 'yung mga babaeng nagmumukhang lalaki naman ay tinatawag na 'reverse trap'. "Not everything is...