Chapter 4: Reasons

134 57 117
                                    

R a v e n

"Moments are stolen in a blink of an eye. Feelings change faster than the seasons. Memories are the only ones that remain and you'd be left searching for the reasons..."

Res

Tahimik akong nakatitig sa poster ni Kanae sa aking kisame habang nag-iisip ng malalim. Malalim na malalim...

"Kuroha sandali!" Agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siyang umalis. "Anong ibig mong sabihin?"

Hindi siya nag-abala pang tignan ako at hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Hindi ba tinanong mo ako kung anong pangalan ko kaninang umaga?"

"Ah! Oo. Sa activity pala ang tinutukoy mo." Kaya pala niya ibinulong ang pangalan niya sa'kin, pero bakit? Akala ko ba ayaw niyang makipagkilala? Epekto ba 'to ng lumot at sabon na nahalo sa tubig?

Bago pa man ako makapagtanong kung bakit niya sinabi sa'kin ang pangalan niya sa ganoong paraan, naglakad na si Kuroha palabas.

"Teka!" Tawag ko, pero hindi na siya lumingon pa.

"Hays bwisit ka Kuroha! Ang weird mo talaga!" Ginulo ko ang buhok ko sa inis.

Dapat sana ay natutulog na ako, pero hindi ko magawa! Akane Kuroha... 'Yun pala ang pangalan niya. Pero bakit sa ganoong paraan?! Hindi ba siya pwedeng makipagkilala ng normal? Kailangan niya pa talaga akong galitin at sabuyan siya ng maruming tubig para lang makipagkilala siya sa'kin. Siguro nahimasmasan siya sa kaartehan niya dahil doon.

Nakapatay na ang ilaw dito sa kwarto, pero hindi pa rin ako makatulog. Siguradong mahuhuli na naman ako sa klase bukas. At kasalanan 'to ng Kurohang 'yun!

Napabuntong hininga ako for the 3rd time. Dapat na akong matulog. Okay close your eyes, Raven... Dream of Kanae... Teka! Speaking of Kanae...

"Sh*t! Nakalimutan ko siyang i-stalk ngayong araw na 'to!" Agad kong kinuha 'yung cellphone ko na naka-charge sa ibabaw ng bedside table. Ritual ko 'to bago matulog eh. 'Di ko pwedeng makalimutan 'to!

Mabilis akong nagtungo sa Instagram account ni Kanae at tinignan kung may bago siyang update.

"Anghel ka talaga Kanae," I dreamily sighed. Hindi talaga ako nagsasawa sa mukha niya. Paano ba naman kasi, eh iba't-ibang character ang kino-cosplay niya kaya iba't-ibang ayos at look din ang nakikita ko kay Kanae.

Meron siyang cute at sexy pictures ng mga sikat na female anime characters, pero never ko siyang nakita na nagcosplay ng lalaking character. Babagay kaya sa kanya? Hmm... Mga cute anime boys siguro bagay, pero manly type? Nah... Mas bagay pa rin sa kanya ang usual cosplays niyang cute and sexy!

Nagscroll ako sa mga posts niya, pero wala akong nakitang bago. Noong isang araw pa 'yung update niya. Ma-try nga sa Twitter.

Binisita ko rin 'yung profile niya sa Twitter at ayun! May nakita akong bagong post niya na nakasulat sa Japanese. Marunong akong bumasa ng konting Japanese pero mas nakakatulong pa rin 'yung translator lalo na at may mga characters akong hindi alam basahin. Nakasaad sa tweet niya na nakakapagod daw 'yung araw niya at hindi raw siya makatulog ng maayos. Posted 20 minutes ago. OMG! Same kami ni Kanae! Maka-comment nga!

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon