Chapter 6: Maskara

111 50 40
                                    

Illustration of
Akane Kuroha
by: MonoRave06

Illustration of Akane Kurohaby: MonoRave06

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

K u r o h a

"Mayroon siyang suot na maskarang ayaw niyang mabasag kahit na pagod na siyang magtago sa likod nito."


"Oi insan saan ka galing?" Bati sa'kin ng pinsan kong nakaupo sa sofa. May hawak siyang magazine na may nakasulat na K-Zone sa cover.

"Grabe talaga 'yung nangyari kanina." I sighed. Naupo ako sa sofa at tinabihan 'yung pinsan kong si Jun.

"Anyare?" Tanong niya sa'kin at isinantabi 'yung magazine.

"Muntik na akong madali ng manyak doon sa arcade." Paliwanag ko sa kanya habang ini-exercise 'yung kaliwa kong braso. Tinitignan ko kung intact pa 'yung joints. Grabe ang lakas pala talaga ng tabachoy na 'yun. Buti na lang at hindi naputol 'yung braso ko.

"Hahaha! Ano ba kasing ginagawa mo ro'n sa arcade?" Pang-iintriga niya.

"Wala. Pumapasyal lang," pasimple kong sagot. Ang totoo kasi niyan gusto ko lang maglibang at nang makalimutan ko 'yung nangyari kaninang umaga. Gusto kong makalimutan na sinabi ko kay Raven lahat ng masasakit na salitang 'yun pagkatapos kong humingi ng paumanhin sa kanya kaso may umeksena namang damulag na nakipagpustahan pa. Nakakagago lang kasi. Hihingi-hingi ng sorry tapos gaganunin ko lang din naman pala siya.

"Ikaw na talaga insan. 'Daming nagkakagusto sayong lalaki ah. Kung 'di lang tayo magpinsan, eh niligawan na kita."

"Tch! Nakakasuka ka. Ang bakla mo!"

He laughs again as if it was a joke. Seryoso kaya ako.

"Kalma lang insan. Masyado mo na yatang kina-kareer 'yang kamalditahan mo. Pwede ka namang mag-chillax dito sa bahay ah."

"Whatever," mahina kong tugon. Kakapagod makipagtug of war sa damulag na 'yun kaya wala ako sa mood para makipagsagutan.

"Papaano ka naman nakaligtas sa manyak na 'yun, insan? Sinipa mo ba?"

"Tinulungan ako ni... Raven.." Naalala ko na naman tuloy 'yung sinabi niya kanina. Gf niya raw ako? Pfft.

"Sino nga siya ulit?" Tanong nitong malilimutin na si Jun.

"Siya 'yung naghatid sa'kin sa clinic noong sumakit ang ulo ko."

"Ah! Babae pala 'yun?"

"Oo."

"Hindi halata. Mukhang bagay kayo insan," panunukso pa niya.

"Tch. Tigilan mo nga ako. Sipain kita diyan eh."

"Hahaha! Ito naman, masyadong bugnutin. Close na ba kayo?"

Napaisip ako bago sumagot. "...Ewan."

"Naku sinasabi ko sa'yo insan umiwas ka na hangga't maaga pa. Para naman hindi kayo magkasakitan. Malaking gulo kapag nalaman niya ang totoo. Ikaw rin. Baka maulit 'yung nangyari sa'yo noon. "

I glared at him. "Oo alam ko na 'yun! Tch!" Agad akong tumayo at umalis na papuntang kwarto. Bwisit talaga 'yung si Jun. Pinaalala niya pa talaga 'yung nangyari sa'kin noon. Hindi na nga maganda 'yung araw ko dadagdag pa siya. Asungot talaga.

Gusto niyong malaman kung ano 'yung karanasan na nabanggit ni Jun? Alright, I'll do you all a favor.

15 years old pa lang ako noon nang makilala ko ang isang babaeng nagngangalang Rozan. Nagbabakasyon ako noon dito sa Pinas kasama ang papa ko. Hindi ako mahilig lumabas ng bahay noon at palagi lang akong nagkukulong sa kwarto, pero nagbago 'yun nung makilala ko siya. Magkapitbahay lang kami kaya napapansin ko siya mula sa bintana ng kwarto ko.

Noong una dedma lang ako, pero nagulat na lang ako isang gabi habang nakatingin ako sa labas, bigla na lang siyang nagbukas ng bintana niya at may ipinakita siyang malaking sketchpad. Naaalala ko pang mabuti kung anong nakasulat doon... Sabi ro'n sa papel 'HI'. O, 'di ba nakaka-touch? 'Yun 'yung dahilan kung ba't kami naging matalik na magkaibigan. Gabi-gabi nag-uusap kami sa ganoong paraan hanggang sa lumalabas na kami para maglaro. Tch.. parang nakokornihan ako dito sa backstory ko, pero sige ipagpapatuloy ko para maliwanagan naman kayo ng konti.

'Di naglaon at nahulog ako sa kanya. Babalik na kami ng Japan noon kaya ipinagtapat ko sa kanya 'yung nararamdaman ko at kung sino talaga ako. Akala ko maiintindihan niya ako at tatanggapin, pero hindi... Nandiri pa nga siya sa'kin nang malaman niya ang totoo. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga masasakit na salitang binitawan niya sa'kin noon.

Tch! Mas lalo lang tuloy nasira 'yung araw ko dahil do'n. Makaligo na nga lang.

Pumasok na ako sa banyo at naghubad na. Binuksan ko 'yung shower at in-adjust sa tamang temperatura.

Nakakalma talaga ang maligamgam na tubig.

Hindi ko naman maiwasang mapaisip habang bumubuhos 'yung malakas na agos ng tubig sa aking katawan. Bumabalik na naman sa'kin 'yung nangyari kanina. Pangalawang beses na 'yon na tinulungan ako ni Raven, pero hindi ko man lang siya nagawang pasalamatan kanina. Sa kaloob-looban ko talagang masaya akong dumating siya at ng kasama niya, pero hindi ko 'yon maipakita. Hindi ko naman talaga siya gustong ipagtulakan kasi alam kong nasasaktan siya, pero hindi ako pwedeng makipagkaibigan sa kanya o sa kahit na sino. Kasi natatakot akong.. mangyari na naman 'yung nangyari noon.

Gaya nga ng sabi ni Jun... Mas mabuting umiwas hangga't maaga pa.

To be Continued...

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon