N a t a l i a
"Even bitches have feelings too..."
Hep! 'Wag niyong lagpasan 'tong chapter na 'to! Porke't POV ko 'to hindi niyo na babasahin? I am Natalia Liu and no one can resist my charms! Including you, you and YOU simply because I am Natalia Liu!
Well anyways, even girls like me have their own problems in life. And one of it is my love life! You read that right. Eventhough I am like the most gorgeous girl in Leornian High, I can't seem to get Raven to notice me! Urgh! I mean, Raven DOES notice me, but I don't know... It doesn't feel like she's comfortable around me. But then, maybe I should give it more time.
But you know what? I really hate this Kuroha girl. My gosh! Ang epal talaga eh! Siya 'yung dahilan kaya nahahati 'yung atensyon ni Raven sa'kin eh. Like duh! Kung wala siya, eh sigurado akong close na close na kami ni Raven ngayon. But no! Sila palagi 'yung nakikita kong may moment kaya naririndi ako sa kanya! Ang sarap nga niyang tirisin eh. Akala ko nung una hindi niya kami lalabanan, pero kami pa talaga ang hinamon niya sa isang flirting game. Julie, Kate and I are like the most popular girls back in our old school kaya there's no way we'd lose to a stubborn girl like her!
You might wanna know when ako nag-start na maging obsessed kay Raven so I'll fill you in. Nakilala ko si Raven nung junior high school pa lang ako. Nung time kasing 'yun, may ginaganap na district meet sa dati kong school at timing namang isa si Raven sa mga players ng badminton kaya nakita ko siya ro'n. Pagkakita ko pa lang sa kanya instant crush ko na agad siya kasi ang gwapo talaga eh! Ang galing pa niyang maglaro. Nakapagtataka lang noong una kung bakit siya 'yung player sa girls single A eh, mukha naman siyang guy. Pero I don't mind kung babae siya kasi mas gwapo naman siya kesa sa mga boys na nakilala ko so far.
Nakita ko sa suot niya no'n na may nakasulat na "Leornian" kaya nagtransfer ako rito. Nagbakasakali akong magiging classmates kami and 'yun nga ang nangyari kaya tuwang-tuwa ako sa first day nung makita ko siya. Alam ko namang marami akong kaagaw na girls kay Raven, eh kasi mismong girlets ko nga kaagaw ko rin sa kanya. And when I say "girlets" meaning sila Julie at Kate. Super crush din kaya nila si Raven like duh! Naaalala ko pa nga nung una naming makita si Raven excited na excited pa kaming tatlo na magkwento.
"Girls!" Masaya kong bati kina Kate at Julie nang magkita kaming tatlo sa cafeteria. "May nakita akong gwapo!" Sabay tili.
"OMG! Ako rin! Nakasalubong ko siya sa hallway kanina!" ani Julie.
"I think I just met the perfect guy for me!" Si Kate.
"At ang pangalan niya ay ―"
"RAVEN!!!" Sabay tili naming tatlo.
"OMG! Si Raven pala tinutukoy niyo?!" Bulalas ko.
"Wow! Magiging karibal ko pa kayo?" Gulat na sabi ni Kate.
"But hey, I think Raven's actually a girl," sabi naman ni Julie.
Umirap ako tapos sabing,"Who cares? Gwapo pa rin siya so I don't mind."
Sumang-ayon din naman 'yung mga girlets ko pagkatapos no'n.
Nakakatuwa talagang kahit magkaribal kaming tatlo eh, friends pa rin kami. 'Tsaka as of now, kung sino man ang piliin sa'ming tatlo ni Raven eh, ayos lang as long as mawala na sa landas ko 'yang Kuroha bitch na 'yan. Tutal pwede ko namang agawin si Raven mula kay Julie at Kate eh. 'Yung asawa nga naaagaw, kasintahan pa kaya? MWAHAHAHAHA!
That aside, since 7:00 PM pa naman magsta-start 'yung concert ng Abyss, nagpasya muna akong mag-shopping. Sinama ko si Kate para mas masaya. Gusto ko rin sanang isama si Julie, pero tulog pa siya eh. Nagsho-shopping ako for new clothes para maisuot sa concert. Ito namang si Kate gano'n din. Ya know para mas maakit namin si Raven pagdating sa concert mamaya. We girls really need to dress well kapag gusto nating ma-attract 'yung mga lalaki. Oops! Hindi pala lalaki si Raven, but oh well, she still counts.
BINABASA MO ANG
Trap Zone
Teen Fiction'Trap'―ito 'yung term na kadalasang ginagamit para sa mga crossdressers. 'Trap' ang tawag sa mga lalaking nagmumukhang parang tunay na babae samantalang 'yung mga babaeng nagmumukhang lalaki naman ay tinatawag na 'reverse trap'. "Not everything is...