Chapter 25: In a Pinch

33 22 6
                                    

R a v e n

"Even a reverse trap can be a
damsel in distress!"


Hay nako... Nakakadepress! Papunta na ako sa tagpuan namin ni Seth ngayon, pero parang 'di ko feel kasi 'di ko nagawa 'yung plano ko. Gusto ko sanang mag-transform ala-Cinderella o 'di kaya ala-Belle ng Beauty and The Beast, pero hindi kinaya ng powers ni Hoshi eh. Hays... Siguro kailangan ko na ng plastic surgery para sa gwapo problems ko.

"Para po!" Sabi ko ro'n sa driver ng jeep na sinasakyan ko. Huminto naman 'yung jeep sa tapat ng isang saradong gusali. Iniabot ko 'yung pamasahe at bumaba na pagkatapos.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para i-check kung nandito na si Seth, pero hindi ko siya nakita kaya napagpasyahan kong hintayin na lang siya sa gilid ng gusali.

Humalukipkip ako at tumingin-tingin ulit sa paligid. First time kong makapunta sa bahaging ito ng lungsod at napansin kong medyo peaceful ang lugar na ito kung ikukumpara sa ibang parte ng lungsod na tinitirhan namin. Wala akong masyadong nakikitang tao at sasakyan na dumadaan kaya parang nakapagtataka. Date namin ni Seth, pero bakit parang nasa ghost town ang venue?

Siguro may surprise siyang inihanda.

Ngumiti na lang ako sa sarili ko. Mas lalo tuloy akong na-excite dahil sa naisip kong 'yun!

Sumandal ako sa pader at kinuha ko 'yung cellphone ko. Pinindot ko 'yung power button para tignan kung anong oras na at nakita kong 4:40 na pala ng hapon. 5:00 PM ang usapan namin kaya may 20 minutes pa.

Normally, 'yung guy ang dapat naghihintay sa babae, pero kabaliktaran ang nangyayari ngayon. Ganito na yata siguro ako kasabik at 20 minutes early ako para sa date namin ni Seth ngayon.

'Yan tayo eh. Kapag may pasok palaging huli, pero kapag lalabas kasama si Seth very early.

Napakagat-labi ako sa bulong ng utak ko. It makes me feel bad all of a sudden. Mukhang mas binibigyang halaga ko pa yata ang pakikipaglandian kaysa sa pag-aaral ko.

I shook my head and put the thought at the back of my mind. Imbes na makipagtalo sa sarili kong utak ay naisipan kong mas mabuti pang maglaro na lang muna ako ng games sa cellphone ko. Mahilig akong maglaro ng MMORPG games maliban sa visual novels, pero dahil sa wala akong data plan at walang WiFi rito ay nilaro ko na lang 'yung offline na otome game.

Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang otome game ay hayaan niyong ipaliwanag ko ito sa inyo.

Ahem! An otome game or a romance game is a story-based video game aimed towards the female audience. In short, laro ito para sa mga babaeng walang boypren!

Isa rin ang mga otome games sa addiction ko maliban sa anime at kay Kanae, pero ngayong nandito na si Seth, madalang na lang akong maglaro ng mga ganito. Pati nga pag-stalk kay Kanae nakakaligtaan ko na.

Malaki talaga ang impact ni Seth sa buhay ko. Simula noong dumating siya parang nag-iba na ang ikot ng mundo ko. Para bang binuhay niya ang pagkababae ko. Ay teka! Tunog malaswa ang description― nevermind! Huwag niyo na lang pansinin.

Paano ba naman kasi eh, inililigtas niya ako sa mga fangirls ko, nililibre niya ako, hindi niya ako ginugutom, at higit sa lahat, pinaparamdam niyang babae ako kahit lalaki ang paningin sa'kin ng iba. Siya lang talaga ang lalaking gumawa niyon sa buong buhay ko.

Perpekto na siya para sa'kin at pakiramdam ko wala ng makakapalit sa kanya sa puso ko.

Siguro nga masyadong mabilis ang pagkaka-fall ko kay Seth, pero masisisi niyo ba ako? Oo, aaminin ko ring minsan inaatake parin ako ng insecurities ko dahil nakikita ko kung paano tumingin si Seth sa ibang mga babae, pero hindi ko talaga mapigilan ang damdamin ko eh. And yes, tama ang pagkakabasa niyo. Nahuhuli kong tumitingin si Seth sa ibang girls kahit nanliligaw siya sa'kin, pero binabaliwala ko lang ang mga 'yun.

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon