Chapter 7: Escort and Muse

91 46 39
                                    

R a v e n

"You're my downfall, you're my muse. My worst distraction, my rhythm and blues."


"Okay class we shall now start the nomination for the class officers," pahayag ni Ms. Trazona sa klase.

Humikab ako. Nakakainip naman. Hindi talaga ako interesado sa ganitong mga bagay, pero wala eh, nangyayari talaga 'to every school year kaya kailangang magtiis. Sabi ni ma'am dapat lahat daw sumali sa pagboto.

"Alright guys. The nomination for class president is now open," sabi nung nerd naming kaklase na pumapapel bilang emcee. Sigurado akong siya ang mananalo for president.

Marami ang nagtaas ng kamay para mag-nominate. Ang iingay pa sa kakasabi ng "ako" para lang mapili.

"I nominate you, Ms. Clarissa Fuentes, for class president," sabi nung pandak na lalaki sa first row.

Napangiti naman 'yung nerd at isinulat 'yung apilyedo niya sa black board. "Okay, for the next nomination." Agad naman siyang pumili ng sunod na magno-nominate.

"I nominate myself for class president," matapang na sabi nung lalaking mukhang palaka na si Jason mula sa likuran. Mayroong nagpalakpakan at naghihiyawan samantalang may iba naman na natawa. Ang kapal din ah, pero sige pagbigyan, nomination pa lang naman.

Isinara na 'yung nomination for president at nanalo nga 'yung nerd na si Clarissa. Sabi sa inyo eh. Mukha naman siyang responsable kaya ramdam kong siya talaga 'yung mananalo. Syempre ibinoto ko rin siya.

Nagpatuloy pa rin 'yung nomination at voting habang ako lalo lang naiinip. Pati nga 'tong si Hoshi hindi na nakikinig at gumuguhit na lang sa notebook niya ng kung ano-ano.

Hindi ko namalayang dumating na pala 'yung nomination para sa muse ng klase. Nagulat na lang ako nang may tunog maarteng boses na nag-nominate ng sarili niya as muse. Lumingon ako at nakita ko si Natalia na nakatayo at nakapamewang. Siya pala. Hanep ah. Taas ng confidence, abot sa rooftop. Todo support naman 'yung mga kakulto niya sa kaartehang sina Julie at Kate.

"Sino pang magno-nominate?" Tanong nitong si class prez.

"Ako! Ako!" Sabi nung Jason habang nakataas 'yung kanang kamay sa abot ng kanyang makakaya.

"Okay, sinong ino-nominate mo?"

Agad naman siyang tumayo at sumagot. "I nominate Ms. Kuroha for muse!"

Pareho kaming napalingon ni Hoshi sa kanya tapos tinignan namin si Kuroha. Maging siya ay nagulat din nang marinig ang pangalan niya, pero hindi naman siya umangal. Mukha pa namang crush siya nung Jason.

"Wala na bang magno-nominate?"

Napatingin ako kay Hoshi. I-nominate ko kaya siya? Tutal maganda naman 'tong bestfriend ko kaya siguradong marami ring boboto sa kanya.

"Ako," sabi ko at nagtaas ng kamay. Narinig ko namang tumawa 'yung si Jason. Napapraning na yata.

"Ikaw? Muse? HAHAHA! 'Di bagay tomboy diyan!"

Tangina siya, ang sarap pakainin ng sapatos! Nakakainit ng ulo ang kupal na 'to. Hayup. "At sino namang may sabi sa'yong ino-nominate ko ang sarili ko? 'Di tulad sayo may hiya pa naman ako kaya 'di kita gagayahin ulol." Napansin kong parang tinamaan din 'yung si Nat, pero talagang nainsulto ako kaya 'yun ang nasabi ko.

Humagik-ik naman ng tawa 'yung mga kaklase ko kaya napahiya 'yung walang kwentang palaka.

"I nominate Ms. Zora for muse," pagtuloy ko sa kung ano talaga 'yung gusto kong sabihin.

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon