R a v e n
"Kadalasan, 'yung mga lalaki ang nagyayaya sa mga babae, pero sa'kin mga babae ang nagyayaya. Gwapo ng oppa niyo!"
H
indi pumasok si Ms. Trazona ngayong araw na ito kasi may importanteng lakad daw siya, pero may ibinilin siyang notes para makopya namin kasi may quiz daw sa History pagsapit ng Lunes. 'Yung iba kong classmates busy sa kakakopya, pero kaming apat nina Hoshi, Lea at Jayvee ay busy naman sa chikahan. Nagkwe-kwentuhan sila Lea at Jayvee tungkol sa mga baboyang pagmamay-ari ng kani-kanilang pamilya at kami naman ni Hoshi ay tuwang-tuwa sa pakikinig.
"Alam niyo, nung nanganganak 'yung baboy namin kinailangan naming tumawag ng vegetarian para hugutin 'yung mga anak mula sa birth canal nung baboy," kwento ni Jayvee.
"Talaga?" Si Lea.
"Oo! Grabe nga 'yun eh. Kamay lang gamit nung vegetarian para makuha 'yung mga biik sa loob."
"Hindi ba marunong umire baboy niyo?" Tanong ni Hoshi.
"Umiire naman siya kaso parang na-stuck yata sa loob 'yung mga biik dahil sa inunan," paliwanag ni Jayvee.
"Teka nga teka nga! Kanina pa ako nakakahalata eh. Anong vegetarian ang pinagsasabi mo Jayvee?" Tanong ko. Pansin ko kasi parang wala naman yatang connect 'yung pagiging vegetarian ng tao sa pagpapaanak ng baboy.
"Ah! Ibig kong sabihin 'yung vegetetetarian-- ano nga ba tawag doon?"
"Tangina veterinarian kamo! Vegetarian ka diyan!" Sagot ko na may halong kaunting panggigigil.
Nagtawanan naman kaming apat dahil doon. Ito talagang si Jayvee minsan ang labo kausap.
"Guys, tapos na ba kayo sa part na 'to? Buburahin ko na," sabi nung class secretary namin.
"Wala ba kayong balak kumopya ng notes?" Tanong ni Lea sa aming tatlo.
"Wala pa. Manghiram na lang tayo mamaya. Binura na 'yung unang bahagi ng copy eh kaya kwentuhan na lang muna tayo," sabi ko.
Sumang-ayon naman silang tatlo at 'yun nga ang ginawa namin. Masaya naman palang kausap 'tong sina Lea at Jayvee. Parang hindi nga nauubusan ng kwento 'yung dalawa. Tawa lang kami ng tawa. Ilang beses na nga kaming sinaway ni prez, pero ang hirap talaga magpigil ng tawa eh.
Ilang minuto ang nakalipas at sinimulan na namin ang pagkopya ng notes. Kanya-kanyang hiraman na kami ng notes doon sa mga tapos na.
Habang nagsusulat, hindi ko napansing may tao pala sa likod ko. Nagulat na lang ako ng may kumalabit sa'kin. Pagkatingin ko, si Kuroha pala.
"Ikaw pala Kuroha!" Ngumisi ako, pero agad itong nawala. "Teka, anong kailangan mo?" Panigurado susungitan na naman ako nito.
"Pwede ko bang mahiram ang notebook mo mamaya? Makiki-kopya sana ako ng notes. Ibabalik ko sayo bukas." Nakangiti niyang sabi. Aba, maganda yata ang pakikitungo sa'kin ni Kuroha ngayon. Ano na naman kaya ang nagpabait sa kanya?
"Hmm...Sige. Tapusin ko muna tapos ibibigay ko sayo."
"Talaga? Salamat Raven!" Ngumiti siya ng matamis.
Ang cute niya talaga kapag ngumingiti..
Maliban sa ngiti niya nakita ko rin kung papano niya hawakan 'yung balikat ko bago umalis. Nakapagtataka talaga. Sabi niya sa'kin huwag ko raw siyang lapitan pero siya 'tong lalapit-lapit? Dafuq ha. Parang bipolar nga talaga itong si Kuroha kagaya ng sabi ni Hoshi.
BINABASA MO ANG
Trap Zone
Teen Fiction'Trap'―ito 'yung term na kadalasang ginagamit para sa mga crossdressers. 'Trap' ang tawag sa mga lalaking nagmumukhang parang tunay na babae samantalang 'yung mga babaeng nagmumukhang lalaki naman ay tinatawag na 'reverse trap'. "Not everything is...