Chapter 18: Regret

61 31 7
                                    

K u r o h a

"Maybe all one can do is hope to end up with the right regrets."

Arthur Miller


Wala na akong nasabi pa at nakatitig lang ako sa likod ni Raven habang papalayo ito hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa pagdaan ng mga tao. Nakakainis! Wala man lang akong nasabi para magpaliwanag kay Raven. Hinayaan ko pa talagang isisi sa'kin ng Nataliang 'yun ang lahat.

Pinagbantaan ko raw sila na sasaktan ko silang tatlo ng mga alipin niya kapag hindi sila sumali sa laro ko? Tch! The nerve. All I did was a little push and they went straight into my game. Sa totoo lang nakakatuwa palang asarin 'yung tatlong hipon na 'yun. 'Yung mga mukha nila tuwing kasama ko si Raven nakakatawa. But the game's over and here comes regret. Hindi ko naisip na masasaktan pala si Raven sa mga ginawa ko. Damn. I knew I shouldn't have listened to that retarded cousin of mine, but then again wala akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Sobrang nabwi-bwisit na rin kasi ako sa tatlong hipon na 'yun kaya pinatulan ko na 'yung suggestion ni Jun.

Tinawagan ko 'yung loko-loko kong pinsan para magpasundo sa amusement park. Uuwi na ako para makapagpahinga.

Lumakad ako palabas ng entrance at napagpasyahang doon ko na hihintayin si Jun. Tumingin ako sa paligid. Nagbakasakaling akong makita ko pa si Raven, pero mukhang nakaalis na siya kasama ng Nataliang 'yun kanina pa.

Naaalala ko na naman 'yung mga sinabi niya sa'kin.

"Salamat na lang pala sa pag-aya mo sa'kin dito. Sana hindi na maulit 'to."

Hindi na mauulit...

Agad naman akong napatigil sa pagmumuni-muni nang marinig kong bumusina si Jun. Malapit lang ang bahay ko rito at matulin talagang magpatakbo 'tong si Jun kaya mabilis siyang nakarating dito.

"Pst! Insan sakay na." Binuksan niya 'yung pintuan ng passenger's seat mula sa loob at sumakay na ako.

"Kumusta 'yung date mo?" Natatawa niyang tanong sa'kin nang makaupo na ako ng maayos.

"Tch. Mamaya na. Sa bahay muna tayo," sabi ko sa kanya. Pagod ako kaya wala ako sa mood para magkwento. Pero kung tutuusin hindi naman talaga ako mahilig magkwento kahit noon pa. Wala naman akong mapapala kung magku-kuwento ako.

Hindi na nagtanong pa si Jun at dumiretso na kami sa bahay. Matagal-tagal na ring nakatayo ang bahay namin dito sa Pinas. Noong ipinanganak ako nandito na 'yung bahay. Dito ako nakatira sa Pilipinas hanggang sa tumuntong ako ng 7 years old, pero kinuha rin kami ng mama ko at kapatid ko ni papa para doon na sa Japan tumira at naging vacation house na lang 'yung bahay dito. Pero simula no'ng napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko dito sa Pinas, dito na ako tumira.

Inampon ko na rin 'tong si Jun kasi wala raw siyang matutuluyan na malapit lang sa pinag-aaralan niyang eskwelahan. Ayaw niya rin daw na gumastos pa kaya dumito na siya. Ayos lang din naman kasi malaki 'tong bahay at kahit papaano ay tinutulungan niya rin naman ako bilang kabayaran. Pero hindi naman talaga ako humihingi ng kahit na ano. 'Yung tigil-tigilan niya lang ang pagbwisit sa'kin ayos na.

Napansin kong huminto na 'yung kotse sa pagtakbo at bumaba na si Jun para buksan 'yung gate. Bumalik din naman siya agad at ipinarada na ang kotse sa garahe.

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon