Chapter 22: Suitor

52 27 9
                                    

Special thanks to

niques_david

and the

Mona Café Book Club

for helping Trap Zone

get more recognition!

                                                                     

R a v e n

"You don't need scores of suitors. You need only one... if he's the right one."

Louisa May Alcott


Hingal na hingal kaming dalawa ni Seth ngayon. Hindi dahil sa mga dirty thoughts niyo kung 'di dahil sa kakatakbo para matakasan 'yung mga baliw kong fans! Grabe pala talaga ang tama ng mga fans ko sa'kin. Mukhang handa nila akong habulin maging sa dulo ng mundo! Buti na lang at nailigaw namin sila.

"Are you okay?" Tanong ni Seth na may halong pag-aalala sa boses.

Napatingin ako sa kanya tapos sa mga kamay namin. Oh damn... Hindi niya pa rin binibitawan 'yung kamay ko magpahanggang ngayon.

"O-oi Seth," tawag ko dahilan para mabaling ang atensyon niya sa mga kamay namin.

"Why? Is it wrong to hold your hand like this?" Patay malisya niyang tanong.

Agad kong binawi ang kamay ko nang mapagtantong wala siyang balak na bitawan ito. "H-hindi naman sa gano'n. Hindi lang talaga ako.. sanay..."

"Masanay ka na. I'll be holding your hand more often," sabay kindat.

Ramdam ko namang agad na nagtungo lahat ng dugo ko sa katawan sa mga pisngi ko. "A-anong ibig mong sabihin?!"

"It's exactly what I said. By the way, here we are." Ikinompas niya ang kanyang kamay at animo'y isang palasyo na iprinisenta sa'kin ang isang pamilyar na café.

"D-Dito?!" Gulat kong tanong. Ito 'yung paboritong café namin ni Hoshi― ang Mona Café!

"Yeah. Is there a problem?"

"Ah hindi-- wala," sabi ko habang iwinawasiwas 'yung mga kamay ko sa harapan.

"Alright. Let's go in," sabay ngiti ng napakapogi.

Pumasok na kaming dalawa ni Seth at nagtungo na sa counter kung saan nakadisplay ang iba't-ibang klase ng sweets. May red velvet cupcakes, chocolate mousse, oreo cheesecake, macaroons, at kung ano-ano pa.

"Anong order mo?" Tanong niya. "Libre ko."

"Eh?! Nakakahiya naman! 'Wag na. May pera naman ako," tanggi ko. Nakakahiya naman talaga eh, hindi naman kasi kami close nitong si Seth.

"C'mon. Don't be shy, Rav," pangungumbinsi niya.

"Hmm.. Sige na nga. Basta walang sisihan ha?"

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon