Chapter 9: Haters I

53 43 11
                                    

R a v e n

"Kung may fans,
syempre may haters din."


Pagkatapos kong kumain doon sa rooftop ay bumalik na agad ako ng classroom. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang first subject for this afternoon.

Nakita kong nandito na pala si Hoshi kaya tinawag ko siya. "Bro!" Sabay kaway.

"Heyo bro!" Ngumiti siya pagkakita sa'kin.

"Andito ka na pala." Umupo ako sa tabi niya at ibinalik na 'yung lunch box ko sa loob ng bag.

"Yep. Kamusta 'yung pagkain mo sa rooftop?"

"Ah...'yun.." Medyo natawa ako nang maalala 'yung nangyari kanina. Para akong sira grabe. Inakusahan ko pa si Kuroha na nilagyan niya ng lason 'yung pagkain ko.

"Oh, parang tuwang-tuwa ka ah. May nakasabay ka bang kumain?"

"Mahabang kwento bro," sabi ko habang umiiling ng nakangiti.

Napansin ko namang parang nalungkot 'yung mukha ni Hoshi kaya ikinuwento ko na lang 'yung nakakalokang nangyari sa rooftop.

"Sira ka talaga bro!" Natatawa niyang sabi sa'kin pagkatapos kong maikwento sa kanya 'yun.

"Hindi mo naman ako masisisi. Kasi nga palaging galit sa'kin si Kuroha." Syempre hindi ko nilakas 'yung boses ko at baka marinig pa ni Kuroha na nasa last seat lang ng row namin.

"Sa bagay. Pero kung may balak siyang patayin ka eh 'di sana hinayaan ka na lang niyang mabulunan do'n."

"Aba! Oo nga bro 'no! Ba't 'di ko naisip 'yun?"

"Praning ka kasi haha!"

"Oo na praning na kung praning."

Naputol naman 'yung pag-uusap namin ni Hoshi no'ng dumating 'yung si Sir Reyes. Siya 'yung teacher namin sa Math. Payat siya at mukhang nasa late forties na, pero 'yung fashion niya parang pangbagets pa rin. Mahilig din siya sa action movies. Paano ko alam 'yun? Kasi lagi niyang ikino-connect 'yung action movies sa Math. Mukhang effective nga eh kasi nakukuha niya 'yung attensiyon namin. Siguro siya ang the best na Math teacher na nakilala ko so far kasi pakiramdam ko nababawasan 'yung pagkabobo ko sa Math kapag siya ang nagtuturo.

"Kunin niyo 'yung mga notebook niyo at may ipapa-take out ako sa inyo galing sa Mang Inasal," biro ni sir pagkatapos mag-discuss tungkol sa Statistics and Probability.

Nagreact naman agad 'yung klase kasi ibig sabihin no'n may assignment na naman.

"Huwag na kayong magreklamo, class. Ayaw niyo no'n, may mata-take out kayo galing Mang Inasal? Ms. Secretary pakisulat nga 'to sa board."

Hay nako si Sir talaga kahit kailan hindi nauubusan ng assignment. Wala na kaming nagawa pa at kinopya na lang 'yung assignment na isinulat ng class secretary sa board.

Pagkatapos ng Math ay sumunod naman 'yung Values na hina-handle ni Ms. Jo. Joann ang full name niya, pero sabi niya "Ms. Jo" na lang daw for short. As always, may pinagawa na naman siyang activity sa'min.

Tuwang-tuwa naman ako nung tumunog na 'yung bell. Sa wakas naman at makakauwi na rin ako! Pagkatapos magligpit ng mga gamit ay inaya ko ng umuwi si Hoshi. Palabas na sana kami ng classroom nang marinig kong may tumawag sa'kin. Pagkalingon ko, 'yung mahiyaing babae pala. Sorry ah 'di ko kasi siya kilala kaya 'di ko mapangalanan.

Pinagmasdan ko siya. Bahagya siyang nakayuko at hindi makatingin sa'kin ng diretso. "P-pwede k-ka bang m-makausap ng t-tayo lang d-dalawa...?" Tanong niya sa'kin.

Napatingin ako kay Hoshi. Dapat sabay pa naman kaming uuwi ngayon, pero ayaw ko siyang paghintayin kaya sinabihan ko na lang siya na mauna. "Mukhang mag-co-confess 'yan sayo," bulong niya sa'kin.

Bigla ko namang naramdaman na nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. "H-hindi nga!"

"Una na 'ko sayo bro!" Paalam ni Hoshi. At kumindat pa talaga siya sa'kin.

Hayyy... Ano naman kayang sasabihin ng kaklase kong 'to?

Sabi niya sa'kin sundan ko raw siya kaya 'yun nga ang ginawa ko. Sinundan ko siya papunta sa likod ng school.

"Handa akong makinig," sabi ko sa babae sabay sandal sa pader habang nakapamulsa.

Napansin kong kanina pa siya umiiwas ng tingin kaya medyo nagtaka ako. Magco-confess kaya talaga siya gaya ng sabi ni Hoshi? Ano na lang kaya ang isasagot ko?

Iniangat niya ang kanyang ulo mula sa bahagyang pagkakayuko at nagulat ako sa aking nakita. Luha? Oo, umiiyak nga siya, pero mas lalo kong ikinagulat ang mga sumunod na pangyayari. Sinugod niya ako tapos biglang―

Hmmm~ ang saket~

Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Napahawak ako sa pisngi ko at gulat akong tumingin sa kanya.

Kwinelyohan niya ako tapos tinitigan niya ako sa mata habang umaagos ang mga luha niya. Galit na galit siya sa'kin. Parang nasasaktan nga ako dahil sa itsura niya ngayon. Masakit kasi sa mata dahil ang pangit niya umiyak. Tapos may uhog pang tumatagos.

"Kasalanan mo 'to! Nang dahil sa'yo... Nang dahil sa'yo hindi natupad ang gusto ni Derrick!" Sumbat niya sa'kin. At may kasama pang laway 'yun ah.

"A-ano bang sinasabi mo?" Sinusubukan kong kumalas sa pagkakahawak niya, pero ayaw eh.

"Hindi dapat ikaw ang nanalo! Dapat si Derrick 'yung nanalo bilang escort!" Tuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Bakit ba ang drama-drama ng babaeng ito? Class officers lang eh nanampal agad.

Napabuntong-hininga ako. Kawawa naman 'tong babaeng 'to. "Alam mo.. 'di ko rin naman gustong maging escort ng Kurohang 'yun. 'Di ko naman kasalanan kung bakit ako ang ibinoto ng mga kaklase natin. Tsaka kung gusto mong 'yung Derrick na 'yun ang maging escort eh, si ma'am ang kausapin mo. Bakit mo ba talaga gustong maging escort 'yung Derrick na 'yun?"

Bigla naman siyang napabitaw sa kwelyo ko. Mukhang nagulat yata siya sa tanong ko.

Yumuko siya at umatras ng konti. "A-ang t-totoo kasi niyan...noon ko pa t-talaga gusto si D-Derrick..kaso parang h-hindi naman ako 'yung g-gusto niya. Sabi niya kasi.. si K-Kuroha daw 'yu--"

"Hindi totoo 'yan!"

Pareho kaming napalingon ng babae sa lalaking biglaang sumulpot. Si Derrick Dela Cruz pala.

"D-Derrick? B-bakit ka nandito?" Gulat na tanong ng kaklase kong babae.

"Hindi ko gusto si Kuroha, Emily!" Ah, Emily pala ang pangalan nitong si Shy Girl.

"P-pero h-hindi ba s-sabi mo sa'kin s-si Kuroha ang m-mahal mo?!"

Napakuyom naman ang mga kamao ni Derrick. "Hindi ko talaga gusto si Kuroha... Sinabi ko lang 'yun para malaman ko kung may pagtingin ka rin sa'kin."

Pansin ko namang sincere ang pagkakasabi nitong si loko sa mga salitang 'yun.

Napasinghap si Emily sa kanyang nalaman. "T-talaga? G-gusto mo rin a-ako?" Sabay turo sa sarili habang namumula na parang kamatis ang mga pisngi.

Tumango naman si Derrick bilang sagot.

"D-Derrick," usal ni Emily at humakbang paharap. Parang hindi parin yata siya makapaniwala sa narinig.

"Emily!" Agad namang niyakap ni Derrick si Emily.

Aba teka nga muna! 'Di ba kwento ko 'to?! Dapat ako ang may love life, pero bakit sila ang naglalandian?! At sa harapan ko pa talaga ha! Che! Maka-alis na nga lang!

"Raven salamat!" Pahabol pa ni Emily.

Hindi na ako lumingon pa at iwinasiwas ko na lang 'yung kaliwa kong kamay sa ere habang naglalakad. Pucha, hindi na ako mananatili pa para lang pagmasdan kung paano sila maglandian. Tangina ginawa pa akong spectator.

So in the end, totoo nga 'yung theory ko but, that doesn't change the fact na nasampal ako ng dahil lang sa misunderstanding ng isang pabebe couple.

To be Continued...

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon