Chapter 8: Lunch Date?

75 45 30
                                    

R a v e n

"Ang pagkain mas masarap kapag may kasama, pero masarap pa rin kaya ito kapag may kasamang... lason?!"


Kasalukuyan akong nakatayo sa rooftop ng school ngayon ng mag-isa. Tahimik lang akong nakatingin sa mga bahay at gusali na natatanaw ko sa ibaba. Hulaan niyo kung anong ginagawa ko rito.

A.| Tatalon dahil 'di ko pa rin matanggap na ang masungit na Kurohang 'yun ang muse.
B.| Nag-e-emote kasi ipinanganak akong emo.
C.| Kakain

Kung ang naging sagot niyo ay C, may special reward kayo mula kay author! Pero joke lang. At 'yung mga sumagot naman ng A at B, gusto niyo talaga akong patayin 'no? Sige kayo, wala na kayong masisilayang gwapo na heroine.

Balik tayo sa seryosong usapan. Dito ko naisipang kumain ng lunch ngayon kasi tingin ko masyadong crowded sa canteen. Umuwi kasi si Hoshi dahil nakalimutan niyang magdala ng baon kaya eto, solo flight muna ako.

Ini-enjoy ko muna 'yung scenery bago ako magsimulang kumain bilang ito ang magsisilbing appetizer ko ngayon.

"Sarap pala dito sa rooftop," I say to no one in particular. Kaya nga ito 'yung napili kong lugar eh, kasi 'di pa nga ako nakakakain nasasarapan na ako. Ang sarap kasi sa pakiramdam nung hangin na humahaplos sa mukha at leeg ko atsaka ang tahimik ng paligid; walang mga bruha at mga kutong lupa na nagsisilabasan.

Medyo cloudy ang panahon ngayon kaya tamang-tama lang kasi hindi mainit sa rooftop.

Inilabas ko na 'yung lunch box ko at naupo na sa tabi ng entrance para makasandal ako sa pader. Pinabaunan ako ni mama ng isa sa mga paborito kong pagkain― scrambled eggs na may halong cheddar. Natakam ako ng sobra nang maamoy ko 'yung amoy ng cheddar pagkabukas ko ng lunch box.

"ITADAKIMASU!" Sabi ko bago sinimulang kumain. Tangina gutom na gutom ako dahil paborito ko 'yung ulam, pero kapag hindi naman, diet ako.

Ansarap talaga ng scrambled eggs na may cheddar!!! Sarap ipagsigawan sa rooftop eh.

Subo lang ako ng subo nang marinig kong bumakas 'yung pinto ng rooftop. Syempre napalingon ako.

"Wow ang kinis," puri ko nang tumambad sa'kin ang isang pares ng makikinis na legs. May itim pang thigh high socks kaya mas lalong lumabas ang kinang ng mga ito. Sarap nga ulamin eh. Joke!

Napatingala naman ako sa nagmamay-ari ng legs na 'yun at sa oras na gawin ko 'yun, nagsisi ako kasi si Kuroha pala 'yung may-ari ng kaakit-akit na legs.

"Tangina--" 'Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi may biglang bumara sa lalamunan ko. Sh*t! Nabubulunan ako! Napahawak ako sa leeg ko habang nanlalaki ang mga mata. Saklolo!!! TUBIG!

Nakita ko namang tinititigan lang ako ni Kuroha habang nagtataas ng kilay. Nagtataka pa siya, eh halata namang nabubulunan ako!

"T-Tu...bigg..." Pagkasabi ko no'n inabutan naman agad ako ni Kuroha ng hawak-hawak niyang bottled water.

Mabilis kong kinuha 'to mula sa kanya at uminom mula rito. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom hanggang sa ramdam kong natulak na 'yung pagkain na bumabara sa lalamunan ko.

"Muntikan na ako ro'n ah," sabi ko pagkatapos uminom. Akala ko the end ko na 'yun. Buti at may natitira pang kabaitan 'tong si bruha at inabutan ako ng dala niyang tubig. Nakalimutan ko rin kasing bumili ng tubig mula sa canteen.

"Salamat," sabi ko sa kanya habang nakatingala. I-aabot ko sana 'yung bote ng tubig, pero napansin kong malapit na itong maubos. "Ah, sorry. Ibibili na lang kita ng bago."

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon