Chapter 10: Haters II

52 45 9
                                    

K u r o h a

"Kung may fans, syempre may haters din. Haters nga kaya may part 2 kasi isa lang 'yung hater sa Chapter 9."

Tahimik na ang paligid at papalubog na ang araw. Nagsi-uwian na ang lahat maliban sa'kin at ng masipag na class president. Nakita kong binubura niya pang maigi ang mga nakasulat sa board habang ako naman ay nandito lang sa upuan ko at nakatingin sa labas.

"Hindi ka pa ba uuwi, Kuroha?" Narinig kong tanong niya sa'kin pagkatapos niya sa board.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagmamasid sa labas. Pinagmamasdan ko kung papaano maglaro ng Soccer ang ilang estudyante sa soccer field. Nihindi ko nga namalayan na lumabas na pala siya ng room.

Ako na lang mag-isa ang nandito ngayon. Wala pa akong ganang umuwi dahil wala naman akong magawa sa bahay. More like... tinatamad lang talaga akong gumawa ng kahit na ano.

Sanay na akong palaging nag-iisa, pero minsan hindi ko maitatagong nakakalungkot din. Kaya nga kahit nabwi-bwisit ako sa pinsan kong si Jun ay hindi ko pa siya pinapalayas sa bahay. Siya lang kasi ang tanging nakakaintindi sa'kin.

Napatingin ako sa mga bakanteng upuan na matagal ng nilisan ng mga estudyante. Nare-relax ako kahit papaano dahil sa katahimikang namamayani sa paligid.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang oras. "5:20," basa ko sa mga numerong nakalagay sa screen. Dapat na rin siguro akong umuwi at baka umandar na naman ang pagkamaalalahanin ng pinsan kong 'yun.

Dinampot ko na 'yung handbag ko na nakalagay lang sa gilid ng upuan ko at tumayo na, ngunit may napansin akong naiwang envelope na nakapailalim rito.

Kinuha ko 'yung envelope at sinuri ito. Plain white lang siya at may nakasulat sa likod gamit ang pulang tinta. It is addressed to me.

Pinunit ko 'yung envelope para mabuksan at mabasa 'yung laman nito. Pagkabukas ko, hindi na ako nagtaka kung bakit kulay pula rin 'yung bawat titik ng mensaha. It almost seemed like a death threat.

Sabi sa sulat na magpunta raw ako ng girls' changing room pagsapit ng 5:30 ngayon at may nakaabang daw na sorpresa para sa'kin. Hindi ko alam kung lalaki o babae ang sender nito pero, masama ang pakiramdam ko sa kung ano mang sorpresa ang nabanggit dito. Hindi naman ako natinag at nagtungo pa rin ako papuntang girls' changing room.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapansin kong gaano katahimik ang campus. Wala na akong nakikitang mga estudyante. 'Yung teachers? Malamang busy sa loob ng faculty room. Ito 'yung atmosphere na nagsasabing "don't let your guard down."

Pagbukas ko sa entrance ng indoor pool, wala akong nadatnan doon na kahit na sino. As expected.

Napatingin ako sa pool―may tubig na ulit ito at mas malinis na ito ngayon. Dito rin pala ako nabuhusan ni Raven ng maruming tubig pagkatapos ko siyang basain gamit 'yung hose. Dito niya rin ako pinagsabihan na sumusobra na pala ako sa kanya. Unang pagkakataon nga 'yun na may naglakas loob na sabihan ako ng gano'n. 'Yung ibang tao kasi nai-intimidate kaagad kaya hindi nila ako kinakausap. Ayaw ko rin namang makipag-usap at makipagkaibigan pa sa mga taong alam kong 'di ako tatanggapin sa kung sino talaga ako. Si Raven kaya...? Tch! Hindi ko siya dapat iniisip! 'Yung babaeng 'yun...

Agad kong isinantabi sa likod ng utak ko 'yung mga saloobing 'yun at naglakad na patungo sa mismong pintuan ng girls' changing room. Hindi ito naka-lock kaya binuksan ko.

"Why hello sweetie~"

"Surprise~"

Bumungad sa'kin ang tatlong babae na nakangisi ng malapad. Naaalala ko ang mga mukha nila. Sila 'yung tatlong babae na dikit ng dikit kay Raven.

"Welcome dear~"

Pumasok ako at isinara 'yung pinto. Nakatitig ako sa kanila ng seryoso. Ano namang kalokohan 'to?

"What's the problem dear? Bakit ka nakasimangot diyan? Hindi ka ba nasiyahan sa sorpresa namin sayo?" Tanong ng babaeng nasa gitna. Medyo natatawa pa siya. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito 'yung nag-nominate sa sarili niya bilang muse.

Napaismid ako. "Sino namang matutuwa kung mga mukha niyo lang pala ang masisilayan ko? I know I shouldn't have come here. You girls are a waste of time."

Tumalikod na ako at lalabas na sana nang bigla naman akong harangin ng dalawang alipin nung babaeng nasa gitna.

"Not so fast deary~" Sabi nung isa sa kanila.

Hinarap ko 'yung babaeng lider-lideran nila at sinamaan siya ng tingin. "What do you want?" These bitches are getting on my nerves.

"Easy ka lang 'Ms. Muse of the year'. Nandito lang naman kami para 'sabihan' ka na lubayan mo si Raven. 'Yun lang," she shrugs at the last sentence.

"What does she have to do with this?"

"Oh, Raven has 'everything' to do with all this. You see, ayaw naming may malanding katulad mo na aaligid-aligid sa kanya. Para lang siya sa aming tatlo kaya huwag ka ng umepal pa. You get me?" She then raises a brow and mirrors my glare.

"Atsaka tigilan mo na rin 'yung paglulupasay sa floor para lang mayakap mo siya okay? It's disgusting," dagdag pa niya.

She must be talking about the time when I caught a flu. Pfft. Akala naman nila na ako 'yung nagpapatulong kay Raven, eh siya nga mismo 'yung nagkukusa na tulungan ako. 'Tsaka wala naman talaga akong plano na makipagkaibigan kay Raven kaya hindi na nila dapat inaksaya pa ang oras ko para lang lecturan ako. Tch! Sarap pag-uuntugin nitong tatlo.

"Pathetic. Who are you to order me around? I am not obliged to obey any of you! Now, out of my way!" Itinulak ko 'yung dalawang alipin na nakaharang para makadaan ako. Mas nakakabwisit pala 'tong tatlo kaysa kay Jun kaya mas mabuti pang umuwi na lang ako.

"Hey watch it!"

"You're gonna pay for this!" Dinig kong sabi nung dalawa.

Tch. I'm not gonna let some cheap girls like them tell me what to do. They aint my mother.

Nagdire-diretso lang ako hanggang sa makalabas na ako ng campus. Pagkarating ko, nakita kong may nakaparadang itim na kotse sa kabila ng kalsada.

Si Jun. Sabi ko sa isip ko nang makilala ko ang sarili kong sasakyan.

Malamang nag-alala siya kaya nagpunta na siya rito.

Narinig kong bumusina si Jun mula sa loob ng sasakyan kaya tumawid na ako para makasakay. Agad naman akong pinagbuksan ni Jun at pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

"Insan ba't natagalan ka?" Bungad niya sa'kin.

"Kanina ka pa?" Nilapag ko na 'yung bag ko at nagseatbelt na.

"Mga 10 minutes na ako rito. Anyare?" Alam niya talaga agad kapag may nangyari sa'kin. Kung ako insensitive, si Jun naman sobrang sensitive pagdating sa mood at aura ko.

"Wala. 'Di na importante 'yun. Tara na."

"Sabi mo eh," sagot niya bago paharurutin 'yung sasakyan.

To be Continued...

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon