R a v e n
"He was like a cock who thought the sun had risen just to hear him crow."
―George Eliot
Bumaba na ako sa sinasakyan kong jeep nang huminto ito sa tapat ng Leornian High. Swerte at hindi ako late ngayon. Kahit matagal akong nakatulog kagabi ay maaga naman akong ginising ni mama kaya umabot ako sa oras.
Naglalakad na ako papasok ng gate nang bigla naman akong salubungin ng mga nagtitiliang fangirls.
"Raven! Pwedeng papicture?"
"Ako rin!"
"Raven lodi!!!"
Ilan lang 'yan sa mga narinig kong pinagsisisigaw ng mga rabid fangirls ko. Hindi ko na nga sila mabilang sa dami eh.
Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Sorry I gotta go," sabi ko habang sinusubukang lumayo sa kanila.
"Raven dito ka muna!"
"Pahinging number!"
"I really gotta go," may halong inis kong sambit sa mga fans ko. Sh*t naman oh! Tantanan niyo nga ako!
Andaming babae na nagtutulakan at ang sikip-sikip. Daig pa yata nito ang siksikan sa loob ng tren kapag rush hour.
Sinusubukan kong tumakbo, pero hindi ko magawa. Pa'no ba naman kasi eh, ang daming nakaharang. May mga babaeng nakahawak sa mga braso ko at may mga babae pang nanghihila mula sa likod.
"Excuse me! Kailangan ko ng pumasok sa klase!" Kulang na lang talaga itulak ko sila.
Akala ko wala ng katapusan 'to pero nagulat na lang ako nang may biglang boses lalaking nagsisisigaw mula sa likuran.
"TABI!!! PARAANIN NIYO AKO!"
Natahimik ang paligid at napalingon kaming lahat sa kanya. Aba ang angas!
"ALIS! ALIS!" Galit niyang sigaw doon sa mga estudyanteng nakaharang. Tumabi naman ang mga estudyante dahil sa takot.
Nakita kong nagsisialisan na palayo 'yung ilan sa mga fangirls ko nang papalapit na siya. Padabog siyang dumaan sa gitna ng kumpul-kumpol na estudyanteng gumawa naman ng daan para sa kanya.
"Napakaingay ang aga-aga. Tss!" Dinig kong sabi nung masungit na lalaki. Itim 'yung buhok niya, pero kulay caramel 'yung ends nito. Matangkad siya at maputi. Pansin ko ring gwapo siya kahit na nakabusangot ang mukha niya.
Huminto siya sa tapat ko at tinitigan niya ako. Napatingala naman ako dahil sa tangkad niya.
"I see that you're the source of the commotion. You must be the infamous Raven," sabi niya sa'kin sa seryosong tono.
Napalunok ako ng laway. "A-ako nga." Medyo nakaka-intimidate naman 'tong taong 'to.
"Well, it's nice to meet ya," sabi niya sa malalim na boses sabay smirk.
Hindi na niya ako hinintay pang makatugon at dumiretso na siya sa direksyon ng faculty room. Naiwan akong puno ng pagtataka sa kinatatayuan ko.
Sino kaya 'yon at bakit niya ako kilala?
Agad ko namang iwinaksi ang mga tanong na 'yon mula sa aking isipan at tumakbo na ako papuntang classroom. Kung sino man 'yong lalaking 'yun ay nagpapasalamat ako sa ginawa niya dahil kundi siya dumating malamang hirap pa rin akong makatakas mula sa kumpol-kumpol na fangirls.
BINABASA MO ANG
Trap Zone
Teen Fiction'Trap'―ito 'yung term na kadalasang ginagamit para sa mga crossdressers. 'Trap' ang tawag sa mga lalaking nagmumukhang parang tunay na babae samantalang 'yung mga babaeng nagmumukhang lalaki naman ay tinatawag na 'reverse trap'. "Not everything is...