Chapter 16: PDA Spotted!

49 35 5
                                    

N a t a l i a

"PDA in the amusement park?! My gosh! That's a no-no!"


Patuloy pa rin kami ni Kate sa paghahanap kay Raven dito sa amusement park, pero hindi pa rin namin sila nakikita. Kung saan-saan na kami napunta, pero wala talaga. Hindi kaya nakalabas na sila?!

"Kate," tawag ko sa girlet ko.

Napalingon naman siya agad. "Ano 'yun? Nakita mo na sila?"

"Hindi pa. Tingin mo kaya nakalabas na sila?"

"Hm.. I don't know."

What will I do if they had already went home? I doubt I can sleep tonight if I don't get the confirmation that I need after what I've witnessed. I need to find Raven fast and stop that Kuroha bitch from taking her away. I'm not going to transfer schools and most importantly, I'm not gonna lose!

"Kate tawagan mo nga si Julie bilis! Papuntahin mo siya rito ASAP," I demanded while still keeping an eye on the passers-by. I can't help it. Hindi talaga ako mapakali given the current situation. There's no way na papayag akong sila ni Raven at ng mangkukulam na 'yun ang magkatuluyan!

"Chill ka lang okay? Chill," sabi naman nitong si Kate habang hinahalughog ang cellphone sa bag niya.

"Bilis na!" Naiirita kong utos sa kanya. Antagal kasi makakuha ng cellphone eh.

"Ano ba Nat! Wait ka nga lang eto na oh!" Sa wakas at na fish out niya rin ang cellphone niya. Agad niyang in-dial ang number ni Julie at sumagot din naman ito matapos ang ikatlong ring. "Hey Julie! We have an emergency here!" Bungad ni Kate sa kanya. "We need you to come to the amusement park near our school now na! Bilisan mo!"
Pagkatapos no'n ay ibinaba na ni Kate ang linya.

"So? What did she say?"

"Papunta na raw siya."

"Good!" Kahit papaano ay medyo nabuhayan ako ng pag-asa kasi may makakatulong na kami sa paghahanap. "Kate, subukan mo ngang maghintay doon sa entrance baka makita mo sila. I'll go look for them dito sa loob."

"Whatever you say Nat," she rolls her eyes at me to which I barely pay attention to and heads to the entrance.

Nagtungo naman ako sa direksyon ng ferris wheel. Hindi kaya nandoon sila sa loob ng isa sa mga gondolas? Well, it's worth a shot.

Pumwesto ako malapit sa ticket booth at hinintay ko na matapos ang pag-ikot ng ferris wheel. Gusto kong makasiguro kung andiyan nga ba sila o wala.

Ilang minuto lang ang nakalipas at natapos din naman ang andar ng ferris wheel at nagsilabasan na ang mga nakasakay, but drat! They aren't one of the passengers. I can't help, but feel very disappointed. Just when I thought I finally found Raven. I sighed. Nakakapagod na talaga sobra! Kanina pa kami paikot-ikot dito sa loob eh. I feel so haggard na rin. I think I need a retouch muna bago ako magpatuloy sa paghahanap.

Nagpalinga-linga ako para makita kung may restroom sa malapit and bingo! May nakita nga ako just ahead from where I am standing kaya nagmadali na akong pumunta ro'n.

Habang papalapit, may nakikita akong isang girl at isang guy na nasa gilid ng restroom in a very weird position. 'Yung girl kasi idinagan ang guy sa wall tapos mukhang magki-kiss pa yata sila. My gosh! PDA! May bangs 'yung girl tapos kulay pink na dress ang suot. Tapos 'yung guy naman is naka-- Wait! Isn't that―

"RAVEN!!!" Tawag ko. Hindi ako pwedeng magkamali; kagwapuhan nga iyan ng Raven babe ko. Pero teka― Magkasama sila ni Kuroha and th-they were a-about to k-kiss?! No freaking way!!!

Agad kong itinulak 'yung malanding higad na si Kuroha palayo sa Raven ko.

"Nat?! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ni Raven.

"I came here to save you from that biatch, Raven!" Sabay turo sa walang 'yang babae na 'yun. How dare she assault my Raven like that!

"Ah s-salamat," wika ng bebe ko.

"You're welcome babe," sagot ko naman.

I glared at the bitch in front of us while standing protectively in front of Raven. Tingin ko nga hindi rin inaasahan ng higad na 'to ang pagdating ko. "Did you really think that I'm going to let you steal Raven huh Kuroha? Raven's going into a relationship with me, not you!" Yes, pinapamukha ko talaga sa kanya.

Seryoso lang na nakatingin sa'kin 'yung si Kuroha at hindi umimik.

"Hindi ba Raven? Please tell me na sa'kin ka makikipag-relationship at hindi roon sa bruhang 'yon," dagdag ko habang naka-puppy eyes kay Raven.

"T-teka nga anong relationship ba ang pinagsasabi mo, Nat?" Nalilitong tanong ng bebe ko. Well, as expected. Raven has no idea about the war that's going on between me along with my girlets and that disgusting slut!

"I'm talking about romantic relationships. Like gf and bf. And speaking of relationships, why did I hear that bitch calling you babe?! Kayo na ba? Hindi naman 'di ba 'di ba Raven?!"

"K-kalma ka lang Nat. H-hindi naman talaga kami ni Kuroha," sagot ni Raven na parang nai-intimidate dahil sa inaasta ko.

And YES! I really knew it! I soooo knew it that they weren't really in a relationship! Hah! There's no way Raven would fall for the likes of Kuroha!

"Tch," galing kay biatch na ngayon lang nag-ingay.

I smirked in satisfaction. The face that she held this very moment is priceless.

"Looks like the tables have turned, Kuroha."

The scowl on her face says it all.

To be Continued...

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon