Chapter 26: Savior

35 16 9
                                    

R a v e n

"Most people want to be circled by safety, not by the unexpected."

Ron Hall

"Wala ka ng takas!"

Mas lalo lang nadagdagan ang takot sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ng kalbong humahabol sa'kin. Papalapit na sila ng papalapit, pero 'di ko alam kung saan patutungo.

Takbo!

Iyan ang paulit-ulit na sinisigaw ng utak ko, pero ayaw sumunod ng katawan ko. Hindi pa naman ako pagod, pero kusang tumigil na lamang ang mga paa ko sa pagtakbo. Para bang naestatwa ako dahil sa takot. Pakiramdam ko ako lang mag-isa at wala akong mahihingan ng tulong sa lugar na ito.

Parehong may humahabol sa'kin mula sa likuran at sa unahan at ang dami-dami pa nila. May matatakbuhan pa kaya ako sa lagay na 'to?

Nagpalinga-linga ako sa paligid, baka sakaling may makita akong escape route. Hindi ako pwedeng mahuli ng mga lalaking ito kaya kailangan kong makatakas!

Ayun!

Kinaawaan pa talaga ako ng Diyos at may nakita akong isang maliit na eskinita sa kabilang dako ng kalsada.

"Huwag niyo siyang hayaang makatakas!" Utos ni kalbo sa mga kasamahan niya, pero hindi ako magpapahuli.

Pinilit kong pagalawin ang mga paa ko and it took a lot from me para magawa ito. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Kaya ko 'to!

Kumaripas ako ng takbo papunta sa rutang iyon. Madilim ito at makitid ngunit isa itong perpektong escape route para sa'kin. Hindi sila magkakasyang lahat sa eskinitang ito ng sabay-sabay.

"Ako ang mauuna!"

"Hindi, ako!"

"Akin ang reward ni boss!" Dinig kong sigaw ng mga nagtutulakang ungas sa may entrance ng eskinita.

Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

Papalubog pa lang ang araw, pero halos wala na akong maaninag sa loob ng eskinita dahil pinapagitnaan ito ng mga matatarik na gusaling humaharang sa liwanag.

Dire-diretso lang ang makitid na daraanang ito at hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin sa dulo, pero 'di bale na basta't makalayo lang ako mula sa mga humahabol sa'kin. Ayokong mapasakamay ng mga manyakis na 'yun kahit anong mangyari!

Napansin kong medyo malalim na ang paghinga ko, pero hindi pa rin ako tumigil hanggang sa marating ko na ang dulo ng eskinita. Napakuyom ang mga kamao ko dahil sa nakita. Nahahati ang dulo nito sa dalawang daraanan― isa sa kaliwa at isa sa kanan.

Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang tatahakin, pero may narinig akong mga yabag na papalapit sa'kin kaya tumungo ako pakaliwa nang biglang―

"Shh."

Halos tumigil ang tibok ng puso ko nang may marinig akong bumulong mula sa aking likuran. Tinatakpan ng kamay niya ang bibig ko at nakayakap sa beywang ko ang kabila niyang braso.

Hinigit niya ako papunta sa gilid ng isang malaking box at napapikit na lang ako ng mariin.

"Doon kayo sa kaliwa. Dito kami sa kanan!" Dinig kong utos ng isa sa mga humahabol sa'kin. Lalo namang tumaas ang tensyon ko dahil dito. Sinundan ito ng mga yabag na papunta sa direksyon ko, pero nakakapagtakang unti-unti lang itong papalayo hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon