Chapter 17: Raven's Choice

56 35 10
                                    

R a v e n

"Never play with the feelings of others because you might win the game, but the risk is that you will surely lose the person for a life time."

Shakespeare


Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Nat. Napalingon kaming dalawa ni Kuroha sa presensya niya at tumambad sa'kin ang mala-tigre niyang mukha. Kaagad niyang hinila palayo sa'kin si Kuroha na siyang ikinagulat ko. Syempre thankful ako kasi na-preserve 'yung first kiss ko, pero parang disappointed ako ng konti? Wait! Scratch that! Wala naman akong reason para madisappoint 'di ba? 'Tsaka kung may hahayaan man akong girl na makakuha ng first kiss ko aside kay Hoshi eh, si Kanae lang 'yun! Si Hoshi kasi talagang magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa kaya walang malisya sa'min 'yung mga gano'n.

"Nat?! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ko kay Natalia.

"I came here to save you from that biatch, Raven!" Sabay turo kay Kuroha na nakatingin sa'min ng seryoso.

"Ah s-salamat," sabi ko naman.

"You're welcome babe," sagot niya atsaka tinignan ng masama si Kuroha. "Did you really think that I'm going to let you steal Raven huh, Kuroha? Raven's going into a relationship with me, not you! Hindi ba Raven? Please tell me na sa'kin ka makikipag-relationship at hindi roon sa bruhang 'yon," pakiusap niya habang nagpapabebe.

"T-teka nga anong relationship ba ang pinagsasabi mo, Nat?" Nalilito kong tanong sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito at agad na pumupunta sa mga relationship-relationship na 'yan?

"I'm talking about romantic relationships! Like gf and bf. And speaking of relationships, why did I hear that bitch calling you babe?! Kayo na ba? Hindi naman 'di ba 'di ba Raven?!"

"Kalma ka lang Nat. H-hindi naman talaga kami ni Kuroha," sagot ko. Parang ang aggresive niya naman yata sa pagtatanong. Atsaka sino bang may sabi na naghahanap ako ng 'gf'?! Babae ako! Babaeng-babae!

"Tch." Si Kuroha. Mukhang nabadtrip ng sobra sa pagdating ni Nat kaya siguro ang tahimik bigla.

"Looks like the tables have turned, Kuroha," sabi nitong si Nat habang umiismid.

Anong ibig sabihin ni Nat sa sinabi niyang 'yun?

"Anyways Raven, tara na? Ditch that bitch hahaha! We have a concert to attend to," aya ni Nat sa'kin. Nakalimutan ko nga palang sabihin kay Nat na ibinigay ko na kay Hoshi 'yung ticket.

"Uh... tungkol sa ticket.. Naibigay ko na kay Hoshi 'yung ticket eh..." Paliwanag ko habang kinakamot 'yung batok ko.

"You what?! Akala ko ba sasama ka sa'min sa concert ng Abyss?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Nat.

"Sorry talaga Nat.. Hindi ko kasi type 'yung banda eh," pag-amin ko. Hindi ko talaga type 'yung mga kanta nila period.

Napayukom ang mga kamao ni Nat at tuluyan ng nagsipatakan 'yung mga luha niya na kanina pa gustong umagos mula sa gilid ng mga mata niya.

"A-ayos lang. You should've told me instead.. N-next time then," sabi niya habang nagpupunas ng mga luha.

Nakokonsensiya ako. Ramdam ko ang guilt na parang kumakalat na lason sa loob ng dibdib ko. Sana pala sinabihan ko na lang siya agad para hindi na siya umasa. Hays... "Sorry talaga Nat..." sabi ko habang nakayuko.

Narinig ko namang biglang nagsalita 'tong si Kuroha na parang natutuwa pa sa pag-iyak ni Natalia. "She chose to come with me instead that's why she couldn't go with you." Bahagya siyang ngumisi pagkasabi niyon.

Nabigla ako sa mga sinabi ni Kuroha, pero hindi ko maitatangging tama siya. Pinili kong sumama kay Kuroha kasi gusto ko siyang i-recruit bilang bagong fan ni Kanae. Saka dapat talaga sinabi ko na lang ng maaga na hindi ako makakapunta eh. Tapos ibinigay ko pa 'yung ticket kay Hoshi ng walang paalam mula kay Nat.

Mas sumama lalo ang tingin ni Nat kay Kuroha at maya-maya pa ay sinugod niya ito! Akmang sasabunutan niya si Kuroha, pero natisod siya bigla nang dahil sa suot niyang sapatos.

"Ouch! Oh no! My shoe!" Tili ni Nat pagkakita sa nasira niyang sandal. Naputol pala 'yung takong ng sandal niya.

"Nat!" Yumukod ako at tinulungan siyang makatayo.

"Oww my foot!" Daing niya dahil sa sakit. Mukhang na-sprain yata 'yung left ankle niya.

"Dahan-dahan lang." Pinaakbay ko siya sa akin bilang suporta.

"Thanks Raven.. Urgh! It really hurts!"

"Mabuti pa siguro umuwi ka na muna Nat. Ihahatid kita sa kotse mo," alok ko sa kanya.

"No! Wait! You have to know something," hirap na sabi ni Nat. Tumitig siya ng matalim kay Kuroha at gano'n din naman si Kuroha sa kanya.

"Ano 'yun?" Tanong ko habang pinagpapasapasahan ko silang dalawa ng tingin.

"Kuroha forced me and my girlets to join her sick game," simula niya.

"Anong game?"

Nakita kong napakuyom ng kamao si Kuroha nang marinig 'yun, pero wala siyang sinabi.

"A flirting game. Sabi niya kung sino 'yung makaka-in-a-relationship mo, eh siya 'yung panalo. Tapos 'yung talo daw eh dapat magtransfer ng schools," sumbong ni Nat. "Hindi kami pumayag noong una, but we had no choice. She threatened me and my girls na.. sasaktan niya raw kami kapag hindi kami pumayag. We had no choice Raven.." Dagdag pa niya. Umiiyak na naman siya.

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Isang laro na si Kuroha ang pasimuno? Kaya pala... Kaya pala gano'n siya kung umasta sa'kin... Kaya pala bigla siyang nagiging sweet... It all makes sense now. Kaya pala ginawa niya lahat sa'kin 'yun para manalo sa larong sinimulan niya. At talagang tinakot niya pa talaga sila Nat para lang sa isang walang kwentang laro?! At higit sa lahat pinaglaruan niya rin ang damdamin ko! Aba at sumusobra na talaga ang pagka-sadista ng bruhang Kuroha na 'to!

Tinitigan ko siya ng masama. 'Yung pinakamasamang titig na kaya ko para ipakita kung gaano ako kagalit at kadismayado sa nalaman ko. Hindi ko mapapalagpas ang kagagawan niya ngayon.

"Sana pala hindi na lang ako sumama sa'yo," mariin kong sabi sa kanya.

Nagsisisi ako. Sana pala talaga hindi ako nagtiwala sa Kurohang 'to. Noong mga nakaraang araw pa talaga kahinahinala ang mga inaasta niya sa'kin... Kaya naman pala kasi may binabalak na siya.

"Salamat na lang pala sa pag-aya mo sa'kin dito. Sana hindi na maulit 'to." Sabay talikod kay Kuroha. Ayoko nang mag-aksaya pa ng laway sa mga taong tulad niya kaya umalis na ako habang inaakay si Nat na paika-ika kung lumakad.

Mukhang nagulat si Kuroha sa mga sinabi ko, pero tama lang sa kanya ang mga binitawan kong salita at sa gayon ay maramdaman naman niya kung gaano kasakit 'yung ginawa niya. Magmula ngayon hinding-hindi na ako lalapit sa kanya. Napaka-insensitive pa rin talaga ng bruhang 'yun kahit kailan. Wala na siyang ibang inisip kung 'di ang pansarili niyang kaligayahan. Hindi lang ba niya naisip kung ano ang mararamdaman ko? Mas masama pa pala siya kaysa sa inakala ko kaya wala ng saysay pa na makipagkaibigan ako sa kanya. Wala na akong kilalang Akane Kuroha magmula ngayon...

To be Continued...

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon