R a v e n
"If you want to apologize just say it. Just thinking about it won't solve it."
Hay nako, it's Monday na naman kaya medyo matamlay ako. May long quiz pa kami sa History ngayon kaya mas lalong bumaba ang energy ko. Hindi ako nakapag-review kahapon kaya ito, nagsisikap akong magbasa ng notes habang may nalalabi pang 5 minutes bago magsimula ang pagsusulit.Maikli lang ang 5 minutes kung tutuusin para makabisado ko ang mga nakasulat sa notes ko, pero tiwala ako sa memorya ko at sa kakayahan kong mag-analisa ng mga bagay-bagay. Tsaka uso naman teamwork hahaha! If you know what I mean.
"Okay time's up!" Deklara ni Ms. Trazona. "Keep all your things except for your ballpen and your one-half length wise. No phones allowed."
Pagkasabi no'n ay agad na nagsiligpit ng kani-kanilang mga gamit ang buong klase. Inalagay ko na rin 'yung notebook ko sa bag.
Medyo kinakabahan ako kasi hindi ko masyadong na-absorb 'yung mga nakasulat sa bandang huli ng notes ko, pero bahala na.
"Ah before we begin, I just want all of you to know that I will only repeat the question TWICE kaya dapat makinig kayong lahat. Is that clear?"
"YES MA'AM!" Sagot ng klase.
Pagkatapos no'n ay sinimulan na agad ni ma'am ang pagsusulit. Okay pa sana 'yung first few questions, pero parang nangamote na ako pagdating sa number 20.
Dear Lord tulungan niyo po ako.
Nagsisimula na rin akong pagpawisan kasi unti-unti ng nagsisilabasan 'yung mga questions na hindi ko alam kung ano ang mga sagot. Sana kasi binasa ko man lang 'yung notes ko kahapon, pero wala eh, busy ako kakalaro ng mga visual novels. Takte talaga.
Napatingin ako sa gawing kanan at nakita ko si Hoshi na seryosong-seryoso sa pagsusulat. Siguro nakapag-review siya ng mabuti kaya ang dami niyang sagot. Hindi ko nga lang makita ang mga sagot niya kasi natatakpan ito ng mahaba niyang buhok.
Nang makita kong hindi nakatingin si ma'am, pasimple kong kinalabit ang tagiliran ni Hoshi gamit 'yung bolpen ko.
"Bro," pabulong kong tawag.
Nakuha ko naman ang atensyon niya at napatingin siya sa'kin.
Itinuro ko 'yung papel niya gamit ang nguso ko tapos bumulong ako ng, "Share share."
Napataas naman siya ng dalawang kilay na may kasamang inaudible "OH" nang ma-gets niya kung ano ang ibig kong sabihin.
Napa-YES! ako sandali nang ipakita na ni Hoshi 'yung laman ng papel niya, ngunit naihilamos ko na lang 'yung palad ko nang makita ko ng klaro 'yung mga nakalagay sa papel.
Putangina. Puro doodle 'yung nandito! Sa isang iglap parang naglaho lahat ng pag-asa ko.
Nagpipigil lang ng tawa si Hoshi pagkatapos niyang makita 'yung reaksyon ko. Hindi rin pala siya nag-review ng maayos. Hanggang number 19 lang din siya may sure na sagot tapos 'yung the rest na parte ng papel puno na ng doodle. Jusko naman! Kaya pala mag-bespren kami nitong si Hoshi, "birds of the same feather flock together" kasi.
Ibinalik ko na lang kay Hoshi 'yung papel niya at napailing na lang ako. Makakahanap pa kaya ako ng mga matitinong sagot? Maging sina Jayvee at Lea na nasa harapan namin ay nahihirapan din sa quiz na'to.
Agad namang itinuro ni Hoshi 'yung katabi niya sa bandang kanan― si class prez! Ayan! Paniguradong maraming sagot 'yan.
Nag-thumbs up sign ako kay Hoshi tapos dumiskarte na siya para makakuha ng answers mula kay prez.
BINABASA MO ANG
Trap Zone
Teen Fiction'Trap'―ito 'yung term na kadalasang ginagamit para sa mga crossdressers. 'Trap' ang tawag sa mga lalaking nagmumukhang parang tunay na babae samantalang 'yung mga babaeng nagmumukhang lalaki naman ay tinatawag na 'reverse trap'. "Not everything is...