Chapter 15: Girl Crush

56 36 19
                                    

R a v e n

"Everything about her is beautiful..."


Pagkatapos naming kumain ni Kuroha ng takoyaki, nagpunta na kami sa mga rides. Parang ayaw ko munang sumakay sa roller coaster ng busog kaya sabi ko kay Kuroha na ro'n muna kami sa marahan lang ang takbo― sa carousel. Maganda ro'n kasi maraming kabayo. Sa totoo lang, 'di pa ako nakakasakay ng kabayo eh, kaya baka naman at least dito maramdaman ko kung paano sumakay ng kabayo.

Napili ko 'yung white horse tapos black horse naman kay Kuroha. Sino kayang nakapili ng red horse? Hahaha! Corny ba? Sorry naman.

Konti lang ang nagpunta sa carousel kasi karamihan nasa roller coster at sa viking. Enjoy naman ako rito sa carousel kasi tamang-tama lang ang takbo nito para sa nag-di-digest kong intestines. Takot akong baka magka-appendisitis ako kapag sumakay ako sa mga rides kagaya ng roller coaster. 'Tsaka sayang din 'tong mga takoyaki na nasa loob ng tiyan ko kapag nasuka ako pagkatapos ng ride.

Napatingin ako kay Kuroha na nasa tabi ko lang nakasakay. Tahimik lang siya, pero may ngiti siya sa labi. Ano naman kaya ang nginingiti-ngiti niya diyan? Hmm... Hindi ko na nga lang aalamin. Baka sungitan pa ako eh.

Natapos din naman 'yung pagikot-ikot ng carousel at bumaba na kami.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ni Kuroha sa'kin.

Napa-isip naman ako sandali. "Uhm.. Gusto mo ro'n sa viking? Mukhang masaya ro'n." Ready na ang tiyan kong sumabak sa mga hardcore na rides dito.

"Ikaw ang bahala," she replies coolly.

Nagtungo naman kami roon sa viking. Naaalala ko nung sumakay kami ni Hoshi rito, ang sarap umiyak dahil sa takot na baka mahulog ako mula sa kinauupuan ko. First time ko kasi 'yun at pakiramdam ko sa tuwing magswi-swing paabante 'yung viking eh, maiiwan ako sa ere at mahuhulog. Nasa pinakalikod kasi kami nakaupo noon kaya mas malaki 'yung kaba na nararamdaman ko. 'Yung feeling kasi na walang tao sa likod mo at walang sasalo sayo ang sobrang nakakatakot. Ay! Napahugot tuloy ako ng wala sa oras.

Bumili na si Kuroha ng tickets para sa aming dalawa at sumakay na kami. Ang swerte-swerte ko pa talaga kasi nagkataong 'yung mga seats sa pinakalikod na lang ang may natitirang espasyo. Mga mandaraya! Ni-reserve talaga 'yung pinakanakakatakot na pwesto 'no?

Napatingin naman ako kay Kuroha. Tabi kami tapos ako 'yung nasa simula ng row namin at siya naman 'yung second. Buti siya at may dalawang tao na nasa tabi niya at least 'di siya gaanong mababahala kung ikukumpara sa'kin na walang katabi sa left side.

"Kuroha, first time mo bang sumakay sa viking?"

"Oo. Bakit mo naitanong?"

"Hindi ka ba natatakot?"

"Hindi. Bakit? Takot ka?," sabay ismid.

Sus! Kunwari pa siyang 'di takot. 'Dibale, magsisisigaw din naman siya mamaya.

"Medyo lang. Pangalawa ko na 'to kaya hindi na masyadong nakakatakot." Pero 'yun ang akala ko.

Hindi na nagpa-thrilling pa 'yung viking at umandar na ito. Noong first few swings mahina pa lang at animo'y dinuduyan ka lang na parang sanggol, pero pagkatapos noon ay sumunod na ang mga mas malalakas pang swings. Palakas lang ito ng palakas na akala mo ay hindi na matatapos pa.

"MAMAAAAAAA!!!" Tili ko habang nakakapit ng napakahigpit sa metal bar na nasa harap ko. Tangina pangalawa ko na 'to, pero nakakalula pa rin! Gusto ko ng bumaba para matigil na, pero ayaw.

Si Kuroha naman pagkatingin ko nakahalukipkip lang at nakapikit na parang relax na relax na animo'y nagme-meditate!

"UMAYOS KA KUROHAAAAAA!!!" Tili ko ulit. Kaming lahat na nakasakay nagtitilian na na parang mga chipmunks tapos siya wala lang? Para ngang natutulog lang habang idinuduyan eh!

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon