Chapter 11: Love is War

64 46 24
                                    

K u r o h a

"I'm fighting, shooting for the heart
I didn't choose this way
I'll show you how my skirt flutters
And steal your gaze away"


Hindi maganda ang gising ko ngayong umaga. Palagi naman talagang hindi maganda ang gising ko kaya hindi na 'to bago, pero kung ikukumpara sa dati ay mas pangit ang gising ko ngayon. Tch... Siguro dahil 'to sa tatlong hipon kahapon.

Ang lakas din naman ng loob nilang pagbantaan ako. One of the things that I hate most is getting bossed around. Buong buhay ko inilaan ko para lang masunod ang lahat ng gusto ng mama ko. Kaya nga ako nagkaganito― palaging nakatago sa katauhang hindi naman ako.

Tch! Nakakawalang gana pumasok. A-absent na lang ako.

I turned to the right and pulled the blanket to my chest. I then closed my eyes and tried to get more sleep, but I couldn't. Tch... this is getting more annoying.

Imbes na matulog ulit ay napagdesisyunan ko na lang na bumaba para kumain. Siguro kapag nabusog ako makakatulog ako pagkatapos. Sabi nila babangungutin ka raw kapag natulog ka agad pagkatapos kumain, pero 'yun ang gawain ng pusa namin sa bahay at buhay pa naman siya. Don't get me wrong, hindi akin ang pusa kung 'di kay Jun. Allergic ako sa fur kaya 'di ako nag-aalaga ng pet maliban sa isda. Hindi sila nag-iingay at hindi sila nangangalmot kaya masarap silang alagaan. Nare-relax din ako kapag tinititignan sila habang lumalangoy.

Hindi naman talaga ako payag na magdala ng pusa si Jun sa bahay, pero mukhang gustong-gusto niya talagang alagaan 'yung pusa kaya napilitan na lang akong pumayag. Palagi ko ngang inilo-lock 'yung kwarto ko kapag umaalis papuntang eskwelahan kasi takot akong baka lapain ng walang hiyang pusang kalye na 'yun ang mga alaga kong isda.

"Yo insan! Kain ka na. May niluto akong sukiyaki," bungad sa'kin ni Jun. Naka-apron pa talaga siya habang may hawak-hawak na sandok.

"Ah..." Napatingin ako sa mainit na sabaw ng sukiyaki na niluto niya―

Mukha namang masarap.

Umupo na ako at agad niya akong inabutan ng isang serving ng sukiyaki at kanin. Hindi halata, pero magaling magluto itong si Jun. Isa siya sa mga tinatawag na "otaku" pero may ibubuga rin pala pagdating sa mga gawaing bahay. Isa rin 'yan sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya mapalayas-layas. Hindi naman sa inaalila ko siya, pero siya naman itong masipag kaya pinapabayaan ko na lang.

Naupo si Jun sa kabilang upuan at sinabayan ako sa pagkain. Tahimik lang ako at gano'n din siya.

"Ahem!"

Napatigil ako sa pagkain at tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?"

"Napansin ko lang insan ha.. Kahapon pa talaga 'to eh."

Napakunot ako ng noo. "Ano ba 'yun?"

"Ako lang ba o parang may bumibwisit sayo?"

"Maliban sa'yo? Wala naman."

Humagalpak siya ng tawa. "Galing mo talagang magbiro insan! Hahaha!" Sabay palakpak na parang retarded seal.

"Tch! Hindi 'yun biro!" Umirap ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Pero seryoso, wala ka ba talagang dinaramdam? Refer kita sa kilala kong doktor."

Trap ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon