Right time
Inis na pinulot ko lahat ng telang nalaglag ko dahil sa taong bumangga sa akin. Napailing nalang ako ng lagpasan ako ng taong 'yon. May mga tao talagang pinanganak na bastos.
Nang aabutin ko na sana ang huling tela ay agad na may kamay na kumuha non kaya napaangat ako ng tingin sa taong pumulot.
Halos matigilan ako at natulala sa lalaking nakadungaw ngayon sa akin. Napalunok ako ng bigla niyang kinuha ang braso ko para patayuin.
"Here." Sabay bigay niya sa akin nung tela. Bigla akong napalunok ng magdikit ang mga kamay namin. Sobrang bilis yung tibok ng puso ko.
"T-Thank you." Pakiramdam ko ay namumula ako sa paninitig niya sa akin.
"Are you going to take a cab?" Tanong niya. Nagkataon kasi na nasira yung kotse ko kaya wala akong ibang choice kung hindi ang mag-commute.
Tumango ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang mga telang hawak ko at idineretso sa kotse na nasa likod ko lang.
"Wait!" Pero nauna na niyang nailagay sa loob ng kotse niya yung mga dala ko.
Napabuntong hininga nalang ako at tsaka sumunod sa kanya.
"Where's your workplace?" Tanong niya pagkasakay ko sa loob.
Sinabi ko sa kanya ang daan at pagkatapos non ay hindi na muli kami nag-usap pero nahuhuli ko siyang panakanakang sumusulyap sa gawi ko. Nanatiling nakatingin ako sa harap at pigil ang hininga.
"Uhm. So, doon din ang daanan mo?" I asked him. Nilingon niya ako saglit at tsaka tumango.
"Yes. I accidentally saw you so I stopped my car to offer some help." He shrugged off. Napatango ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti.
"Are you always wearing sexy clothes?" Kunot noong tanong niya. Marahil ay napansin ang maikli kong suot pero hindi naman totally. Sakto nga lang 'to eh. Bigla tuloy akong nahiya.
"Oo." Bumuntong hininga naman siya at tsaka umiling.
"Is that your natural hair?" Napahawak naman ako sa buhok ko. Napangiti ako.
Wavy kasi ang buhok ko. Pinaghalong copper brown and blonde ang kulay ng buhok ko. I never tried to make some changes of my hair. So yeah. It's my natural hair.
"Yes. Ang dami ngang naiinggit netong buhok ko simula noong bata palang ako." Nakangiting pagkwento ko sa kanya. Kunot noong napatango ulit siya.
"What is your height?" Bigla akong natuwa. Mukhang nagiging interesado na siya sa akin. I compose myself to relax.
"5'7. Why?"
"Xhenna's 5'3." He whisphered na hindi ko narinig kaya lumapit ako sa kanya.
"I'm sorry? You're saying something?" Napatingin siya sa akin at 'yan na naman ang mga mata niyang malamig at kinikilabutan ako kapag tumitingin ako sa mga mata niya.
"Nothing." Tipid na sagot niya.
Kumunot ang noo ko. What's the sudden change of mood? Bakit parang ang cold niya bigla? Am I imagining things?
"Saan ka pala nagwowork?" Tanong ko. Nakita kong malapit na kami kaya kinuha ko na ang mga tela na nasa backseat.
"Company. I work as a CEO of my family's company." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
He's that rich?
"Oh my gosh. You're a bigtime person then?" He chuckled at napailing nalang. I just pouted.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?