Kabanata 18

10 9 0
                                    

Trust

Muli kong isinantabi ang sama ng loob at pagtatampo ko sa kanya ng tuluyan na niya akong hinila papasok sa bahay nila. Rinig na rinig ko ang pag-uusap ng pamilya nila. Napahigpit ang hawak ko sa kanya at tsaka ako napatigil sa paglalakad. Napatingin naman siya sa akin.

"Don't be scared, baby. I'm here okay? Magugustuhan ka nila, trust me." Huminga ako ng malalim at tsaka ako tumango at tuluyang nagpahila sa kanya.

Mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko ng tuluyan na kaming makapasok sa dining area nila at napatigil sila sa pag-uusap ng makita kaming dalawa. Halos manlaki ang mga mata nila ng makita ako. Hindi ko alam pero parang hindi ko nagustuhan ang naging reaksyon ng pamilya niya ng makita nila ako. Ganun ba kagulat-gulat na hawak at kasama ako ngayon ng isang tinitingalang anak ng Montarellano?

"Everyone, this is Althea Louisse Thara-Sy. My girlfriend." Pakilala niya sa akin sa harap ng pamilya niya. Kita ko naman ang pagseryoso sa mga mukha nila ng dumapo ang tingin nila kung saan nakapulupot ang kamay ni Cyrus sa bewang ko.

Unang tumayo ang panganay nila at nakipagkamay sa akin at nagpakilala. Sumunod naman si Zeke at Tyler pero nanatiling seryoso ang mga mukha nila. Lumapit sa akin ang mag-asawang Montarellano at titig na titig silang dalawa sa akin. Kita ko ang pagtalim ng tingin ni Mrs. Montarellano ng sumulyap siya sa katabi kong humigpit ang hawak sa bewang ko.

"We'll talk later, Cyrus Syd." Malamig na sabi ni tita at tumingin sa akin. Her lovely eyes darted on me. She genuinely smiled at me pero may halong lungkot ang tingin niya sa akin.

"G-Good evening, Mr. and Mrs. Montarellano." Nanginginig na bati ko sa kanilang dalawa.

"I'm Cyrus mother, Althea. You look lovely." Pagpuri niya sa akin at tsaka ako binigyan ng yakap. Sumunod naman ang ama ni Cyrus na yumakap sa akin.

Napakalamig ng tingin niya pero hindi ko nakikitaan na hindi ako welcome sa pamilyang 'to. Para bang may dahilan ang pagtitig nila sa akin.

"So it's true. She really looks like her." Para akong nanlamig sa narinig ko sa ama ni Cyrus na ngayon ay pinapasadahan ako ng tingin. Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Cyrus at mas lalong humigpit ang hawak niya sa bewang ko.

"Dad!" Pumagitna sa amin ang kuya ni Cyrus na si Kuya Martin.

"Not now dad. Please, not now." Parang nawalan ng gana ang boses ni Cyrus. Nagkibit balikat lang ang ama niya.

"Okay. Let's talk later. Let's eat first. And welcome Althea. Please feel at home hija. I'm sorry for the rudeness." Paumanhin ng ama ni Cyrus.

"Okay lang po." Nakangiting sabi ko sa kanila. Napabuntong hininga naman ang kanyang ina at napaiwas sa uri ng pagtingin niya sa akin.

Inalalayan akong umupo ni Cyrus pero ang pamilya niya ay nakasunod nalang ang tingin sa amin. Bigla tuloy akong hindi mapakali sa pagtitig nila sa akin. God knows kung gaano ako hirap na huminga ngayon dahil nakaramdam ako ng hirap sa paghinga ko. Para akong naiipit sa pamilya na 'to.

"Where's menudo?" Bigla kaming napatingin kay Cyrus na ngayon ay salubong ang kilay at mukhang nawalan ng gana ng makitang walang menudo sa harap ng mesa. He really loves menudo. Mukhang paborito niya pero bakit hindi man lang nila nilutuan ng paborito niya?

Kita kong napailing ang mga kapatid niya at disappointed na tinignan siya. Bigla na naman akong naguluhan. Gulong-gulo ako sa kanila. Mukha silang close na pamilya pero mukhang hindi rin nila makasundo si Cyrus na kagaya ng mga kaibigan niya.

"There's no menudo here. Pick up kung anong nasa harap mo. Wag kang magsayang ng grasya. Ikaw lang ang mawawalan." Parang makahulugan na sabi ni Tyler at tsaka sumulyap sa akin ng seryoso.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon