Fireworks
Hindi ko alam kung nakailang irap ako ngayong araw na 'to dahil sa patuloy na pagtawag sa akin ni Cyrus. Pero ni isa ay wala akong sinagot. Baka wrong dial na naman siya. Seriously? Wrong dial eh halos naka 300 missed calls na siya sa akin. Pinuno niya pa ng text ang cellphone ko pero lahat ng text niya ay iisa lang ang sagot ko.
'Go to hell!'
Napabungisngis ako ng mabasa ko ulit ang reply ko sa kanya. Halos nagkasunod-sunod ang text niya at tinatanong kung nasaan ako. Kung okay lang ba ako. Magrereply na sana ako kaso he threatened me na kung hindi pa ako magreply ay hahalughugin niya ang Pilipinas. Napairap na naman tuloy ako.
As if namang kaya niya. Alam kong mayaman siya pero alam kung hindi niya gagawin 'yon. Gusto niya lang na matakot ako sa kanya para magreply ako. Ha! In his dreams!
Bumalik ako sa mga kaibigan ko. This time ay nasa Sky Ranch kami. May mga nagkanya-kanya at ang mga kasama ko ngayon ay sina Freddie, Kyla, Freya at Harris. Yung mga iba wala na. Suko na. Doon sila sa hindi extreme na rides. Like, ferris wheel, bumpee car and the like. Mga kalalaking tao takot sa extreme rides.
"Wag ka na sumama kasi!" Pamimilit sa akin ni Caleb pero humalakhak lang ako at kumaway sa kanya. Hinila na siya nila Harra at Kosevia kaya wala na siyang nagawa.
"Yey! What's next?" Excited na tanong ni Freya sa amin. Napahawak naman ako sa puson ko. Bigla akong nakaramdam na maiihi na ako.
"Wait. Mauna na kayo. Naiihi ako." Sabay na tinignan ako nung apat at biglang ngumisi.
"Palusot. Wag mong sabihing natatakot ka?" Ngising panunukso sa akin ni Kyla. Napasimangot nalang ako sa kanya.
"Eh anong gusto niyo? Maiihi ako sa kakasigaw? That's gross!" Naghalakhakan sila hanggang sa pinayagan na nila akong umuhi. Tawagan ko nalang daw sila dahil maglilibot na muna sila.
Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas ko ng cr.
Pero halos mapatalon ako ng makita kong nakasandal sa gilid si Cyrus with his two friends!
"Oh my gosh!" Hindi makapaniwalang tinignan ko sila. Ngumisi lang ang mga kaibigan niya habang si Cyrus naman ay salubong ang kilay at mukhang wala pang tulog. Nangingitim ang ilalim na bahagi ng kanyang mata.
"Hi, Althea. Ang ganda mo talaga. Buo na tuloy ang araw ko." Sabi nung isang hindi ko pa alam ang pangalan pero sure akong siya ang isa pang kasama ni Cyrus noon sa bar noong nasalo niya ako.
"Shut up, Brandon!" Singhal sa kanya ni Cyrus. Natatawang nagtaas lang ng kamay 'yong Brandon na parang sumusuko at nakipag-appear sa isang kasama nila na ngayon ko lang nakita.
"Type mo ba si Luke? Stop staring at him." Nagulat ako ng nasa tabi ko na siya. Tinignan ko lang siya ng masama.
Kung makaasta parang walang kasalanan. Ang sarap niyang batukan.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Napasipol naman yung mga kaibigan niya sa pagsusungit ko kay Cyrus.
Wag mong sabihing hinalughog niya talaga ang Pilipinas para hanapin lang ako? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng tignan niya ako sa mata at hinawakan ang kamay ko.
No! Huwag kang marupok, Althea!
"Malamang sinusundan ka." Ismid niya sa akin. Halos masapak ko na talaga siya sa sagot niya.
"Wag mo nga akong sundan! Baka pagkamalan kang boyfriend ko." Ngumisi lang siya sa sinabi ko.
"It's my pleasure then. Ayaw mo nun? I granted your own fantasy." Sa inis ko sa kanya ay iniwan nilagpasan ko siya pero agad niya akong hinigit at hinapit sa bewang.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?