It's imposible yet so posible to believe that Althea is a Del Valle!
Kanina pa pabalik-balik ng lakad si Lindon Michael Del Valle habang malalim ang iniisip. Sinusundan lang siya ng tingin ng kakambal niyang si Michelle Lyn Del Valle at nasa kanyang tabi ang asawa niyang si Chad Guevara.
"Will you please stop walking back and forth?" She snapped. Padabog na umupo si Lindon at natulala na naman.
"For Christ-sake, Lindon! Presence of mind! Malalaman din natin ang totoo!" Marahas na nilingon siya ni Lindon at tinignan ng masama.
"But still! I am one hundred one percent that she's a Del Valle. I know it! I can feel! Ramdam na ramdam kong kadugo natin siya. Naguguluhan lang ako. Sobrang naguguluhan because she's already dead pero ang hirap paniwalaan kapag nakikita ko mismo siya sa harap ko!" Napasabunot siya buhok niya at problemadong na napahilamos siya sa mukha niya.
Ramdam na ramdam nilang pareho na kadugo nila si Althea kaya pinaimbestigahan nila ito. They hired a private investigator to know the truth. Konti palang ang nalalaman nilang impormasyon tungkol sa dalaga.
Pinaimbestigahan nila ang mga Thara-Sy kung saan lumaki si Althea. Malinaw na hindi din anak sa labas si Althea dahil pinakita lahat ng mga medications sa hospital at tugmang-tugma na tunay na magulang niya ang dalawang Thara-Sy.
Pero paano nila ito naging kamukha at ni kahit konting hawig sa mga Thara-Sy ay walang nakuha si Althea mula sa kanila. Isa pang ipinagtataka nila ay ang lakas ng loob nila na kapatid nila si Althea. Malayo ang loob ng mga Del Valle sa mga tao pero ibang-iba ang nararamdaman nila kay Althea ng makita nila ito.
Kadugo nila ito. Yun ang nararamdaman nila.
"Isa lang ang kailangan nating gawin ngayon." Napatingin sila sa mga magulang nila na bagong dating.
"Mom, Dad." Agad na humalik sila sa pisngi ng mga magulang nila.
"DNA test." Sabi ng kanilang ina na tipid lang kung magsalita.
Simula ng mamatay si Xhanna ay umiba na ang ugali ng kanilang ina. She was once a lovely mother and a jolly mother to them. Hanggang ngayon ay apektado parin siya sa pagkawala ng kanilang prinsesa.
She was so depressed back then, to the point that she attended to have a psychiatrist because of her mental problem. Muntik na kasi siyang magpakamatay noon. Pero naayos din kalaunan. Yun nga lang ay mas lalong naging strikto at masungit na ina ito sa kanila.
Wala namang angal ang kambal dahil naiintindihan nila ito. Hindi madaling mawala ng basta-basta ang pagkadepress ng tao. At hindi madali ang naging epekto neto sa kanilang ina.
"I want to see her. Imposibleng buhay siya." Tumingin siya sa asawa niya na tulala na naman.
"Elton?" Tawag ng kanyang asawa.
"I'm sorry, honey. I saw her a while ago and I think she's a Del Valle. S-She looks like me." Wala sa sariling sabi niya.
Nagulat naman ang kambal sa sinabi ng kanilang ama.
"You already saw her dad?" Tumango siya at tinignan ang asawa niya.
"What if she's alive? I can feel that she's our real daughter." Malakas ang kutob na sabi niya sa asawa niya. Umiwas siya ng tingin at tumingin kay Lindon.
"Do you have her birth certificate?" Tanong niya dito. Tumango naman ito at kinuha ang papel na nasa tabi niya lang at ibinigay sa ina niya.
Kinuha niya ito at binasa ng mabuti. Biglang kumabog ang puso niya ng makitang parehong hospital kung saan siya nanganak noon kung saan pinanganak si Althea.
Halos mapasinghap siya ng makita na magkapareho ang oras kung kailan niya pinanganak ang kakambal ni Xhanna na si Xandra.
"H-Hon, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ng kanyang asawa niya ng makita niyang tumulo ang luha niya.
"T-They have the same time and date noong lumabas sa sinapupunan ko si Xandra. B-But, s-she passed away right? D-Diba Elton? D-Diba hawak-hawak ko pa siya sa bisig ko noong wala na siyang b-buhay? I-Imposible n-naman d-diba?" Nanginginig na tanong niya. Agad siyang niyakap ng kanyang asawa at pinatahan.
"Shh, calm down, honey. Ipapa-DNA test natin siya para matahimik na tayong lahat. Kahit na hindi natin alam ang dahilan kung paano nangyari ito. Trust me. I'll do everything. Hahanapin ko si Althea Thara-Sy at kakausapin ang mga magulang niya." Pag-aalo niya dito.
Hindi nagsalita si Thea dahil natulala nalang siya sa papel na hawak niya. Napabuntong hininga nalang ang kanyang asawa.
"Kami ng bahala sa kanya tito." Biglang sabi ni Chad. Inalalayan nila itong ipunta sa kwarto niya at doon nagpahinga.
The following days ay patuloy sila sa pagiimbestiga sa buhay ng dalaga.
Naiwan si Lindon at Elton sa sala habang abala ang iba sa pag-alaga sa kanilang ina. Masinsinang nag-uusap ang dalawa tungkol kay Althea. Ikwinento lahat ni Lindon kung paano sila nagkita ng dalaga at ganun din ito.
"Dad, let's find her. Malakas ang kutob kong may mali sa nangyari noon sa hospital. Wala ba kayong kaaway noon?" Masinsinang tanong ni Lindon sa kanyang ama. Napaisip naman siya at marahan na umiling.
"Wala akong natatandaang nakaaway noon. But you know na may mga taong galit din sa mga Del Valle. Pero..." Bigla siyang natigilan nang may naalala siya.
"Fuck!" Agad niyang kinuha ang cellphone at susi ng kotse niya at tsaka tumayo.
"Dad? What's wrong?" Tanong niya sa kanyang ama na agad sinundan papasok ng kotse.
"I remember that there was this nurse Cabral na nagbanantay noon kay Xhanna at Xandra." Seryosong saad niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital kung saan nanganak ang kanyang asawa.
Mas lalong lumakas naman ang hinala ni Lindon na kapatid niya nga talaga si Althea. He knows that something was wrong from the very start.
"M-Mr. Del Valle." Namumutlang sabi ng isang doktor na kakilala ng kanyang ama.
"Are you busy Mr. Clinton?"
"No. Why?" Kunot noong sagot ng doktor.
"I have something to clarify. Can I talk to you in private?" Tumango ang doktor.
"Sure. Come to my office. Mukhang seryoso ang sadya mo ngayon, Mr. Del Valle." Humalakhak ang doktor pero biglang naging ngiwi ng makita niyang hindi natatawa ang dalawang lalaking kaharap niya.
Nang makarating sila sa office ni Doc. Clinton ay pinaupo niya ang dalawa sa harap niya.
"What is your concern all about, Mr. Del Valle?" Propesyunal na tanong niya rito.
"It's about the twin of my daughter." Tumaas ang kilay ng doktor.
"Xandra Del Valle? Twin of Xhanna? What about her?" Kunot noong tanong niya dito.
"...and Nurse Cabral. I want her here now." Mariing utos niya dito at doon natigilan ang doktor. Bigla siyang natakot sa tono ng pananalita ni Mr. Del Valle.
He knows that no one should mess-up when it comes to Del Valle.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?