Kabanata 24

8 7 0
                                    

Son

"W-What do you mean?" Hindi makapaniwalang tanong niya at hinawakan ang balikat ko.

Tinignan ko siya ng diretso sa mata niya.

"I do have a child, Cyrus." Napabitaw siya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko sa mga mata niya. Nakita ko ang pamumuo ng sakit doon pero para saan? Alam kong hindi niya ako mahal. Sigurado akong nagkakamali lang ako ng nakita.

"N-No. That's not true. You just turned twenty-one yesterday." Natatawang sabi niya pero hindi ako natawa.

Nanatiling malamig ang mga mata ko. Hindi ko din alam kung bakit niya nalaman ang birthday ko.

"And he just turned four years old yesterday. He was born exactly at my birthday. I was 16 when I get pregnant. I was seventeen when I gave birth of him, exactly my birthday." I smiled. Pinunasan ko ang luha ko ng maalala ko si Evanns.

Evanns.

Oo, anak ko siya.

Hinding-hindi ko makakalimutan ng muntik na siyang nawala sa sinapupunan ko noon. Hindi ko mapatawad ang sarili ko na muntik na akong makunan noong araw na 'yon.

"You're lying." Umiiling na sabi niya. Natawa ako sa kanya.

Lying?

"No Cyrus. You lied to me. You used me. You are the one who lied here. I'm telling telling my own secret para quits tayo." Malamig na sabi ko sakanya.

"Who's the father of your child?" Malamig na tanong niya. Kita ko ang nakakuyom na kamao niya.

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

Gusto ko siyang pagtawanan. He's acting as if he really care.

"You're out of it. Besides, I just end up everything between us. So, have a happy life. I'm sure she's not happy to see you like that." Malamig na sabi ko at tsaka ako tumalikod.

Bigla akong natigilan sa paghakbang ng pinaharap niya akong muli sa kanya.

"Last question before you go. How? Do you love the father of your child that much to give up your virginity at that early age?!" Nanggagalaiti niyang tanong at iniwasan kong mapangiwi ng higpitan niya ang hawak sa akin.

I wanted to slap him pero nanlamig ang mga kamay ko at hindi ko nagawang ikilos ang katawan ko.

Biglang nanginig ang kalamnan ko sa tanong na 'yon.

"Tell me? Do you love him?" Tiim bagang na tanong niya sa akin. Malamig na binalikan siya ng mga mata ko.

"I never loved a man as much as I love you, Cyrus." Lumunok ako at ipinagpatuloy ang sasabihin ko.

Tumulo ang luha kong nakatingin sa kanya.

Bigla akong nanginig sa galit at takot.

"I-I was raped, Cyrus." Napaawang ang labi niya at napaatras.

Tuluyan niya akong nabitawan at sunod-sunod ang ginawa niyang pagmumura.

Mandirika sa 'kin.

Pero nooong nabuo ang kahayupang ginawa ng hayop na ama ni Evanns ay hindi sumagi sa isip ko na patayin at ipalaglag ang anak ko.

Yes, I tried to suicide pero bigla akong natigilan at napahawak sa tiyan ko noong time na 'yon.

We live in a cruel world pero kaya ko bang ipagdamot na masilayan niya kung gaano kaganda ang masaya pero magulong mundo? Iniisip ko palang ay hindi ko na kaya.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon