Kabanata 39

4 0 0
                                    

Days after she watched it ay nagpasya siyang kausapin si Cyrus. Nagpaalam lang siyang may bibilhin pero ang sadya niya ay ang puntahan ang binata sa condo unit nito.

Nang makarating siya sa condo ng binata ay nakapasok siya kaagad. Mukhang hindi pa nito pinapalitan ang code. His condo unit code is Evanns birthday. Her lips twitched. Para siyang tangang pinagmamasdan ang gulo-gulong condo ni Cyrus. Nagkalat ang mga bote ng beer na ikinangiwi niya. Napailing nalang siya.

Hindi niya ito iniligpit at diretsong pumunta sa kwarto ng binata. She barged inside his room pero natigilan siya ng makitang halos hubad na itong nakahiga sa kama na natutulog.

Namula ang mukha niya at walang sabi-sabing sumigaw.

"CYRUS! WHY THE HELL ARE YOU NAKED?!" She angrily shouted!

The heck! Ayaw na ayaw niya itong nakahubad na natutulog! Paano nalang kung magkasakit ito?

Cyrus automatically stand up upon hearing her voice. Hindi siya makapaniwalang napatitig sa dalagang nakapamewang sa harap ng kama niya. Miss na miss na niya ito!

God knows na halos ilaan na niya ang oras niya sa pagbabantay sa harap ng bahay nila habang hinihintay nitong labasan siya. Kahit ilang sampal pa ang matanggap niya sa ina nito ay ayos lang. Basta makita at makausap niya lang ito.

He wants to bring her back! He loves her. Mahal na mahal niya ito. Alam niyang mali dahil kakambal niya ang una at dati niyang minahal. He tried to stop his feelings. Sinadya niyang saktan ito sa pamamagitan ng pagpilit niyang maging Xhanna ito para kamuhian siya nito at para hindi mahulog ang dalaga sa kanya pero siya ang sobrang nahulog dito.

Sobra ang pagmamahal niya dito. He doesn't want to compare her with Xhanna pero hindi niya maiwasang maramdaman na mas mahal niya at mas malalim ang nararamdaman niya kay Xandra. Damn it! Hindi siya ganito noon.

"X-Xandra..." Hindi makapaniwalang sambit niya. Pinaningkitan naman siya nito ng mata.

"Get dress we'll talk." Malamig na sabi niya at walang sabi-sabing lumabas siya ng kwarto niya.

Napamura siya at mabilis na nagbihis. Kahit ano na ang nadadampot niyang masuot para lang agad na mahabol ito. Paglabas niya ng kwarto niya ay napangiwi siya at nahihiyang tumingin sa dalaga dahil ngayon lang siya nagsisi kung bakit naglasing siya kagabi pagkatapos siyang ipagtabuyan ng ina nito.

"Clean up your mess and we'll talk. Ayoko ng makalat." This is the real Xandra.

Agad naman siyang sumunod. Shit. Bakit ba mas lalo niyang minamahal ito kahit na anong gawin niya? His feelings for her is really deep. Hindi niya kayang umahon.

Nang matapos siyang maglinis ay kaagad na tumabi siya dito. Pero hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito sa kanya. Para siyang natuod. Hindi siya makagalaw sa bigla.

Fuck! She's hugging him! Hindi siya makapaniwala. Ine-expect niyang magagalit ito, susumbatan at papalayuin pero hindi siya makapaniwalang nakayakap ngayon sa kanya ang babaeng mahal niya.

Kung panaginip lang ito ay sana 'wag na siyang magising. Nakakabakla man pero hindi niya maiwasang mapaluha at sagutin ang mahigpit na yakap nito.

He's been dying to feel this again. To feel her. Kahit anong gawin kasi niya ay pilit silang pinaglalayo ng magulang niya. Lalong-lalo na ang ina nito na nandidiri sa nararamdaman nila sa isa't-isa. Pero pinanganak siyang hindi sumusuko.

Kahit na anong pigil ng magulang nito sa kanya ay hindi siya nagpatinag. Kahit na nabugbog siya noong nakaraang buwan dahil sa pagpupumilit niyang lapitan ang dalaga ay hindi niya ininda. Handa siyang harapin lahat ng hamon basta sa huli ay mapasakanya ang babaeng mahal niya.

Halos araw-araw yatang nagdarasal na sana mapatawad siya nito at kausapin na pero sadyang mabait ang Diyos. Sobra pa ang ibinigay nito sa kahilingan niya. And he's thankful to him.

"I missed you so much, baby. I'm sorry. I'm sorry for all the hurt I did. Please, baby. Give me another chance, please." Puno ng luhang pagsusumamo niya. Rinig niya ang paghikbi ng dalaga na agad na kumalas sa yakap niya.

Malungkot na napatingin ito sa kanya. Parang may pumipisil sa puso niya ng makitang luhaang nakatingin ang malulungkot niyang mata sa kanya.

"Cyrus, hindi pwede." His heart sank habang umiiling ang dalaga.

"X-Xandra please. I still love you, baby. Please. Give chance to us." Lumuluhang pakiusap niya.

Hindi. Hindi niya kayang pakawalan pa ang babaeng nagpapabaliw sa kanya. Para siyang namamatay sa pagtanggi nito.

Malamlam ang matang hinaplos niya ang pisngi nito. Marahil ay nagbakat ang kamay ng ina nito sa paulit-ulit na pagsampal sa kanya.

"Why did you let her scratch your face? B-Bakit hindi ka nalang kasi lumayo? S-Sinasaktan mo lang ang sarili mo!" She sobbed.

Kinabig niya ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit.

"I will bear any kind of pain that they will give me. As long as it's because of you. I will endure it. I don't want to lose you, baby. I'm doing everything for you. I want you back, I want you in my arms again." Naramdaman niya ang paghaplos ng dalaga sa likod niya.

"B-But...Xhenna. This is so hard, Cyrus. Nahihirapan ako sa sitwasyon natin. I love my twin kahit na hindi ko siya nakasama. I respect my twin sister. At hindi ko kayang agawin ka mula sa kanya." Napahigpit ang yakap niya dito.

Muling namuo ang luha niya. She's sacrificing him for the sake of Xhenna. Napabuntong hininga nalang siya.

"Do you know what's Xhenna's last wish for me?" Mabilis na napakalas ito sa kanya.

"W-What do you mean?" Nabibiglang tanong niya.

Hindi maiwasan ni Cyrus ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha ni Xandra na kagalak-galak na pagmasdan. Pigil ang sariling panggigilan niya ito ng halik.

"She wants me to be happy. Whatever happens she wants me to fulfill her dreams." Masuyong pinahid niya ang luha nito at mabilis na hinalikan niya ito sa noo.

"She wants you to be happy, Xandra." Mukha itong natigilan sa sinabi niya at mas lalong naguluhan.

"W-What? W-Why? S-She knows?"

"She left me a note. She said that she saw you infront of the hospital back then. May mga kasama ka daw noon and i think that is your friends. After that you went all to the bar. She said you looked devastated. Lasing na lasing ka daw noon even your friends kaya hindi nila nakitang kinuha ka ni Xhenna. Xhenna knew that she has a twin sister. She checked-in you to a hotel. She even slept with you while she were crying and hugging you pero tulog mantika ka daw." They both chuckled.

Mas lalo niyang niyakap ito ng marinig ang paghagulhol niya.

"She planned to tell you everything that night pero nakita niya sa mukha mo na may problema ka. So that, she just kept it to herself at nagmasid sayo mula sa malayo. Ayaw na niyang dagdagan ang nakikita niyang problema mo. Masaya na siyang nakilala ka. And to her last note. She wished that I should find you and make you love me. Funny to say this but she said that she's seeing you and me having a family someday. At kung dumating man daw ang oras na magtagpo tayo at mahalin ang isat-isa ay 'wag na kitang papakawalan. Even when the whole universe is against us." She cried harder on his chest. Hinaplos-haplos niya ito sa likod niya at marahang pinapatahan.

"I r-remember her." Gulat na napatingin ito sa kanya. "B-But I thought I was just imagining things. She really looks like me." She chuckled while she's crying. She remembered her past with her.

"I thought I'm taking care of myslef inside that hotel room. I even told it to my friends that I have a weird dream and I never thought that it was real. K-Kung alam ko lang." Napahagulhol ulit siya sa dibdib nito.

"E-Eversince she knows about my existence. M-My twin met me in my state of not having a thought that i have someone that i really look like. That I have my twin watching me from a far. Loving me from a far. N-Ni hindi ko man lang siya nakilala." Rinig niya ang paghihirap ng boses nito.

Naninikip ang dibdib niya habang naririnig ang hirap na hikbi nito. Kahit na anong alo niya dito ay hindi niya mapatahan. After she burst out from crying she fell a sleep on his arms wrapped around her.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon