Kabanata 4

29 15 0
                                    

Way

I distance myself. Teka? Distance ba ang tawag doon? Ni hindi ko nga siya nakita ng isang buwan. Aaminin kong gusto ko siyang makita pero nanaig ang pride ko. Sa loob ng isang buwan ay nalaman kong malapit lang pala ang company nila dito at 'yon ang Montarellano Company. He's one of the son of Mr. Edwin and Liza Montarellano.

Pangatlo sa magkakapatid si Cyrus. He's also three years ahead compared to my age. Halos kaedaran ko yata ang bunso nilang si Tyler. Martin were the oldest followed by Zeke and him then Tyler.

"Where's Caleb?" Tanong ko kay Jackson at Lester pagkapasok ko sa condo unit nila. Kumpleto silang lahat dito at si Caleb lang ang wala.

"I don't know. Wala pa siya eh." Kibit balikat na sagot ni Kyla at tsaka ako hinila at binigyan ng isang bote ng alak.

"Akala ko ba magsasabay kayong pumunta dito?" Takang tanong ni Kosevia. Mabilis na umiling ako at tsaka uminom.

"Nauna na ako dito. I thought andito na siya." Kibit balikat na sagot ko sa kanya.

Napatingin naman ako kay Freddie.

"Mukhang hindi ka busy ngayon ah?" Ngising baling niya sa akin. Tumango naman ang mga kaibigan ko.

Wala naman kasing magawa sa shop ko kaya dumiretso nalang ako dito tsaka alam naman ng mga empleyado ko ang gagawin doon. I'm turning 21 but I already know how to handle my business.

"Pinilit ako ni Caleb eh. Ang lakas ng loob magtawag at sabihan na bawal akong ma-late tapos siya naman ngayon ang wala pa." Umiiling na sabi ko sa kanila.

Nagtawanan naman sila at saktong bumukas ang unit ng magkapatid at iniluwa si Caleb na may dalang mga pagkain. Halos maglaway naman ako ng makita kong puro mga gusto kong kainin ang bitbit niya.

"Wow. Hindi kaya malulugi ang restaurant ng mga magulang mo niyan?" Pang-aasar sa kanya ni Freddie.

Natatawang inilapag ni Caleb ang mga pagkain na galing sa restaurant nila habang tuloy sila sa panunukso sa kanya. Naupo siya sa tabi ni Freddie at may ibinulong-bulong na ikinatawa nilang dalawa.

Napalingon naman ako kay Harra na kinalabit ako at pilit na may ipinapakita sa cellphone niya.

"Look oh! You look like her." Nakita ko ang babaeng hanggang balikat ang buhok.

Itim na itim ang kulay ng buhok kumapara sa copper brown blonde na buhok ko. I must admit na kamukha ko nga siya. Maputi ako at morena naman siya. May kaliitan siya, I think she's 5'3? I'm not sure.

"Xhenna Marie Del Valle." Basa ko sa buong pangalan niya.

"How did you know her?" Takang tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya at inilapag ang cellphone niya.

"Kilala ang mga Del Valle siblings dito. Manuod ka naman kasi ng tv minsan." Napairap ako sa kanya at tsaka ako kumuha ng pagkain sa mesang nasa harap namin.

"Ang dami na namang gagawin next week!" Bagsak balikat na sigaw ni Jackson habang tumutungga ng alak.

Iba-iba kasi kami ng trabaho pero naging solid ang pagkakaibigan namin hanggang ngayon. Nakahiligan na din naming gumimik gabi-gabi dahil nakaugalian na namin simula noong nakasama namin ang magkapatid na si Jackson at Lester.

"Tsk. May business meeting din ako next week sa Macau. Mukhang hindi na naman magkakasama ang grupo." Malungkot na sabi ni Harra.

"Ha! Magsama-sama ang mga hindi busy!" Agad kaming lumapit kay Freddie pero tanging kaming dalawa lang ni Caleb ang dumikit sa kanya kaya ibig sabihin ay kaming tatlo ang hindi magiging busy. Natatawang nagkatinginan kaming tatlo at bumalik sa pwesto namin kanina.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon