Kabanata 21

9 7 0
                                    

Take care

Wala na akong mailabas na luha ng makarating ako sa isang parke kung saan ako nagpalipas ng oras. Tahimik na pinagmamasdan ko ang masayang magkasintahan sa harap ko. Halatang mahal na mahal nila ang isat-isa. Napabuntong hininga nalang ako at tsaka ako pumikit.

Ayokong tuluyang mamanhid ang puso ko. Kaya tama na siguro na lumayo muna ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at napatingin sa cellphone ko. Nakita kong nagtext si Caleb. Maya-maya lang ay tumawag na siya.

Nanatiling nakatitig lang ako sa pangalan niya sa screen. Hindi ko maiwasang mapaisip. Kung binigyan ko ba ng chance di Caleb ay masasaktan din kaya ako ng ganito? Bakit nga ba hindi nalang si Caleb ang minahal ko? Bakit ba kasi nawala ang umuusbong na nararamdaman ko noon sa kanya? Pilit kong binabalik pero hindi ko kaya.

I swiped the red button. I'm sorry, Caleb. Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Binuksan ko ang kakarating na text niya.

From Caleb:

Where are you? We need to tell you something. We're waiting for you here.

To Caleb:

I can't. Hindi ako uuwi.

From Caleb:

Where are you? Saan ka matutulog? Umuwi ka na. Wag matigas ang ulo.

Napangiti ako. I'm sorry. Tumayo na ako at dumiretso sa sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nanatiling nasa sasakyan parin ako. Nag-iisip kung saan ako pupunta. Napakagat ako sa labi ko habang inaalala ang bawat araw na magkasama kaming dalawa. Ngumiti ako ng malungkot. Why do I feel na hanggang dito nalang? Nanikip ang dibdib ko at napasabunot ako sa buhok ko.

Suminghap ako at pumikit ng mariin. Gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman ko. Hirap na hirap na ako. Pilit kong inaalis ang nakikita ko kanina pero ang hirap. Sobrang sakit. Ang sakit sakit na. Hindi ko na kaya.

Mabilis na pinaandar ko ang sasakyan ko. Halos businaan ako ng iba sa overspeed ng sasakyan ko. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ulit ang luha ko. Paulit-ulit na napamura ako ng makita kong may mga humahabol sa aking mga pulis. Mas lalo kong binilisan. Wala akong pakialam sa kanila. Narinig kong tumunog ang phone ko.

"Fuck. Althea, calm down! You're all over the news! Anong ginagawa mo!" Galit na sigaw sa akin ni Caleb pagkasagot ko sa tawag. Natawa ako sa kanya.

"What? This is fun." Tuwang-tuwa na sagot ko sa kanya. Mas lalo kong pinabilis ang pagtakbo ng kotse ko.

"Damn it! Damn! ALTHEA! STOP!" Napairap nalang ako sa sigaw niya.

"Shut up, Caleb. Hindi ako mababangga. Patigilin niyo ang mga sumusunod sa aking mga pulis. Ibabangga ko 'tong sasakyan ko." Natatawang sabi ko. Mas lalo siyang napamura at rinig kong may kinausap siya.

"Althea! Ano bang nangyayari? Stop your car please?" Rinig kong parang naiiyak na sabi ni Freya. I just rolled my eyes.

"Hayaan niyo na ako." Malamig na sabi ko sa kanila at tsaka ko pinatay ang tawag. Napatingin ako sa gilid ko at kita kong wala na ang sumusunod sa aking mga pulis pati mga taga media.

Ipinark ko ang kotse ko sa isang bar. Pagkalabas ko ay agad akong naglakad papasok. Dumiretso ako sa bar counter at nagorder ng drinks ko.

Tulalang pinapunod ko siya habang nagmimix siya ng drinks. Agad niya namang ibinigay sa akin ng matapos siya. Pagkatungga ko ng inumin ko ay naging sunod-sunod ang inom ko. Wala akong pakialam kung masobrahan ko ang kalasingan ko.

Gusto kong makalimutan itong sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nalang mamanhid sa sakit. Gusto kong mamanhid sa lahat. Pero hindi ko magawa. I'm still that weak but a brave girl outside.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon