Kabanata 7

18 14 0
                                    

Annoyed

After that conversation ay nagpaalam na akong umalis. Halos mapairap pa ako ng hindi man lang niya ako hinatid palabas. Hinayaan niya lang akong magbyahe mag-isa. Sa inis ko ay hindi na ako pumasok sa trabaho ko. Sumama nalang ako sa mga kaibigan ko na gumala. Nagpaalam din ako sa mga kasama ko na hindi muna ako papasok at baka matatagalan ang pagbalik ko sa trabaho.

I just feel that I need time. Tsaka sa ganitong kagulo na pag-iisip ko ay ayoko pang umuwi sa amin. Alam ko namang hindi magiging maganda ang kakahantungan kapag umuwi ako. Pero hindi ko din maiwasan dahil namimiss ko na din ang lugar kung saan ako lumaki.

Nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa Tagaytay. We decided to camp kaya nagdala kami ng sari-sarili naming tent. Tinulungan ako ni Freddie at Caleb sa pagtatayo ng tent ko at hinayaan akong makipagkwentuhan kina Freya.

"Naalala niyo noong college tayo? Kunyaring may assignments tayo pero ang totoo ay gumagala tayo kung saan-saan?" Naghagalpakan kami ng tawa.

Remembering those days that we are enjoying while studying. Hindi kami yung tipong barkada na walang alam at bobo. Gumagala kami pero sinisigurado namin na naipapasa namin lahat ng exams at sinisigurado naming may rangko kami para hindi kami ikahiya ng mga magulang namin.

Halos kaming mga barkada lang din ang mga active noon sa mga activities sa school kaya mas lalong naging solid ang pagsasamahan namin.

Pero meron din 'yong time na hindi ko sila nakasama ng isang taon kaya mas naunang nag-graduate yung iba kaysa sa akin. Pero atleast naka-graduate kaming lahat at may trabaho na.

"Pagkarating ko nga sa bahay nun halos ilagay na ni mama yung mga damit ko sa maleta. Mas marami pa daw akong oras sa barkada kesa sa pamilya." Natatawang sabi ni Lester.

"Tignan niyo nga naman. Hanggang ngayon tayo parin ang magkakasama. Kahit gurang na ang iba diyan." Pagpaparinig ni Caleb sa mga senior na friends namin noon sa college na sina Freya, Harris, Freddie, Harra, Kosevia at Kyla.

Ineexpect ko na na makakatanggap siya ng batok kaya hindi na din ako nagpahuli at binatukan ko rin siya.

"Aba! Even you?" Naniningkit ang matang akusa niya sa akin. I just stick my tongue out of him.

"Magiging gurang ka din pagdating ng araw. Hindi palagi na kayo ang bata dito. Baka mamaya nga ay may anak na ang isa sa inyo." Pang-aasar ni Freddie. Natawa naman si Caleb at inakbayan niya ako.

"Malay mo din. Baka kami talaga ni Althea ang para sa isat-isa at mauuna pa kaming ikasal sayo." Naiiling na siniko ko naman siya.

"Kung ano-anong sinasabi mo diyan." Pambabara ko sa kanya. Napahawak naman siya sa bandang puso niya na parang nasasaktan siya.

"Oh diba nabasag ka? Hay naku. Kahit kapogian mo hinding-hindi uubra sa kanya. Sa dami ng lalaking naghahabol sayo Althea. Wala pa kaming nakitang nakakalapit sayo ng husto. Sayang naman kung tomboy ka." Halos humagalpak naman ng tawa ang iba kasama si Caleb.

Alam ko namang hinaharangan ni Caleb ang mga nagtatangkang maniligaw sa akin kaya hanggang padala nalang sila.

"Wow, Caleb ah." Sarcastic na sabi ko. Mas lalo naman silang natawa dahil alam na alam nila ang nangyayari. Ako nga ang huling nakaalam eh.

"Sayang. Naging kami sana noon ni Greg kung hindi dahil sa Caleb na 'to!" Inis na hinila ko ang tenga niya. Malakas na napadaing naman siya.

"Hindi ka pwede sa kanya! Fuck boy 'yong lokong 'yon. Mas bagay ka sa akin. Dadagdagan natin ang mga magaganda't gwapo sa mundo." Halos mapasapo ako ng mukha ko sa mga pinagsasabi niya.

Napuno ng asaran at kulitan ang naging araw namin. Nang maggabi ay tinulungan namin ang mga boys na mag-ihaw.

"Althea, try mo 'to. Favorite mo 'tong barbecue na 'to." Mabilis na lumapit ako kay Caleb at napangiti ng makita ko ang hawak niya. Mabilis ko itong kinuha at kinagatan. Nanlaki ang mga mata ko sa sarap.

"Ang sarap! Meron pa ba?" Tanong ko. Humagalpak siya ng tawa.

"I knew it!" Tatawa-tawang sabi niya at may inilabas ulit na tupperware na naglalaman ng madaming barbecue.

"I know your favorites. Tsaka sabi ni mommy na kung hindi ka busy ay pumunta ka lang sa bahay. Ipagluluto ka niya ng favorite mong ulam." Kumindat siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at pinanuod ko siyang mag-ihaw habang kumakain ng barbecue.

Nakiagaw pa sa amin si Kyla kaya binigay ko sa kanya ang isang stick.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Caleb. Bigla akong napaisip. Kung hindi ko lang talaga kaibigan si Caleb ay siguradong boyfriend ko na siya ngayon. He really knows me well pero may mga bagay siyang hindi nalaman sa isang taon na nawalay ako sa kanya.

Aaminin kong na-inlove ako sa kanya noon pero mas nanaig sa akin ang pagiging pagkaibigan namin. Ayokong mapunta sa wala ang iningatan naming relasyon namin.

Handa na akong aminin sa kanya ang nararamdaman ko noon pero sa hindi inaasahang nangyari ay isang taon akong nawala. Isang taon akong nagtago mula sa kaibigan ko dahil gusto kong sarilinin ang problemang kinakaharap ko.

Doon ko napatunayan na hindi ako ang babaeng para kay Caleb. Alam kong may dadating din na deserve niya. Yung masusuklian ang pagmamahal na hindi ko naibigay sa kanya.

At ayokong sirain ang mayroon kami ngayon. Tsaka sigurado akong hanggang kaibigan nalang ang tingin ko sa kanya. Dahil kung hindi ay ipinaglalaban ko na ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon.

Caleb is a good guy. He's my protector. He's like a brother to me. Halos prinotektahan niya ako sa lahat kaya sa lahat ng kaibigan ko ay siya ang pinaka-close ko. Sunod si Freddie at Kyla.

Kumpara sa naramdaman ko noong kay Caleb ay mas malalim at grabe ang pagkagusto ko kay Cyrus. Pero hindi ko gagawing tanga ang sarili ko pagdating sa pag-ibig. Alam ko kung kailan ako lalayo, magpapahinga at susuko.

Because if you truly love that person. You need to love yourself first before others. Because if you love them more that yourself, it means you're using your mind over your heart.

Remember that those two are complicated to undertand but you need to chose them both for deciding. You will not contented if there are some doubts of the desicion you've made.

Sabay-sabay kaming kumain na magkakaibigan. Sa kalagitnaan ng kainan ay biglang tumunog ang phone ko. Unregistered number ang tumatawag. Hindi ko sinagot noong una pero ng sunod-sunod na nagring ang phone ko ay nagexcuse na ako sa mga kaibigan ko para sagutin ang tawag.

"Yes hello?" Sagot ko sa kabilang linya. Halos paghinga lang ng nasa kabilang linya ang naririnig ko.

"X-Xhenna..." Kumunot ang noo ko. Wrong number?

But why do I feel hurt about that? Napahawak ako sa dibdib ko. My heart just flinched upon hearing that name.

"You dialled a wrong number. I'm not Xhenna. Bye." Agad kong pinatay ang tawag at bumalik na sa upuan ko. Pagkaupo ko ay tumunog na naman ang phone ko dahil may nagtext.

"Oy ano yan? May boyfriend ka na yata ah?" Tukso sa akin ni Jackson. Seryosong tumingin naman sa akin si Caleb. Inilingan ko lang sila.

I'm sorry. Save my number.
-Cyrus

Hindi ko alam pero biglang umakyat ang dugo ko sa inis sa kanya. How dare him? Na-wrong dial pa talaga siya sa akin?! Psh. Magsama sila ng babae niya. Wag niya lang akong matawag-tawagan dahil hindi ko talaga sasagutin.

"Ano?!" Inis na sagot ko ng phone sa kalagitnaan ng gabi sa pagtawag niya. Okay fine. Naaksidente kong nasagot. Tsk. Sinong niloko ko?

"Where are you? I went to your shop pero naka-leave ka daw." Mahinahong sabi niya. Halos mapairap naman ako.

"Under the sun and probably this night without the sun but under the moon." I sarcastically said.

"Pwede ba? It's already midnight. Ayokong naiistorbo." Singhal ko at tsaka ko pinatay ang tawag.

Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko makalimutan na nawrong dial siya at number ko pa talaga! I'm really annoyed!

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon