Monster
Patakip silim na ng makarating ako sa kinalakihan kong bahay. Tiningala ko ang isang malaking konrkretong bahay ngayon sa harap ko na napapalibutan ng mga itim na sasakyan. Biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko.
Tumulo ang luha ko. I'm back.
Para akong muling nakulong sa isang madilim na buhay ko na ayoko ng balikan pero binalikan ko parin. Muli akong binalot sa dilim at humahanap ng butas para makatakas.
Huminga ako ng malalim at tsaka ko napagpasyahang pumasok. Nakangising mukha ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa loob.
"I was expecting you to go home and do the transactions. Mabuti naman at naisipan mo pang bumalik?" Itinaas niya ang mukha ko at ikinulong ang pisngi ko sa isang kamay niya.
Napangiwi ako sa sakit.
"Now thay you're back. Hinding-hindi ka na makakatakas pa sa pamamahay na 'to. Naintindihan mo ba?!" Galit na singhal ng ama ko at mas lalong diniinan ang mga kuko sa pisngi ko.
"Y-Yes, papa." Malamig na sabi ko sa kanya. Napangisi siya at tsaka patulak na binitawan ang pisngi kong alam kong ngayon ay pulang-pula.
"We have another transaction tomorrow night. I will assign you to be the one who will close the deal. Make sure that you'll get the money and kill him after that." Malademonyong ngumisi siya.
Kumuyom ang kamao ko at tsaka ako napalunok. Nanginig ang buong katawan ko sa utos na 'yon.
This is my life. I'm letting then control my life. Alam kong masama pero sa ganitong klaseng buhay ako lumaki.
Hindi parin siya nagbabago. Napakawalang puso niya. Isa siyang demonyo. Pera at kapangyarihan ang importante sa kanya.
Napatiim bagang ako ng maramdaman kong dumapo ang palad niya sa pisngi ko.
"That's my greetings. Welcome back." Natawa siya ng malademonyo at tsaka siya umakyat sa taas ng bahay.
Hindi ko maiwasang mapaupo. Tinakpan ko ang bibig ko para iwasang mapahikbi. Alam ng Diyos na hindi ko kayang pumatay pero anong magagawa ko?
Kailangan kong magsunod-sunuran sa halimaw na ama ko para mailigtas ang anak ko mula sa kamay niya. Mabuti nalang at hindi niya alam na may anak ako pero madami siyang mautak na tauhan para maipaimbestiga niya ako. Kung anong naging buhay ko sa Manila.
Hindi ko alam pero nagpapasalamat ako na natapos na ang lahat sa amin ni Cyrus. Dahil ayokong madamay siya sa gulo ng buhay ko. Mabuti na sigurong hindi niya ako mahal para hindi siya makialam sa mga pinaggagagawa ko.
Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay muling bumalot sa akin ang lamig na nararamdaman ko kanina ng makita ko ang mga baril sa nakasabit sa dingding at gloves na laging ipinapasuot sa akin kapag may gagawin kaming transaction noon ng mga tauhan niya.
Ano kayang magiging reaksyon ng mga tao kapag ang tinitingala at minamahal nilang Mayor Erwin Thara-Sy ay isa lamang panlabas anyo ng ama ko?
Mabait siya sa mga tao pero kabaliktaran ang totoong ugali niya. Isa siyang demonyo. Halimaw na nagtatago sa mabait na anyo para sa kapangyarihan at pera.
Mahirap patumbahin ang isang Erwin Thara-Sy. Isa siya sa pinakamalakas na Mafia leader sa Pilipinas.
He do the illegal transactions with other countries during midnight para masiguradong safe ang magiging deal nila ng mga kliyente niya. Sa lahat ng nagtatangkang magsumbong sa kasamaan niya bilang Mafia leader ay nauunahan niya ang mga ito at inuunang patayin bago magsumbong kaya 'yon ang hirap na hirap akong gawin.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?