Kabanata 26

7 4 0
                                    

Ghost of the Past

Isang malakas na sampal ang muling dumapo sa pisngi ko pero nanatiling walang reaksyon ang mukha ko. Siguro ay nasasanay na akong imbes na bati ang isasalubong ng mga magulang ko sa akin ay iba. Isang malakas na sampal at mura dahil sa muntik na naman kaming pumalpak sa misyon.

"Muntik na naman kayong mahuli! Ano bang katangahan ang pumapasok sa isip niyo ha?!" Malakas at galit na singhal niya sa harapan ko.

Mabilis na ibinaling ko sa mga kasama ko ang tingin ko upang paalisin sila pero hindi pumayag si papa.

"Walang aalis sa harap ko! You!" Nanggagalaiti niyang duro sa mukha ko.

Pulang-pula ang mukha niya sa sobrang galit sa akin pero wala akong pakialam kung magalit man siya ng husto. Hindi din ako makaramdam ng takot dahil inalis ko 'yon simula ng tumapak ako sa pamamahay na 'to.

"Simula ng dumating ka dito nagkanda-letse-letse na ang mga plano ko! May plinaplano ka bang pabagsakin ako ha, Althea?" Gusto kong mapangisi sa bintang niya. Pero kunyaring wala akong alam.

"N-No, Papa. Hindi ko 'yan magagawa. Sadyang marami lang tauhan ang mga kabilang panig kaya kami nahihirapang kalabanin sila." Kunyaring takot na sabi ko sa kanya. Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin at marahas na hinuli ang mukha ko. Gusto kong mapangiwi pero hinayaan ko lang siya.

"Kapag nalaman kong may plinaplano kang hindi maganda, humanda ka sakin, Althea." Madiin na pinisil niya ang pisngi ko.

"Erwin! Ano na namang ginagawa mo sa anak mo?" Gulat na sabi ni mama na kadadating lang. Mabilis na dumalo siya sa harap namin at iniharang ang katawan niya sa harap ko.

"Calm down yourself. 'Wag mong pagbuntunan ng galit ang anak mo." Malamig na sabi ni mama sa kanya. Napatingin naman ako sa likod niya.

Gusto kong yakapin si mama dahil ito ang lagi niyang ginagawa noon. Lagi niya akong pinagtatanggol kay papa kapag sinasaktan niya ako. Lagi siyang haharang sa harap ko at papakalmahin si papa. Alam kong sobra ang pagmamahal ni papa sa kanya dahil walang kapawis-pawis na napapasunod siya sa gusto ni mama.

"Wag kang makialam dito, Linda! Kinakampihan mo na naman 'yang tanga-tangang anak mo! Puro kapalpakan ang alam!" Pinaikot ko ang mata ko at tinignan ng masama si Erick.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Siya ang may kasalanan kung bakit muntik na kaming mahuli. Gustong-gusto ko siyang sapakin ngayon dahil sa kayabangan niya. Muntik na talaga kaming mahuli kanina ng mga pulis at mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko. Kitang-kita ko pa kung paano malaglag ang balikat niya nung hindi nagtagumpay ang pulis na huliin kami.

Hindi ko alam kung bakit masungit sa akin si Erick pero magaan naman ang loob ko sa kanya. Lagi kaming nagkakasumbatan na dalawa dahil magkasalungat ang mga desisyon naming pareho sa isat-isa. Para kaming aso't-pusa kung mag-away.

"Thank you, ma." Sabi ko sa kanya pagkatapos akong bungangaan ng ama ko.

Nanatiling malamig ang mata niyang nakatingin sa akin. Kaming dalawa nalang ang naiwan dito.

"Umakyat ka na sa kwarto mo." Umiwas siya ng tingin at nilagpasan ako. Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Where are you going?" Tanong ko sa kanya. "Can I come with you?"

Mabilis na lumingon siya sa akin.

"Magbihis ka." Tipid na sagot niya. Napangiti naman ako at mabilis na pumunta sa kwarto ko.

Nang matapos akong magbihis ay nakita ko si mama na nakaupo sa sala at hawak ang cellphone niya. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at lumabas.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon