Donor
It's all clear to her. Naging malinaw ang lahat sa kanya simula noong lumabas siya ng hospital at ipinaliwanag ang lahat sa kanya. Gusto niyang magalit sa taong kumuha sa kanya. All along ay Del Valle pala siya. Lumaki siya sa poder ng mga Thara-Sy pero kahit gaano kasakim ang dating ama niya ay minahal niya ito bilang isang totoong magulang.
Napahigpit ang hawak niya sa kamay ng kapatid niya ng marinig na tinawag ang kinalakihang magulang niya. Hindi man niya ito makita ay naririnig niya ang mga boses sa paligid niya.
"A-Althea... Oh my God. It's really you!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Linda ng makita niya itong nakaupo sa visiting area. Tahimik na sumunod sa kanya ang kanyang asawang si Erwin.
Naluluhang yumakap siya sa dalaga at parang baliw na tinignan ito mula sa ulo hanggang paa at tinitignan kung may mga galos ba siya.
"H-Hintayin mo kaming makalabas dito, Althea. We'll fix this. Magpapakalayo tayo anak." Hinaplos-haplos niya ang mukha nito at napansin naman ni Lindon na hindi komportable ang kapatid niya kaya tumikhim siya.
Nakuha naman kaagad niya ang atensyon ng babae at matalim na sumulyap sa kanya.
"Bakit ka nandito? Hinding-hindi niyo makukuha sa akin ang anak ko. Babawiin ko siya!" Parang baliw na asik niya dito.
Napabuntong hininga ang kanyang asawa at pinakalma ito. Mula ng pumasok sila dito sa selda ay nag-iba ang ugali ng kanyang asawa. Naging praning ito sa paligid at laging bukambibig si Althea.
"That's enough, Linda."
"No! She's our daughter! Ilalayo nila ang anak natin, Erwin! Hindi ako papayag! Anak ko siya! Hindi siya Del Valle!" Marahas na lumingon siya kay Xandra na ngayon ay diretso lang ang tingin na lagpas sa kaharap nilang dalawa.
"Mama, Papa." Inangat niya ang kamay niya sa lamesa at kinapa ang mga kamay nila. Kumunot ang noo ng mag-asawa sa ginagawa niya. Hindi nahirapang kumapa si Althea sa mga kamay nila dahil tinulungan siya ng kapatid niya.
"What.... W-What happened..." Huminga ng malalim si Lindon at makahulugang tumingin sa dalawa.
"She's blind." Pati si Lindon ay hindi parin tanggap ang nangyari sa kapatid.
Nagiging sensitibo siya sa nararamdaman din ng kapatid niya dahil maski ito ay hindi tanggap ang naging kalagayan niya. Saksi siya sa paghihirap na pakiusapan ang doktor na ibalik ang paningin niya at gawin lahat para bumalik siya sa dati pero walang nagawa ang doktor. May mga willing magdonate ng mata pero hindi nagkakamatch sa kanya kaya nahihirapan silang makitang araw-araw na nakikiusap sa kanila ang kapatid niya.
Napasinghap ang mag-asawa sa narinig at pinisil ang kamay ng dalaga. Nagulat si Althea ng marinig ang baritonong hikbi na ngayon niya lang ulit narinig.
"P-Patawarin mo ako, anak. This is my fault. Kasalanan ko 'to. Naging masama akong ama sayo. I-I'm sorry." Isinubsob niya ang mukha niya sa hawak niyang kamay ni Althea.
Halos manikip naman ang dibdib niya ng marinig ang hikbi nito. Pati siya ay napaluha narin sa naririnig niya na paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.
"Stop crying, Papa. Alam kong kinain lang kayo ng kapangyarihan but I understand you now. And I just wanna say thank you for taking care of me sa dami ng nangyari. You stood as my parents noong hindi ko pa nakikilala ang totoong pamilya ko. I'm sorry kung kailangan pang umabot sa ganito. This is the right thing to do and I hope you will understand my side. Ayokong mas lalong mapahamak pa kayo, Mama, Papa. Patawarin niyo rin ako." Tumulo ang luha niya habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ng dating mgamagulang niya.
"A-Anak..." Napahigpit ang hawak ni Linda sa kamay niya at mukhang ayaw ng pakawalan pa.
"Ma, I love you both. Pero kailangan din ako ng pamilya ko at kailangan ko pa silang makilala." She tried to explain pero mukhang mas lalong nataranta si Linda.
"No, no, no! Dito ka lang! You're my daughter! Niloloko lang nila tayo, Althea!" Napabuntong hininga ang kanyang asawa at tinanguan ang tagabantay na ilayo muna ito.
"Wait, anong ginagawa niyo sa kanya?" Tarantang tanong niya ng marinig ang pagpupumiglas ng kanyang ina. Huminga ng malalim si Erwin at tinignan ang asawa niya na papalayo na tuloy parin sa pagpumiglas.
"She's suffering from depression. Hanggang ngayon hindi niya parin matanggap. This is hard for us to accept the fact na hindi ka talaga namin anak." Hindi maiwasan ni Lindon na pagmasdan ang kapatid niya na naluluhang nakatingin sa kawalan.
"Papa..." Tumayo ang dating ama niya pero hindi siya hinayaan ng mga pulis na makalapit ito sa kanya. Lindon motioned them to let him kaya pinayagan nila itong lumapit.
He immediately hugged her na ikinagulat ni Xandra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nayakap siya nito na matagal na niyang inaasam.
"I'm so sorry for everything. Ginusto kong mapaganda ang buhay niyo kaya ko ginawa 'yon. I wanted you to have a life that you will not suffer from any problem but it turned out to be the wrong side of my decision. Patawarin mo ako." She sobbed and hug him tighter.
Akala niya ay ginawa niya 'yon dahil sa perang natatanggap niya pero dahil pala ito sa kanya. Gusto lang niya itong bigyan ng buhay na hindi siya maghihirap pero sa maling paraan niya nga lang ito ginawa. This is her fault. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi magagawa ng kinilala niyang ama ang maging marahas sa pera.
"I'm sorry too, Papa. I'll talk to dad para makalabas ka dito. This is my fault." Mabilis na kumalas sa yakap ang papa niya at pinatahan ito dahil nagsimula na itong umiyak sa harapan niya.
"No. You will not do that. Let us pay our consequences that we've made. This is not your fault. You know..." Hinaplos niya ang mukha nito at pinunasan ang luhang muling naglandas sa pisngi niya.
"Hindi ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko. I tried my best to be the father of yours. You were the best gift that we received after our real daughter died. Thank you for letting us to be your parents. And it's time to let you go even though it's hard for us to let you with your family. They are better than us. Ibibigay nila ang pagmamahal na hindi ko naibigay noong nasa poder kita."
Napapikit siya ng mariin at napahigpit ang hawak sa kamay ng Papa niya. Hindi niya maiwasang mapahikbi at napayakap nalang ulit sa kanya.
"You're still my father. I loved you as my father and still loving you for the rest of my life." He smiled at her and kissed her hair.
"You're still my baby also. Althea and you will remain in my life. I love you." Nakangiting tumingala siya at hinaplos ang mukha ng ama niya.
"Daddy will be jealous of you." Naiiling na sabi ni Lindon kay Erwin. He just glared him at inirapan ito.
Hanggang ngayon ay hindi parin sila magkasundo kahit na in good terms na sila sa harap niya.
Ilang saglit lang ay nagpaalam na silang magkapatid at tuluyan na silang umalis sa kulungan.
Pinagmasdan siya ng kanyang kapatid na ngayon ay mukhang malungkot. Tinitigan niya itong maigi at walang sablay ang pagiging Del Valle sa kanya dahil kuhang-kuha niya lahat ito.
"Are you okay?" Tanong niya rito. Tipid na napangiti lang siya at kinapa ang mukha ng kapatid niya.
"If only I can see you...but i can't." Biglang nangilid ang luha niya kaya nataranta si Lindon at biglang niyakap ito.
"Shh. Don't cry. Makakakita ka din. We'll never stop looking for a donor, okay?"
"I want to see my son. Gusto kong bumawi sa anak ko pero bakit nangyayari sa akin 'to?"
"Shh. Don't worry too much, I promise that we'll never stop looking for your donor." Pag-aalo niya sa kapatid na mas lalong napaiyak.
'Oh God. I hope everything will be okay soon for my sister.' He whisper.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?