Pinagmasdan ng maigi ni Lindon ang kanyang kapatid na hanggang ngayon ay wala paring sign kung magigising siya o hindi. Xandra is still unconscious.
Napalingon siya sa pamangkin niya na hindi nagsasalita pero nanatiling nakatitig sa kapatid niya. Alam niyang taimtim itong nagdadasal. Napabuntong hininga nalang siya ng makitang namamasa ulit ang mata niya.
Naging mas mailap sa kanila ang bata ng dahil sa kanyang ina. Hanggang ngayon ay hindi niya parin tanggap ang bata. Lagi niyang sinasabi na pabigat ito sa kanyang ina. Hindi nagsasalita ang bata at nagpanggap na walang naririnig pero alam nilang naririnig niya ito. Madalas rin silang mag-away ng asawa niya dahil sa ugali ng kanyang ina. Kahit ilang beses niyang pagsabihan ang kanyang ina ay hindi parin ito nagbabago.
Napatingin siya sa bagong pasok na si Cyrus na may dalang mga gamit ng bata at pagkain para sa kanila. Pawis na pawis itong dumating at hindi man lang nagpahinga at inasikaso kaagad ang bata. Nakita niyang hinaplos muna niya ang buhok ng dalaga bago niya binuhat si Evanns. Kunot noong sinundan niya lang ito ng tingin at pati ang kapatid niya.
Hindi niya gusto ang hinala niya. Matagal na niyang napapansin ang paraan ng pagtingin niya sa kapatid niya. Alam niyang pati ang pamilya nila ay napapansin 'yon. Tahimik lang silang nagmamasid sa kilos ni Cyrus. Gusto nilang siya ang magkwento ng lahat kung paano sila nagkakilala ni Xandra. They are all just waiting for him to tell what's the score between them.
"Evanns, do you want to come with me?" Tanong ni Lindon sa kanya ng makita niya itong tapos ng kumain.
Hindi sumagot si Evanns. Bagkus ay bumalik ito sa tabi ni Althea o simula ngayon ay si Xandra na dahil nilalakad na nila ang papel ni Althea para ayusin ang lahat. Tanging ang paggising nalang niya ang hinihintay nilang lahat.
"Lindon." Naramdaman niyang tinapik siya sa balikat ni Cyrus. Walang emosyon ang mga mata nito kaya hindi na bago ito sa kanya.
"Evanns is really fond of your presence more than us." Taas kilay na sabi niya sa lalaking nasa harap niya.
Nakita niya ang pagbagsak ng balikat ni Cyrus at tipid na ngumiti at napatingin sa kapatid niyang nakahiga sa hospital bed.
"Not really. He doesn't like me either." Bumalik ang tingin niya kay Evanns na may ibinubulong sa kapatid niya kahit na wala itong malay.
"That kid. He preferred to be with Caleb." Sa lamig ng boses ni Cyrus ay hindi niya mahulaan ang emosyon nito.
Caleb? He remembers. Siya ang pumunta dito noong isang araw at kasama ang mga kaibigan nila ng kapatid niya. Kita niya ang pagluha ng mga ito ng makita nila ang kalagayan ni Xandra at hindi pa man niya kilala ang mga ito ay ramdam niyang mahal nila ang kapatid niya.
"Caleb is a good friend of Xandra." Mahinahong sabi niya at tsaka lumapit sa nakahigang Xandra at pinagmasdan ang maamong mukha nito.
He's been excited to be with her sister kapag nagising ito. He promised to himself na hinding-hindi niya ito papabayaan at pagbabayaran ng mga Thara-Sy o kahit na sinumang mga tao na naglayo sa kapatid niya mula sa kanila. Hindi sapat na rason ang binigay nila para lang kuhanin ang kapatid niya mula sa kanila.
"I like Caleb for my sister. I can see that he will take good care of her. Kampante akong siya ang makakatuluyan ng kapatid ko." Diretsang tinitigan ni Lindon si Cyrus na natigilan at kumuyom ang kamao.
Inobserbahan niya ang reaksyon ng binata at hindi nga siya nagkamali. Lalaki siya. At alam niya kung may gusto ang isang lalaki sa babae base sa pinapakita nilang emosyon.
"Xandra will be the one to decide about that." Mababang boses na sabi ni Cyrus sa kanya na para bang nagpipigil ng emosyon.
Ngumisi lang si Lindon sa kanya at humalukipkip. Hindi siya tanga para hindi makita ang emosyon na itinatago nito.
He doesn't like Cyrus for his sister. Hindi pwede. Hindi siya papayag.
"What do you think? She resembles her twin, right? She looks like Xhanna but I never saw her as her twin. Xhanna is Xhanna and Xandra is Xandra." Makahulugang bitaw ang binigkas ng bibig ni Lindon at doon nagsukatan ang tingin nilang dalawa.
Nakaramdam ng inis si Lindon dahil ramdam niyang may pinapahiwatig ito sa kanya. It's like he's telling that he sees Xandra at Xhanna but that was before!
Not until he finally recognized his feelings about her. Oo nakikita niya si Xhanna sa kanya at minahal niya ito dahil sa nangungulila siya sa dating nobya. Pero natuto niya itong mahalin bilang si Xandra. Nakasanayan niya lang na laging ginagawa ang alaala ni Xhanna sa kanila noon pero nagbago yun ng dahil kay Xandra.
Alam niyang mali na mahalin ang dalaga. He loved Xhanna but now, he loves more about Xandra's existence.
Xandra is the type of woman na hindi natatakot na protektahan ang mga tao sa paligid niya. She's been brave for the rest of her life. Ayaw niyang nasasaktan ang mga taong nakapalibot sa kanya. Mas gusto nalang niyang kimkimin ang problema niya kesa ang idamay ang ibang tao.
But what he admire the most is, she's been a good mother to his son.
Hindi 'yon ang tingin ni Xandra sa sarili niya pero 'yon ang tingin niya sa kanya. Pati si Evanns na anak niya. Hindi ito nagkulang sa pag-aalaga at pagprotekta sa anak niya. She never treat her son as her mistakes.
"Patay na si Xhanna, Cyrus. Habang mas maaga pa, stop your feelings for her." Nag-igting ang mga panga ni Cyrus.
He knows this. Alam niyang darating sila sa puntong ito.
"'Wag na 'wag mong sisirain ang pagkakaibigan nating dalawa na binuo ni Xhanna ng dahil lang sa pagmamahal mo sa kakambal niya, na kapatid ko." Para siyang napako sa kinatatayuan niya at hindi nakapagsalita.
Lumapit sa kanya si Lindon at tinapik ito sa balikat.
"It's all about our friendship or your selfishness. Don't ruin our friendship just because of what you are feeling towards Xandra. Alam kong importante parin sayo si Xhanna." Naging mas malungkot ang tinig ni Lindon at tinignan siya ng madiin.
"But please, don't forget what we promised to her. Na hinding-hindi natin sisirain ang pagkakaibigan natin. Ito lang ang natitira at kahuli-huliang pangako natin kay Xhanna na 'wag sana nating sirain." Natulala nalang si Cyrus at parang plakang nagpaulit-ulit ang kahuli-huliang hiling ni Xhanna para sa kanilang dalawa.
"Let's make a promise."
"What is it?"
"Mangako kang 'wag na 'wag magbabago ang pagkakaibigan niyo ni kuya. You're both important to me at ayaw kong masisira ang relasyon niyo pagdating ng araw. Kaya promise me, okay? Pero kapag nasira ang friendship niyo, ibig sabihin kinalimutan niyo na din akong dalawa."
"Hinding-hindi 'yon mangyayari. Okay. I promise not to ruin our friendship over a stupid reason. Hinding-hindi 'yon mangyayari."
Halos mapaupo siya at napasapo sa noo ng maalala niya 'yon. Xandra's smiling face suddenly appear into his mind. Her sweet voice calling his name.
"Damn." Mahinang mura niya at mabilis na lumabas sa silid na nagtatakang tingin ang ipinukol ni Evanns sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?