Wait
The door of my shop chimes. Hindi ko maiangat ang tingin ko sa bisitang pumasok. Nakaconcentrate lang akong ginuguhit ang isang pang batang suit. Napapangiti akong ginuguhitan ng design. Narinig kong nagtilian ang mga kasama ko dito sa loob. Bahagya ko silang tinignan at mukhang naiihi sila sa kakatili nila.
What is their problem?
Wala sa sarili akong napalingon sa tinitilian. Halos malaglag ang panga ko ng makitang nandito ngayon ang isa sa mga pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. I've heard a lot about him and how he's good in bed... Wait shit. What am I saying?
"It's true. She really looks like her." Wala sa sariling sabi niya. Kumunot naman ang noo ko at tsaka ako tumayo.
"Looks who?" Naguguluhang tanong ko sa kanya na agad na nagpagulat sa kanya at mabilis na umiling. Ngumiti siya ng marahan sa akin at naglahad ng kamay.
"Nothing. I'm Martin Montarellano, by the way. I've heard a lot about you from my brother's friends." I politely take his hands.
"I'm Althea Louisse Thara-Sy. What can I do for you?" I professionally asked. He's very intimidating but I should keep my posture.
He smiled at me. "Oh. I just paying a visit. I'm sorry for disturbing you. I just want to confirm something."
He even winked at me. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano bang problema neto?
"Okay?" Naguguluhang tumango nalang ako. Nagpaalam na siya at sinabi niyang babalik siya kapag hindi na busy. Napailing nalang ako ng magsimula ng mang-intriga ang mga kasamahan ko dito. Sinabi ko sa kanilang ngayon ko lang siya nakilala. Napagkamalan kasing manliligaw din daw 'yong Martin na 'yon.
Nang matapos ang trabaho ko ay dumiretso kaagad ako sa condo unit ko. Agad akong nag-ayos para lumabas. May pupuntahan ako kaya bago pa lumubog ang araw ay dumiretso na ako sa sadya kong puntahan.
Sa labas palang ay nakikita ko na ang mga batang naglalaro. Pagkapasok ko ay agad na lumapit sa akin ang mga bata at niyakap ako.
"Ate! Bakit ngayon ka lang?" Nakapout na tanong ng isang batang babae. Nginitian ko siya at binigyan ng halik sa pisngi.
"Pasensya na. Teka, have you seen sister Carol?" Tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumuro sa loob ng bahay ampunan.
Ngumiti muna ako sa kanila bago ako nagpaalam at pumasok sa loob. Nadatnan ko si sister Carol na napapahilot sa noo niya.
"Ayos ka lang sister?" Mukhang nagulat siya sa biglang pagsulpot ko kaya napahawak siya sa bandang puso niya.
"Jusko, panginoon! Althea!" Gulat na sigaw niya sa akin. Natawa nalang ako at tsaka ako nagmano sa kanya.
"Kamusta po?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.
"Heto. Ganun parin. Bakit ngayon ka lang bumisita? Halos lahat ng bata ay tinatanong kung kailan ka babalik dito." Umiiling na sabi niya. Tinulungan ko naman siyang magprepare ng meryenda.
"I'm sorry po sister. Lagi akong nauunahan ng takot." Malungkot na ngumiti ako sa kanya. Napabuntong hininga siya at tsaka ako niyakap.
"Magiging okay lang ang lahat." Tumulo ang luha ko at tsaka ako yumakap sa kanya.
"A-Ang sama-sama ko, sister. Ang sama-sama ko." Humihikbing sabi ko sa kanya. Mabilis na kinalas niya naman ang yakapan namin at ikinulong niya ang mukha ko gamit ang kamay niya.
"Wag mong sabihin 'yan, Althea. Naiintindihan kita. Maniwala ka. Manalig ka sa Diyos. Balang araw ay maaayos rin ang lahat." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?