Kabanata 14

8 8 0
                                    

Not now

Nakatingin ako ngayon sa mga kaibigan ko na nasa harap ko. Nakahalukipkip silang lahat habang nakangisi habang naghihintay kami ng order.

"Ang blooming mo ngayon ah. May nagyari na ba sa inyo?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Kyla. Napairap nalang ako sa kanya.

"Wala! Kung ano-anong tinatanong mo."

"Naku. Wala namang masama kung gawin niyo 'yon. You're both on the right age to do that pero make sure na gumamit kayo ng proteksyon kung hindi pa kayo ready sa responsibilidad." I rolled my eyes on them.

"Pwede ba. Walang nangyari sa amin. Dati naman na akong maganda." Biglang napaubo si Freddie kaya tinaasan ko siya ng kilay. Itinaas niya ang dalawang kamay niya.

"Ngayon ka na naman lang namin nakasamang lumabas. Simula nung naging kayo nung Cyrus na 'yon, minsan ka nalang namin makasama. Nakakamiss tuloy 'yang pagsusungit mo." Humahalakhak na sabi ni Lester. Napailing nalang ako.

Habang nagkwekwentuhan kami ay dumating naman yung order namin. Mukhang pamilyar sa akin ang babaeng nagseserve sa amin ng pagkain. Halos manlaki ang mga mata niya ng makita niya ako muli.

Naalala ko siya! She's Jackie! Bigla siyang yumuko ng makita akong nakatingin sa kanya ngayon.

"How's Harold?" Tanong ko sa kanya. Kita ko naman kung paano kumuyom ang kamao niya.

"Harold? Bakit si Harold?" Tanong sa akin ni Lester. Hindi ko naman siya pinansin at nanatiling nakatingin kay Jackie.

"I don't know. Wala akong pakialam sa taong 'yon ." Malamig na sabi niya sa akin habang ipinagpapatuloy ang paglagay ng pagkain sa lamesa namin. Mabilis kong pinigilan ang kamay niya ng iseserve ang isa pang pagkain. Tinignan ko siya sa mata.

"I just want you to know the day you saw us both. Totoong magkasama kami noong araw na 'yon para pagselosin ka. Pinili niyang gamitin ako dahil alam niyang hindi ako mahuhulog sa kanya at alam niyang wala rin akong nararamdaman para sa kanya. He wants you back and it seems that you can't see any of his efforts. Hindi pa kayo ayos ngayon, am I right?"

Hindi siya nakapagsalita sa tanong ko. Ngumisi naman ako at tsaka ako napailing. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya. Bigla siyang nagulat ng tuluyan kong hawakan ang kamay niya at pinisil 'yon. Marahang ngumiti ako sa kanya.

"Believe me, he loves you so much. I'm sorry for that naughty act. Kung hindi niya lang ako kilala ay patay na ako ngayon. But I'm just helping you both. Hindi ko alam kung anong naging problema niyong dalawa pero I know na maaayos niyo rin." Kita kong nangilid ang luha niya.

"He really wants you back. No games. No act. That jerk is inlove with you, Jackie. Kitang-kita ko 'yon sa mga mata niya. Give him a chance to prove himself. Kung nagloko pa. Ako na mismo ang sasapak sa lalaking 'yon." Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Thank you."

Nakangiting tinapik ko ang balikat niya. Nang umalis siya ay napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na nakatingin ngayon sa akin.

"I'm so proud of you, Althea!" Emosyonal na pagkakasabi ni Freya at akmang yayakapin ako ay mabilis na pinigilan ko siya.

"What? Tinutulungan ko lang ang dalawa. Hindi ako mabait." Inirapan ko silang lahat na ikinatawa nalang nila.

"I didn't know na inlove pala itong si Harold. Kaya pala laging nasa unit 'yon at nag-aayang uminom. Damn. Brokenhearted pala!" Sabi ni Jackson.

"Wala kayong kwentang mga pinsan." Pagpaprangka ko sa kanila ni Lester. Inirapan lang nila ako.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon