Kabanata 40

5 0 0
                                    

Naging maganda at magaan ang loob niya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Cyrus. She stayed in his condo while talking, cuddling, kissing and making love. They fixed their relationship by talking and being open conversationalist with each other helped them a lot.

Xandra asked for a space but she assured him that she just need to think first before she can open her heart again. She needed space for her family and peace of mind.

Also, he said that he'll face whatever her family will bragged to him because he wants to ask not for their permission but to their presence that he is willing to court her infront of her real family.

Mas lalo lang siyang namangha dito. Kahit ilang beses na pala siyang nasaktan ng mga tauhan ng magulang niya ay hindi pa rin ito sumusuko. At hindi siya nagkamaling bigyan pa ulit ito ng chance.

She went out to her room to look for her son. Mukhang nagutom na ito at nauna ng bumaba. Pinauna na niya ito at susunod nalang siya sa baba.

"What the hell did you do?! Bakit ba ang kulit mong bata ka?!"

Bigla niyang binilisan ang pagbaba niya ng marinig niya ang sigawan sa kusina. Nakaramdam siya ng kaba dahil narinig niya ang impit na iyak ni Evanns mula sa kusina. Pati ang boses ng kanyang daddy na hindi niya maintindihan ang sinasabi pero halatang galit ang tinig nito.

"Hindi ka nakikinig sa akin?! Halika at bibigyan kita ng leksyon! Halika!"

"Linda! Stop!" Dumagundong ang galit na boses ng kanyang ama kaya mas lalo siyang kinabahan.

What's happening? Bakit galit na galit ang kanyang magulang at bakit umiiyak ang anak niya?

Halos takbuhin na niya ang natitirang espasyo para tignan kung anong nangyayari at ganun nalang kabilis ang pandidilim ng mata niya at pag-akyat ng dugo sa ulo niya ng makita niyang paulit-ulit na sinasaktan ng kanyang ina si Evanns na paimpit na umiiyak. Halatang ayaw iparinig na umiiyak ito. Mukhang pinipigilan nito ang pag-iyak ng maingay.

"What are you doing to my son?!" She angrily shouted at mabilis na tinulak niya ang kanyang ina palayo sa anak niya.

"M-mommy..." Kaagad na yumakap sa kanya ang anak niya na pulang-pula ang mukha at habol ang hininga dahil sa pag-iyak. Kaagad niya itong binuhat at itinago ang mukha sa leeg nito.

Matalim na binalingan niya ang ina niya na namumutlang nakatingin sa kanya. Habang ang kanyang ama naman ay mariin na napapikit at napahilamos sa mukha. Halata na galit din ito dahil sa namumula niyang mukha.

"A-Anak...i-it's not..."

"Shut up!" She shouted at her again.

She glared at her mother.

"So it's you." She stated.

"What's happening here?" Kababang tanong mg dalawa niyang kapatid na naglilipat-lipat ang tingin sa kanila.

"You!" Nanggagalaiting turo niya dito. "Punong-puno na 'ko sayo, mommy! Okay lang kung ako ang saktan niyo pero 'wag na 'wag niyong sinasaktan ang anak ko!"

"Damn! This is my son mom! Wala kang karapatang saktan ang anak ko! He's only a kid! And what I saw is unacceptable!" Nagtuluan ang luha niya na kanina niya pa pinipigilan.

Hindi niya mapigilan mapaiyak sa galit at awa sa anak niya. Ni hindi ito nakatikim ng palo sa kanya.

Ano bang kasalanan ng anak niya sa taong ito? Nag-igting ang panga niya ng maalala ang pasa ng anak niya.

"Tell me, paulit-ulit niyo bang sinasaktan ang anak ko?" She sounded serious and dangerous at the same time.

"X-Xandra..."

"Tell me!"

Sunod-sunod ang pagtango nito at nagtangkang lumapit sa kanila pero mabilis na lumayo siya.

"H-How could you?" Natitigilan at hindi makapaniwalang tanong niya.

Napahikbi naman si Evanns sa leeg niya at mas lalong yumakap sa kanya. Napapikit siya ng mariin dahil sa galit. Humarap siya sa kanyang ate at ibinilin munang ilayo ang anak niya para harapin ito. Nang masiguro niyang nakalayo na sila ay mariin na tinignan niya ang kanyang mommy.

"I'm sorry, Xandra. I'm sorry." Paulit-ulit na paghingi nito ng paumanhin.

She couldn't accept this.

"Wow. Sarili ko pang ina mismo ang nananakit sa anak ko." Sarkastikong na sabi niya.

"Ni minsan hindi ko sinaktan si Evanns. Na kahit anong bagay na magpapasakit sa kanya ay kaagad kong inilalayo! I've made a mistake once noong muntik na akong makunan! God knows, mom! Alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang anak ko kahit na na-rape ako! Hindi ko siya itinuring na mali! Noong halos tinalikuran ako ng mundo ay dumating siya! Si Evanns! Mom! Ang anak ko! Evanns is my child! Ang batang sinasaktan niyo, mom! Anak ko 'yon! Apo mo!" Nagwawalang sigaw niya sa harapan nito. Agad na pinakalma siya ng daddy niya pero tinaboy niya lang ito.

"Paano mo nagawang saktan ang sarili mong apo? Ganyan ka ba kasama?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.

Hindi niya pinansin ang pagdaan ng sakit sa mata nito.

"He's a product of a monste..."

"Shut the fuck up!" Nanlaki ang mata nila sa pagmumura nito pero wala siyang pakialam. Galit siya! Galit na galit siya!

"Xandra!" Galit na sigaw ng kanyang ama pero hindi niya ito pinansin at mas lalong tumitig ng masama sa ina niyang gulat padin dahil sa pagmumura niya.

"Wala kayong karapatang husgahan ang anak ko! Hindi ako lumaki sa poder niyo kaya 'wag na 'wag niyong hinuhusgaan ang mga pinagdaanan ko! Ang anak ko lang ang naging magandang nangyari sa buhay ko." Hindi makapaniwalang napailing siya.

"N-Ni minsan hindi nagawang nagsumbong ng anak ko sa ginagawa mo sa kanya. Tiniis niya lahat para lang tanggapin niyo siya. I even asked him if he's happy here at nakadepende ang sagot niya sa sagot ko. I-If only I knew." Pumiyok ang kanyang boses dahil nasasaktan siya para sa anak niya.

"Mas masahol pa kayo sa kinalakihan kong magulang." Panunumbat niya.

"This is the last time na makikita mo ang apo mo. Hindi ko na ulit hahayaang mahawakan mo ang anak ko. I cannot stay in this house anymore. I don't feel like we're belong here." Mabilis na tumalikod siya at pinahid ang luha niya.

"Xandra, no!" Pigil sa kanya ng kanyang ama at kapatid habang ang ina naman niya ay tahimik na napahagulhol habang binibigkas ang pangalan niya at pinipigilan siya.

Wala siyang maramdamang awa para dito. She started this at siya mismo ang tatapos nito. Alam niyang may problema ito sa pag-iisip at kailangang magpakonsulta. Pero hindi na niya ito kayang pakisamahan dahil masasaktan lang sila ng anak niya.

"Anak pag-usapan natin ito please." Pakiusap ng daddy niya.

"Xandra naman. Wag kang magpadalos-dalos sa desisyon. Wag ka ng umalis." Naluluhang pakiusap ni Lindon sa kanya.

Marahang umiling lang siya at pinatigas ang anyo. Bigla ay may naalala siya.

"I will give chance to Cyrus." Natigilan sila sa sinabi nito. Mukhang hindi sang-ayon ang ama niya at pati ang ina niya na natigil sa pag-iyak.

"I'm letting you know this dahil pamilya ko pa rin kayo. But my decision will still depends on me. Ako ang magdedesisyon sa buhay ko. And please, kung hindi niyo tanggap ang relasyon namin ni Cyrus ng dahil sa kambal ko then forget that I exist. I didn't live just to please you all. I have my life to deal with and you are my family to support my decision. But you all acted the opposite, you are all concern for Xhenna's sake. I love my twin pero hindi ibig sabihin 'non na isusuko ko ang taong mahal ko. I want to be selfish this time."

Ayun lang ang sabi niya at tuluyan ng umalis para ayusin ang gamit nila sa kwarto. Babalik nalang siya sa dating condo niya noon. Matagal-tagal niya na din itong hindi napupuntahan. Doon siya namamalagi kapag palihim na binibisita niya ang anak niya at nakatanaw noon mula sa malayo pero ngayon ay abot kamay na niya ito. Hinding-hindi siya makakapayag na may manakit pa sa anak niya.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon