Kabanata 20

11 9 1
                                    

Tired

Nagising ako dahil sa panlalamig. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Umiiyak na napayakap ako sa katawan ko. Alam kong basang-basa na din ako ng pawis pero ang lamig ng pakiramdam ko.

"Damn. Kailangan na natin siyang dalhin sa hospital!" Rinig kong sabi ni Caleb. Naramdaman kong may bumuhat sa akin habang balot na balot ako ng kumot.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto ng unit ko. At halos rinig na rinig ko ang pagmumura ng mga kaibigan ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Galit na tanong ni Freddie sa hindi ko alam na tao.

"W-What happened? I-Is she okay?" Pilit kong minumulat ang mga mata ko at pilit na inaaninag ang taong nagsalita.

"C-Cyrus..." Bulalas ko. Narinig ko naman ang mga yabag niyang pumunta sa harapan ni Caleb na ngayon ay nakabuhat sa akin.

"A-Althea? A-Are you hurt?" Muntik na akong mapatawa sa tanong niya.

"Tabi. Nasaan ang babae mo? Pumunta ka na doon. Mukhang nakahanap ka na ng kapalit ni Althea. Wag kang mag-alala. We keep our words. Ilalayo namin ang kaibigan namin sayo. Yun naman ang gusto mo kaya lumayas ka dito sa harap namin bago ko pa masira ang mukha mo." Matigas na sabi ni Caleb at tsaka siya naglakad.

Kahit nanginginig ako ay ramdam na ramdam kk parin ang paninikip ng dibdib ko. Mas lalong tumulo ang luha ko. Hindi ko inaakalang kaya kong ibaba ang pride ko para sa isang tao. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakikitungo ngayon ni Cyrus sa akin.

Pero masyadong masakit. Pinagmumukha kong kawawa ang sarili ko. Anong magagawa ko? Nagmahal lang naman ako. Pinaglalaban ko kung ano ang alam kong tama. Pero bakit paranh basura niya lang akong ituring kanina sa harap ng babae niya. Mahal niya ba 'yon? At akala ko ba hindi niya ako kilala? Bakit kung umasta siya ngayon ay kilalang-kilala niya ako?


Nagising ako kinaumagahan at medyo ayos na ang pakiramdam ko. Nakita kong may dextrose ako at ang mga kaibigan ko na tulog. Napatulala nalang ako sa kisame at umalis sa kama ko. Nagpasya akong lumabas at tumambay sa taas. May rooftop kasi itong hospital na ito.

Napapikit ako at pinakiramdaman ang sarap ng simoy ng hangin. Muling bumalik sa akin ang mga nangyari sa amin ni Cyrus noong mga nakaraang araw at kahapon. Pero hindi. Kahit paulit-ulit niya akong saktan. Hindi 'yon sapat para layuan ko siya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa.

Mahal ko siya at alam kong mahal niya ako. May tiwala ako sa kanya. Kahit saktan niya ako ng ilang beses. Hindi ako susuko. Alam kong mahal ako ni Cyrus. Pagkabukas ko ng mga mata ko ay nakita ko ang pagsikat ng araw. Napangiti ako at tumulo ang luha ko.

Ito ang simbolo ng buhay ng isang tao na hindi natatapos ang buhay. Muli tayong binigyan ng panginoon para mabuhay. Huminga ako ng malalim at suminghap.

Narinig kong may tumikhim sa likod ko kaya napaharap ako sa taong 'yon. Pero agad din akong natigilan ng magtagpo ang mga mata naming dalawa. Napaawang ang bibig niya habang ako ay may ibang pakiramdam ng magtagpo ang mga mata namin. Umiling nalang ako at nagkibit balikat.

"Why are you staring?" Kunot noong tanong ko sa lalaki. Pero nanatiling natigilan siya. Napairap nalang ako.

Mukhang nahumaling siya sa akin. Kahit ba naman dito sa hospital ay hindi ako tatantanan ng mga lalaki.

"Althea!" Napatingin ako sa pintuan kung saan nakita ko sina Caleb. Nang makita nila akong andito ay nakahinga sila ng maluwag at hingal na hingal silang lumapit.

"Kung saan-saan ka nagpupupunta. Akala ko kung ano na namang nangyari sayo!" Singhal sa akin ni Caleb at hinila ako sa bisig niya para yakapin. Napailing nalang ang mga kaibigan ko.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon