Kabanata 17

12 8 0
                                    

Hard

Inaya niya ako na pumunta sa bahay nila kinabukasan. Kaya ngayon ay hinihintay ko siya. Hindi niya ako hinayaang magbyahe mag-isa kaya susunduin niya nalang daw ako. Nakaramdam ako ng kaba na harapin ang pamilya niya. Hindi ko kasi inaasahang aayain niya ako at ipapakilala sa harap ng pamilya niya ngayon.

Ang daming pumapasok sa isip ko habang hinihintay ko siya. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Alam kong mabait ang mag-asawang Montarellano. Kung anong ikinabait nila ay ganun din ang pagkahigpit nila pagdating sa mga anak nila kahit na mga lalaki ito.

Narainig ko ang pagdoorbell ng unit ko kaya agad akong napatayo at binuksan ito. Sa pagaakala kong si Cyrus ay bigla ko nalang ito binuksan pero nagulat ako ng mga kaibigan niya ang bumungad sa akin. Isang seryosong tingin ang ipinukol nila sa akin.

"Anong ginagawa niyo dito? Nasaan si Cyrus?" Napatingin ako sa likod ng tatlo pero walang Cyrus na nadoon. Kunot noong binalingan ko sila ng tingin.

"We need to talk to you." Seryosong sabi ni Luke. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya.

"Anong meron? May nangyari ba? Asan si Cyrus? Tell me he's okay, right?" Natatarantang tanong ko sa kanila. Huminga sila ng malalim at tsaka ako hinila papasok sa loob ng unit ko. Pinaupo nila ako sa sofa pero nanatiling nakatayo ang tatlo sa harapan ko.

"He's okay. No need to worry. We're here to warn you." Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"Warn me? Why? May killer ba na papatay sa akin?" I tried to joke pero nanatiling seryoso sila sa harap ko. Napabuntong hininga nalang ako at sumeryoso rin.

"Break up with him." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Brandon. Knowing him, he's the joker among the three. Hinintay kong tumawa siya pero hindi. Seryoso talaga siya.

I tried to laugh. "Hey, are we going to plan a surprise for him? Ang layo pa ng birthday niya."

Natatawang pahayag ko. Nakita kong napasapo sa noo si Rash habang napapailing. Halatang nafufrustrate sila ngayon sa harap ko. Bakit gusto nila akong makipagbreak kay Cyrus? Ang unang pumasok sa isip ko ay may surprise kaming gagawin sa kanya. Pero nakaramdam ako ng inis ng walang halong biro ang pagsasabi nila sa akin.

"Kung ayaw mong makipaghiwalay ay mas lalo kang masasaktan. Makipaghiwalay ka na sa kanya as soon as possible." Napatayo ako sa inis. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa ulo ko.

"How dare you! Anong karapatan niyong sirain si Cyrus sa harapan ko ngayon? Hindi ako tanga para hindi malaman na may alitan kayong apat? But it's not right to say that I'll break up with him!" Galit na sigaw ko sa kanila.

Alam kong hindi okay ang apat pero hindi ko alam ang dahilan. Hindi man sabihin sa akin ni Cyrus ay kitang-kita ko sa mga mata niya na kapag nakikita namin ang tatlong ito ay malamig ang pakikitungo nila sa kanya. Gusto ko mang tanungin pero gusto kong siya mismo ang magkwento sa akin pero hanggang ngayon ay wala. Hindi siya nag-oopen ng problema niya sa akin.

"Look. We're just concern about you. Kaya habang maaga pa ay tapusin mo na ang lahat. Wala kami sa posisyon para sabihin at mas lalong ayaw naming magalit siya sa amin kaya ito lang ang magagawa namin ngayon." Umiling lang ako at tsaka natawa.

"Leave. Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niyo. Mahal ko siya at alam kong mahal din ako ni Cyrus. Kaya kung ayaw niyong ako ang magalit sa inyong tatlo. Tigilan niyo ang pagpasok sa relasyon namin. Kung may problema kami sa amin nalang 'yon. At kung may problema naman kayo ay nirerespeto ko 'yon at hindi ako nakikisawsaw. Kaya please, stop this nonsense. Para kayong mga bata!" Kita ko ang pagsuko sa mga mata nilang tatlo at ngumiti sa akin ng malungkot. Biglang bumigat ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon