Cuddle
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Namumungay ang mata kong napabaling sa taong umupo sa tabi ko. Halos mamutla ako ng makita kong malamig na nakatingin ngayon sa akin si Cyrus.
"Umuwi na tayo." Hinila niya ako patayo pero agad na nagsidatingan ang mga kaibigan ko.
"Oh? Hi tol! Wag muna kayong umuwi. Shot muna tayo dito." Inakbayan siya ni Lester pero agad naman niyang tinanggal ito.
"We're going home." Muli niya akong hinila pero agad naman akong hinila ng mga kaibigan ko.
"Walang uuwi. Come on. Solong-solo mo na 'tong kaibigan namin lagi. Let her be with us." Sabi ni Harra. Napabitaw sa akin si Harra ng marahas na hinila ako ni Cyrus.
"She's already drunk!" Galit na sigaw niya na nagpatahimik sa mga kaibigan ko.
"Cyrus..." Hinawakan ko siya sa braso niya. Naramdaman ko ang galit na awra ang bumabalot ngayon kay Cyrus at mukhang hindi nagugustuhan ng mga kaibigan ko.
I know them and I know him too.
"Anong klaseng kaibigan kayo? You let her sit alone here! Paano kung hindi ako dumating? Hindi ko pa malalaman na may nagnanasa na sa girlfriend ko!" Galit na sigaw niya sa kanila. Mas lalo akong nahilo.
"Hey, watch your mouth man. Binabantayan namin siya. Sadyang nauna ka lang lumapit at ilayo ang lalaking 'yon. We saw that too!" Asik ni Lester na mukhang hindi din nagustuhan ang asal niya.
"Cyrus!" Muli kong tawag pero humigpit lang ang kapit niya sa braso ko.
"But you let her sit alone here! Ang dami-dami niyo!"
"Cyrus. Nagpaiwan ako dito. Calm down. Wag mong daanin sa init ng ulo." Pagpalakalma ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama.
"Shut up! Mag-uusap tayo mamaya! I'm going to talk with them." Inilagay niya ako sa likod niya at galit na tinignan lahat ng mga kaibigan ko.
"Ano bang problema mo pare?" Naiiritang tanong ni Jackson sa kanya.
"All of you! You are all my problem! Why did you let her drunk like this?! Why did you let her sit fucking alone here?! Why did you let her go with this kind of place?!" Galit na sigaw niya sa mga kaibigan ko. Kumunot naman ang noo ko at hinila ko na siya.
"Cyrus! Ako ang sumama sa kanila. It's my choice. Don't put the blame on them tsaka wala namang nangyaring masama sa akin. Dumating ka." Naiiritang sabi ko sa likod niya.
"Hindi gawain ng matinong babae ang magpakalasing! Wag mong sabihing nakipagsayawan ka rin sa ibang lalaki habang wala ako?!" This time he turn around to face me. Hindi ko napigilan ang sarili kong masampal ko siya. Mabilis na hinila naman ako ni Freddie sa tabi niya at humarap sa galit na si Cyrus.
"That's what we are. Drinking and dancing inside the bar. Pero magkakapatid ang turingan nam..."
"Magkakapatid? Ha! That's not a siblings bond! It's already a bad influence!" Sarcastic na pagpuputol niya sa sinasabi ni Freddie. Mabilis na kwinelyuhan siya ni Freddie na ikinalaki ng mata ko.
"Putangina. Makinig ka!" Galit na sigaw niya.
"Balakbol kami pero hindi yung tipong pinapahiya namin ang sarili namin. Alam ng lahat kung gaano naming pinoprotektahan ang isat-isa. Alam ng lahat kung gaano namin iniingatan si Althea dahil siya ang pinakabunso sa amin maliban kay Caleb. At alam ng lahat kung gaano namin kakilala ang isat-isa. Ngayon, kung hindi mo tanggap ang pinaggagagawa namin, wala kaming pakialam. Pero ito ang tatandaan mo." Mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa kwelyo ni Cyrus.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?