Kabanata 30

4 0 0
                                    

"Dad relax." Marahas na bumuntong hininga ito at tsaka tumikhim.

"Where is that nurse?" Muling tanong niya. Kumunot ang noo ng Doktor.

"We don't have nurse named Cabral here, Mr. Del Valle." Malakas na pinalo ni Elton ang lamesa ng doktor at galit na tinignan niya ito.

"Sinungaling! 'Wag mong pagtakpan ang nurse na 'yan! Get her and bring her infront of of me now!" Gigil na sungbat niya dito. Pinakalma naman siya ni Lindon.

"Doc. We just want to talk to nurse Cabral. This is important." Mas lalong kumunot ang noo ng Doktor.

Kahit anong pilit ng dalawa ay wala talaga siyang natatandaan na Cabral sa hospital na ito.

"Sa tagal ko na dito sa hospital na ito ay walang Cabral na nurse na naging empleyado dito." Seryosong sabi niya.

Bigla siyang nagulat ng kwelyuhan siya ni Elton Louis Del Valle.

"Isa pang tanggi mong walang Cabral dito, I'll wring your neck!" Napalunok siya at mabilis na umiling.

"But I'm telling the truth. Walang Cabral dito! I can show you all the profiles of nurses na nagdaan dito. Just tell me what year para malaman natin kung sino ang tinutukoy niyo. I'm sure that there was no nurse Cabral na nagtrabaho dito." Agad na depensa ng doktor. Marahas na binitawan siya ni Elton at tsaka umupo.

Hinayaan niyang si Lindon muna magkausap dahil sa pinapakalma niya ang sarili niya. Sinabi ni Lindon ang taon kung kailan pinanganak ang kapatid niyang kambal at hinanap naman agad ng doktor ang profiles na may nakalagay na mga year kung saan ay makikita kung sino ang mga nurse na nagtrabaho noon sa hospital na kinaroroonan nila.

Nang mahanap ay agad na ibinigay sa kanila ang libro na luma na.

"Walang Cabral diyan pero baka mamukhaan niyo kung sino ang tinutukoy niyo." Seryosong sabi niya sa dalawang lalaking walang emosyon sa harapan niya.

Nagsimula na si Elton na hanapin ang nurse na nagbabantay noon sa anak niya pero halos ulit-ulitin niya ang mga pahina ay hindi niya mahanap ang mukha neto. Isang palatandaan niya ay ang malaking nunal nito sa pisngi pero wala ni isa siyang nakita.

"Dad nahanap mo na?" Napabuntong hininga siya at umiling. Padabog isinara niya ang libro at matalim na tumingin sa doktor.

"I will surely sue this hospital kapag napatunayang anak ko si Althea." Madilim ang naging ekspresyon niya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Lito, pag-asa, pangungulila at higit sa lahat ay galit.

"M-Mr. Del Valle." Nagugulat na saad ng doktor. Hindi niya ito pinansin at nauna ng lumabas.

Sumunod naman si Lindon sa ama niya. Unti-unti ay napapatunayan niyang kadugo niya nga si Althea. Pero bakit? Kung si Althea ang totoong Xandra. Sino ang batang iniyakan ng mga magulang nila? At anong dahilan kung bakit ginawa ni nurse Cabral 'yon?

Halos dumaan ang isang buwan sa paghahanap nila kay nurse Cabral pero hanggang ngayon ay hindi parin nila mahanap ito. Mukhang ginamit lang rin niya ang Cabral panakip sa totoo niyang katauhan kaya mas lalo silang nahirapan sa paghahanap.

"Puntahan natin siya, Elton. I want to see her. I want to see Xandra." Desperadang sabi niya sa kanyang asawa. Paulit-ulit niya itong kinukulit na puntahan ang dalaga pero wala na ang mga ito sa Manila.

Napabuntong hininga nalang siya at pinagbigyan ang asawa. Sumama din ang kambal sa kanila at pati na rin si Chad. Hindi niya magawang tanggihan ang asawa niya dahil sa baka magwala na naman ito. Mukhang kailangan na naman siyang magpatingin sa psychiatrist niya dahil nagpapadala na naman ito sa emosyon niya.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon