Kabanata 23

8 7 0
                                    

Revelations

Seryoso ang mga mukha ng kaibigan ko ng makarating ako sa condo ko. Mas lalo akong kinabahan. Parang may pakiramdam ako na ayokong makinig pero paano ko malalaman kung ako mismo ang iiwas sa usaping ito?

"Saan ka natulog?" Seryosong tanong ni Caleb sa akin. Huminga ako ng malalim.

"Don't worry. Natulog ako sa alam kong safe at malilimutan ko ang problema ko." Nagkatinginan silang lahat pagkatapos ay nanahimik sila.

"What do you want to talk about. Sabihin niyo na. Para masabi ko din ang gusto kong sabihin." Sabi ko sa kanila.

"Do we really need to tell the truth? This is too much." Napatingin ako kay Freya na nag-aalalang tumingin sa akin.

Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko.

Lumunok ako.

"Go on. Tell me." Paghahamon ko sakanila. Kumuyom ang mga kamao ni Caleb.

Inihagis ni Harris ang Ipad niya sa mesa na nasa harap ko. Kunot noong kinuha ko naman 'yon.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng mahawakan ko ang Ipad ni Harris.

"Open it." Sabi ni Caleb. Napalunok ako. Biglang nanginig ang mga kamay ko at napatitig nalang doon sa Ipad.

Hindi ko kayang buksan.

Natatakot ako.

Natatakot ako sa posible kong makita. P

Pagkahawak ko palang kasi ng Ipad na 'to ay biglang bumigat ang dibdib ko. Naramdaman kong hinawakan ni Kyla ang kamay ko. Seryosong tumango siya.

"Isang tao ang makikita mo. Isang taong sagot sa lahat ng katanungan mo." Nanginginig na napahigpit ang hawak ko sa Ipad.

I-I can't. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Wala namang masama kung bubuksan ko diba?

I was about to swipe the lock ng biglang tumunog ang phone ko. Muli kong nakita ang pangalan niya sa screen ng phone ko. Tumingin lahat sila sa phone ko.

Umiling sa akin si Kyla na parang sinasabing 'wag kong sasagutin.

Huminga ako ng malalim at swinype ang lock ng Ipad. Isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin at nang mapagtanto kung saan ko ito nakita ay nanlaki ang mga mata ko.

Nahulog ang hawak kong Ipad sa hita ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nagsimulang manikip. Hindi ko maipaliwanag ang takot at sakit na bumalot sa akin. Takot na malaman lahat. Takot na tuluyang malaman ang totoo at sakit. Sakit na malaman ang lahat ng katanungan ko.

Why am I feeling this?

"Xhanna Marie Del Valle. Ex-girlfriend of Cyrus Syd Montarellano."

Ang kaninang nararamdaman ko ay hindi ko napigilan. Tuluyang tumulo ang luha ko sa sinabi nila.

W-What the hell is this?

Marahang umiling ako. Sana mali ang iniisip ko. Nang lumingon ako sa mga kaibigan ko ay iisa ang reaksyon nila. Seryoso, galit at lungkot ang mga nasa mata nila.

"Xhanna's already dead. They've been in a relationship since they were in College. Xhanna's the only girl who tamed him. He's a playboy pero nakaya siyang baguhin ng isang Xhanna Marie Del Valle." Napahikbi ako at muling tinignan ang picture kay Xhanna.

A Morena beauty.

Mas lalong tumulo ang luha ko at mas lalong nanikip ang dibdib ko sa naririnig ko.

Ghost of the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon