Beef steak
Galit na galit si Caleb na pumunta sa condo ko sa kumakalat na litrato namin ni Cyrus. Mabuti nalang at umalis na si Cyrus dito kung hindi ay baka magkakainitan lang silang dalawa na palaging nangyayari.
"What the hell! What the hell! Bakit siya pa?!" Galit na galit na tanong niya sa akin. Tinignan ko lang siya at napabuntong hininga ako.
"Calm down, Caleb. Ano bang problema mo kay Cyrus. I like him, okay? Masaya ako sa kanya." I rolled my eyes. Hindi naman niya nagustuhan ang sinagot ko.
Alam kong gustong-gusto na niya akong hablutin pero hindi niya ginawa.
Hindi niya ako hinawakan at ayaw niya akong hawakan dahil alam kong iniiwasan niyang masaktan niya ako ngayong galit na galit siya sa nalaman niyang naging kami ni Cyrus.
"Pero hindi ka niya niligawan! Ako nga nagpakahirap na ligawan ka noon tapos sa kanya ganun ganun na lang? Ano ba Althea? Ikaw yung tipong babae na pinaghihirapan. Hindi 'yong binibiglang magiging girlfriend nalang ng dahil sa selos! 'Wag kang easy to get!" Panenermon niya sa akin.
Laglag balikat kong niyakap ang unan ko. Gusto ko siyang sumbatan sa huli niyang sinabi pero tinikom ko lang ang bibig ko. Mag-aaway lang kaming dalawa.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Nakukuha ko ang punto niya pero kahit masakit ay alam kong siya ang tama ngayon. Pero ano bang magagawa ko? I really like Cyrus. I really do.
"Break up with him! You don't deserve him." Napatingin ako sa kanya at mabilis na umiling.
"Caleb naman. I cannot do that." Umiiling na sabi ko sa kanya. Napahilamos siya sa mukha niya at mukhang hindi na niya alam ang gagawin niya sa akin.
"Damn it! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo. Ayokong makita kang nasasaktan sa huli." Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang takot niya ngayon.
"You've been hurt a lot. Ayokong makita ka ulit na umiiyak." Mahinahong sabi niya. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya na nanginginig.
"Just trust me, Caleb. Hindi ako sasaktan ni Cyrus. I trust him." Napabuntong hininga naman siya at napahigpit ng hawak sa kamay ko.
"Wag na wag ko lang nakikitang umiyak ka ng dahil sa kanya. Kapag sinaktan ka ng lalaking 'yon. Ako mismo ang maglalayo sayo mula sa kanya. Iningatan kita bilang isang babae at kaibigan pero kapag sinaktan ka ng gagong 'yon. I'm sorry, Althea pero mapapatikim ko talaga ang lalaking 'yon." Seryosong sabi niya.
"Papatikiman ng ano?" Natatawang tanong ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama.
"I'm serious here. Nakakainis ka!" Padabog na lumipat siya sa kabilang couch habang salubong ang kilay.
"Galit ka na niyan?" Natatawang tanong ko sa kanya at tsaka ko siya hinagisan ng unan. Agad namang tumama sa mukha niya. He angrily groaned.
"Gustong-gusto mo talagang nasasaktan ako noh?" Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Mabilis na umiling ako sa kanya.
"I-I'm sorry, Caleb. Hindi naman sa ganon. Hindi ko naman sinasadya." Inirapan niya lang ako at niyakap ang unan. Pagkatapos ay tumingin siya sa kawalan at napabuntong hininga.
Napangiti tuloy ako. Parang lumalabas na naman ang pagiging kapatid na side niya. Mag-isa kasing anak si Caleb kaya noong magkakilala kami noong bata ay magkapatid ang turingan namin pero biglang lumalim ang nararamdaman namin noon pero agad kong napigilan. Yun nga lang sa kanya ay hindi.
Habang abala ako sa pagtatahi ay biglang may naglapag ng bulaklak sa harapan ko. Halos mabahing ako ng sunod-sunod sa amoy ng tulips na nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Ghost of the Past
RomanceMali bang mahalin ang taong may mahal ng iba? Mahal niyang nasa kabilang buhay na?