Simula: LOST

3.2K 27 0
                                    


"Hanapin ang mahal na prinsesa!" Sigaw ng hari sa kanyang mga kawal.

Nagkakagulo ang buong emperyo ng Magicis Regnum ang ibig sabihin ay 'magical kingdom' dahil sa biglang pagkawala ng itinakdang prinsesa sa silid nito.

Ang reyna ay parang hindi na makahinga sa nagyayari, mababakas naman sa mukha ng hari ang kanyang pagkabahala samantalang ang walang muwang na prinsepe ay nakaupo lamang at walang alam sa nagaganap na kaguluhan.

Sa kabilang banda naman ay ang pag-uusap ng isang babaylan at isang traydor sa palasyo na siyang nag-utos na kunin at patayin ang sanggol dahil sa galit at inggit nito sa hari.

"Patayin mo ang sanggol at ayaw na kitang makita rito sa palasyo, makukuha mo ang iyong gantimpala pag ika'y sumunod sa aking utos babaylan"

"Masusunod kamahalan" ngunit hindi lingid sa kaalaman ng traydor ay walang balak patayin ng babaylan ang sanggol subalit balak niya itong palakihin at ituring na kanyang sariling anak. Alam nya mang mali ang kanyang pagkuha sa sanggol ay wala syang magawa dahil hawak ng traydor ang buhay nya sa loob ng palasyo.

Ayaw nya ring mapahamak ang itinakdang prinsesa sa mga kamay nito kaya napilitan syang kunin ito.

Ang hindi alam ng lahat ay ang prinsesang ito ay syang magliligtas sa kanilang lahat sa kamatayan. Ang itinakdang prinsesang ito ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan na syang makakapatay sa malupit na nilalang na kahit ni sino ay hindi kayang patayin. Siya ang itinkada ng kaharian ng buwan upang pumuksa sa mga demonyong nagdudulot ng pinsala sa mga iba't ibang uri tao.

"Ikaw na ngayon ay ang aking anak at dito ka sa mundo ng mga babaylan lalaki at magkakaisip, papangalanan kitang Amaris Nakhti Levesque"

Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon