Masakit ang ulo ko pagmulat ng aking mata kaya mabilis kong sinapo ito at muling nahiga sa kama. Nasobrahan ata ako kagabi. Kagabi pa ako isip ng isip kung paano iligtas si Lyncoln the great killer pero wala akong naisip buong gabi. Wala pumapasok na ideya ni isa sa utak ko! Wala na nga akong kapangyarihan wala pang utak! Tangna!Inis kong ginulo ang buhok ko at nagpaikot-ikot sa kama hanggang sa nalaglag lahat ng unan at kumot ko. Ginulo ko rin ang higaan ko para may makuha lang na ideya pero wala talaga!!!!!
"Ayos kalang Amaris?" Mabilis akong napaupo ng wala sa oras nang marinig ko ang boses ni Cyver.
"What's this mess?" Takhang tanong nito sa akin. "Fuck! Are you okay?" Nagmamadali itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa noo. "You look like a zombie!" Sigaw nito at sinuri ang buo kong katawan.
"Mukha mo lang ang zombie!.......Teka! Patay kanaba at muling nabuhay?... " tanong nito sa sarili na parang nag-iisip ng mabuti, kalaunan ay umiling ito " No! Naligtas ka ni Vish kahapon eh!..... Oh mo!!!! Di kaya! Sinumpa ka ni Lyncoln na mamatay ay muling mabuhay?!......" Umiling ito ulit "Hindi!....hindi..... Walang ganon na magic si Lyncoln......"
"Putek!!" Sigaw ko rito na siyang kinagulat niya. "Buhay pa ako! Ano Excited lang?!"
Gulat niya ako tinignan. Ilang minuto pa siyang tulala bago ma proseso ang lahat sa utak niyang kaya ako ganito kasi puyat-
"WAAAAAAAAAAA! ZOMBIE! Wahhh AYAW KO NG ZOMBIEE!!!!!NAGSASALITA ANG ZOMBIE!!!! TULONG!!!" Napanganga nalang ako sa reakyon niya habang nagsisigaw itong tumayakbo palabas ng silid ko. He is running like a scared lunatic!
Di ko alam may saltik rin pala ang kapatid ni Frey. Sa gandang kong to?! Zombie?! Puyat lang ako!....PUYAT!!!! Buset!!!!
***
Tahimik kaming lahat na naglalakad papunta sa labas ng palasyo kung nasaan si Lyncoln. Ngayon ang araw ng pagbitay sa kanya.At bilang pagtulong.......
T_T
Wala parin akong naisip na ideya kung paano siya ililigtas.
Natatanaw ko na ang mga tao sa labas na handang masaksihan ang brutal na pagpatay sa isang prinsepe ng Liason at kasapi ng Holy Guardian sa kadahilanang pagtangkang pagpatay sa isang prinsesa na walang alam at wala pang naitutulong sa emperyong ito at higit sa lahat hindi alam kung ano ang role sa mundo nila. Handa silang pumatay ng isang prinsepeng marami ng nagawa at tumutulong sa emeperador sa pagpapanatili ng katahimikan sa emperyong ito.
Kaya lesson learned..... Wag pumatay ng prinsesang walang alam......
Fuck that!
What a horrible story to put in the history book that will be read by lots of people who adore this empire. Ano nalang ang sasabihin ng taong bayan?!
Ramdam na ramdam ko ang galit at poot ng bawat taong naririto. Mga matang handang pumatay maligtas lang ang prinsepeng nasa panganib ang buhay. Paano ba napunta sa ganito ang lahat?
Mga sakit sa ulo! Ni di ko inaasahan na mauuwi sa ganito ang lahat! Edi sana hinayaan nalang nila ako puder ni ina.... Wala pa sanang mangyayaring ganito.
Inalalayan ako ni Cyver na umupo sa aking upuan katabi ng hari. Ramdam ko ang panlalamig at panginginig ng kanyang kamay. Di rin siya makatingin ng diretso sa akin. Kaya isang ideya lang ang pumasok sa isip ko Di niya matiis na pagsilbihan ang taong rason kung bakit bibitayin ang kaibigan niya ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
FantasyIto ang mundong puno ng pighati at pasakit, mundong puno ng kakaibang nilalang. Mundong puno ng takot at kabihasnan. Mabubuo ang isang di inaasahang pag-iibigan. Hindi hadlang ang isang propesiya para sa taong nag-iibigan ngunit ano ang magagawa ni...